SEVEN: "May girlfriend na pala..."
"Kung 'yon ang nararapat, siguro nga." malungkot niyang sagot.
"And besides, girls, hindi n'yo ba naiisip? It's so ridiculous na gamitin si Brandon para makuha si Ruth at masira ang relasyon nito kay Liam! Like hello? Isang De Vera, pumorma sa kagaya ng cheap na si Ruth? Duh. What a shame!" maarte namang opinyon ni Rebecca sabay irap saka inom ng alak.
"Uy, grabe ka naman, sis!" natatawa lang naman si Luther sa kapatid.
"Totoo naman, kuya! Ang pumatol ang isang De Vera sa isang Ruth Faranzo? Jologs!"
"Hahaha!" humalakhak si Hayden.
"Sabagay..." tumango-tango si Olivia, napapaisip sa mga sinabi ni Rebecca. "Rebecca has a point."
"Yeah! Tama nga naman! Brandon and Ruth? So cheap!" sunod ni Caitlyn.
Hindi na lamang binigyang pansin ni Althea ang huling sinabi ng mga pinsan. Ang mga ito talaga kahit ano lumabas sa bibig maipagtanggol lang siya!
Nangalumbaba siya't naalala bigla ang unang pagkabigo niya noon sa pag-ibig.
Pagkatapos ng insidente sa field trip sa Glan, nagsimula na si Althea na humanga ng labis sa kanyang life saviour na si Liam. Simula no'n ay palagi na niyang naiisip ang binata, tinutulungan din s'ya ng mga pinsan niyang babae sa pangungulit kina Luther at Oscar ng iilang impormasyon patungkol dito dahil alam naman na ng mga pinsan n'ya ang kanyang damdamin at sinusuportahan din naman siya. Sa eskwelahan kapag minsan nakakasalubong niya ito o nakikita man lang mula sa malayo ay buo na ang kanyang araw at mas masaya pa kapag minsan nakakasama itong tumambay sa kanilang mga De Vera para makipagkwentuhan dahil sinasama ito ni Luther o kaya naman ni Oscar.
Naging sobrang interesado siya sa anumang impormasyon o anumang bagay basta patungkol kay Liam. Nagmamahal siya...
Isang araw pa'y naglalakad siya sa corridor at nakasalubong niya ito.
"Liam..." shy ang kanyang ngiti habang mahigpit na nakayakap sa mga dalang libro.
"Thea! Hi!" natutuwa naman itong kumaway sa kanya. "Still have classes?"
Tumango siya sabay pasada sa straight na buhok. "Oo. Ikaw?"
"Oo rin. Gusto mo ba hatid na kita sa classroom mo?"
Lumundag ang kanyang puso sa mabait pa nitong offer na paghatid sa kanya.
"Ha? Ah..." hindi niya alam kung paano o-oo dahil sa hiya ngunit ayaw din naman niyang tumanggi.
Syempre, pagkakataon na ito para makasama niya ang binata kaya aayaw pa ba siya!
"Mabuti pa halika na." marahan siya nitong hinawakan sa braso para igiya.
Naglakad sila ngunit hindi pa sila nakakailang hakbang ay may tumawag na rito mula sa likuran nito.
"Liam!"
Nginitian iyon ng binata. "Ruth!"
Naglakad yung Ruth palapit dito sa kanila at humalik sa pisngi ni Liam, bagay na ikinagulat at ikinakurot ng damdamin ni Althea.
"Where are you going, babe?" malambing na tanong ni Ruth kay Liam.
"Ihahatid ko sana si Althea sa classroom niya, babe." malambing ding sagot ng huli.
"Althea?" tumaas ang kilay ng mukhang mataray na babae at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
Nanliit si Althea bigla. Ang sabi naman ng iba, pretty daw s'ya, pero ngayon pakiramdam niya ang baduy n'ya sa paningin ng babaeng ito.
"Ah, oo, babe! Si Althea De Vera. Remember? Yung kinikwento ko sayo na muntikan ng malunod noong field trip sa Glan? Pinsan nina Luther at Oscar."
"Oh, I see." tumango-tango si Ruth ngunit halata pa rin ang katarayan sa aura.
"Uhm... Althea, ito nga pala si Ruth Faranzo. Girlfriend ko."
Girlfriend... May girlfriend na pala si Liam... The thought makes Althea feel so sad.
"Hindi mo ako nakita no'n sa field trip kasi hindi ako nakasama dahil may mas importante kaming pinuntahan ng daddy ko, but I am Liam's girlfriend." diin pa ni Ruth sa huli mga salita.
Paniguradong kung nandito lang ang pinsan niyang si Rebecca o di kaya ay si Olivia, siguradong sasagutin ng mga 'yon ang babaeng ito ng 'Bakit? May nagtanong ba? Pake naman ba namin sa rason mo kung ba't hindi ka nakasama sa field trip? Tss. Idiot!' On the other side, parang iyon din ang nais na sabihin ni Althea ngayon ngunit ayaw na niya ng gulo pa lalo pa't sa nasa harap sila ni Liam.
"Sorry, Thea, pero hindi na pala kita mahahatid sa room mo kasi nandito na si Ruth. Sorry talaga." wika ni Liam.
Umiling si Althea at nakakaintinding tumango. "Ayos lang, Liam."
"Sige. Mauuna na kami, Thea ha? 'Til next time again!"
"Sige. Bye." ngumiti siya't kinawayan ang dalawa.
Ngumiti at tumugon ng kaway ang binata samantalang ang kasama nitong si Ruth ay masyadong suplada at ini-snob lamang siya. Pinanuod niya ang likod ng dalawa at mayamaya pa'y tumalikod na rin siya para maglakad mag-isa sa classroom niya.
Malaki naman ang pamilyang mayroon silang mga De Vera at masaya namang kasama ang mga pinsan niya, she never felt this loneliness before. She had never been lonely all her life until someone comes along and made her feel this way...
![](https://img.wattpad.com/cover/220893976-288-k950539.jpg)
BINABASA MO ANG
Kahit Konting Pagtingin (COMPLETED)
RomanceNoon pa man ay gustung-gusto na ni Althea ang hunk na si Liam. Ang kaso lang ay may gusto nang iba si Liam, isang babaeng malayo mula sa pamamaraan ni Althea. Liberated, sexy, at wild 'yung babae, samantalang siya ay mahinhin at mahiyain pa. Maganda...