ONE: "Coming back..."
"ALTHEA MARTINA, come on!" kumakaway na tawag sa kanya ng mga pinsang babae ni Althea De Vera.
Nasa dance floor na ang mga ito at ini-enjoy ang indayog ng malakas na musika pati na ang sopistikadong disco lights sa buong bar. Mukha ring mga tinamaan na ng alak sa sistema.
Tumango siya't nginitian ang mga pinsan. She mouthed, "Later."
Sarkastikong namang itinaas ni Rebecca ang wine glass nito para makipag-cheers sa kanya kaya gano'n din ang ginawa niya't bumulong ng "Cheers!" tapos umirap ito at nagpatuloy na sa pagsasayaw.
Marahang natawa lang naman siya. Sanay na siya sa kanyang mga pinsan. Kilala na niya ang halang ng bawat isa sa mga ito, mapalalaki man o mapababaeng mga De Vera. Kahit malaki ang pamilyang mayroon sila, kabisado na niya ang lahat. Sabay-sabay din kasi silang lumaki ng mga ito, sabay-sabay sa trip, mga kalokohan, at syempre pati na mga tagumpay.
She is Althea Martina De Vera. The conservative and most boring girl among the De Vera girls. And the situation right now justifies these descriptions of her. Nasa kalagitnaan ng dance floor, sumasayaw at nag-e-enjoy ang kanyang mga pinsan habang siya'y narito at nakaupo sa isang stool sa may bar counter. Mag-isang umiinom at nagmumukmok. Hindi naman sa loner siya o may pinagdaraanan. Sadyang hindi lang talaga s'ya 'explorer' dahil tulad ng nabanggit ay 'boring' nga siya.
"Althea De Vera?"
Napalingon si Althea sa lalaking nagsalita. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa stool na katabi niya.
The man looks like an acquaintance but she couldn't remember him exactly. But looks like he could remember her slightly that he was still hesitant.
"Am I not mistaken? You are Althea? The daughter of the retired Army General Antonio De Vera and Doctora Allena?"
She simply nodded. That's it, he knows her.
"Fabian Hernandez." he introduced himself and extended his hand on her. "One of your classmates way back high school."
Simpleng inabot niya ang kamay rito. "I guess, you knew me already."
"Who wouldn't be?" he smiled mischievously. "You're one of the famous De Veras. One of the most elite family here in South Cotabato!"
Pati pinanggalingan niya ay kilala rin nito. As what he has said, her family is one of the elites. Malaki at marangya, kilala sa sosyodad. Kaya hindi na talaga nakapagtataka na kahit saan sila pumunta ay may mga nakakakilala sa kanila.
"You don't remember me, do you?"
"I don't. I'm sorry."
Umiling ito saka ngumiti. "It's okay. One year lang naman kasi tayong naging magkaklase noon. First year high pa, since nag-transfer kaagad ako sa Manila when I got into second year."
Sa muli ay hindi s'ya nagsalita. She doesn't want to show so much interest especially if she's not so interested in the first place. Well, it's not that this man, Fabian, isn't handsome enough to attract her, it's just that it is actually her that doesn't get attracted with men so easily especially with those of certains. And this man is certain. She doesn't know him and couldn't even recognize him even though he already introduced himself.
"Anyways, why so alone here? The other De Veras are partying so bad and they enjoy the night so much!" cool na sinabi nito saka umorder ng maiinom.
Gwapo rin naman ito. He looks carefree and cheerful, friendly as well. Sadyang wala lang talaga epekto sa kanya at sa pihikan niyang puso. Miminsan sa miminsan lang kasi talaga siya nakaka-appreciate ng guys at nagkakagusto.
BINABASA MO ANG
Kahit Konting Pagtingin (COMPLETED)
RomanceNoon pa man ay gustung-gusto na ni Althea ang hunk na si Liam. Ang kaso lang ay may gusto nang iba si Liam, isang babaeng malayo mula sa pamamaraan ni Althea. Liberated, sexy, at wild 'yung babae, samantalang siya ay mahinhin at mahiyain pa. Maganda...