THREE: "Happiest field trip of her entire life..."
"MATULOG ka na, Thea. Sleep tight, hindi ka na ulit namin pababayaan pa." marahang sinabi kay Althea ng pinsan niyang si Rebecca.
Pagkatapos ng nangyari, pinagpahinga siya ng Principal sa cottage nila, pinaasikaso rin s'ya sa medical teams para magamot ang sugat n'ya sa paa at para siguraduhing wala na siyang ibang naging pinsalang internal damage. Pinabalik na rin lahat ng mga estudyante sa kanya-kanyang mga tent at pinagbawalan nang muling magtampisaw sa dalampasigan.
Sa nangyari sa kanya, nawala bigla ang epekto ng alak at kalasingan sa katawan ng mga pinsan n'ya dahil sa sobrang pag-aalala ng mga ito.
After niyang uminom ng mainit na freshmilk ay inihatid na s'ya ng mga pinsan niyang lalaki sa tutulugan niyang tent. They made sure na maayos na talaga siya bago pumasok na rin ang mga ito sa kanya-kanyang tent.
"Oo nga, Thea. Hindi ka na ulit namin hahayaang mapahamak." sunod pa ni Caitlyn.
"We'll always keep an eye after you." dugtong pa ni Anabelle.
"Hindi na ulit namin hahayaang malagay sa panganib ang buhay mo..." si Olivia rin.
Napapangiti nalang si Althea sa pagiging sweet at sobrang caring na mga pinsan niya. Imbes na tatlo lang sila nina Rebecca at Olivia ang matutulog dito sa isang tent ay naging lima na. Sa nangyari sa kanyang muntikan nang mapahamak ang buhay, parang gustong-gusto na siyang bantayan pa ng mga ito at ayaw nang lubayan pa kahit sandali man lang masigurado lang na hindi na mauulit pa ang nangyari.
"Maraming salamat sa inyo, girls. Your concerns are well-appreciated. Mornight." aniya.
Mornight na since it was 2-AM already.
Tumango ang apat at sumiksik naman ng yakap ang katabi niya sa kaliwa na si Caitlyn pati na si Rebecca na nasa kanan naman niya.
Nakatulog kaagad ang mga pinsan ni Althea ngunit siya, lumipas man ang ilang minuto at sandali ay hindi pa rin siya magawang makatulog ng tuluyan.
Liam... is the name of her life saviour.
She couldn't help but smile in the thought that once in her life, she had almost died but there was this someone who came to rescue and save her.
Kumusta kaya s'ya? Sa'n kaya s'ya natulog? Mukhang kilala s'ya ni Luther, isa rin kayang SSG officer si Liam?
All of a sudden, naging interesado bigla si Althea sa isang lalaki, which was unusual to her, kasi hindi naman siya madaling nagkakagusto sa isang tao. Yes, may mga nagpapapansin sa kanya, marami. She's Althea De Vera, she's pretty, smart, and has an innocent kind of beauty kaya hindi iyon imposible. Pero kahit pa marami na ang mga sumubok, ang mga nanligaw, Althea remains to be NBSB. Bukod sa wala pa nga siyang nagugustuhan ay nais din muna niyang mag-focus sa pag-aaral.
Pero pwede naman sigurong mapagsabay ang pag-aaral at pagmamahal sa taong nagugustuhan?
"Hey, Thea. 'Di ka pa natutulog?" nagsalita bigla si Rebecca.
Nagulat si Althea. Akala niya'y lahat sa mga katabi niya ay mga tulog na!
"Why? Inaalala mo pa rin ba yung nangyari? Are you okay? Are you still afraid?" nag-alala na naman ito.
Agaran siyang umiling. "Okay na 'ko, Rebs. Sadyang hindi palang talaga dalawin ng antok."
Rebecca sighed in relief. "You sure?"
Tumango siya.
"Hay, buti naman."
Hindi na siya nagsalita pa, nanatili na lamang ang kanyang mga mata sa ceiling ng tent nila.
Ilang sandali pa'y naglakas loob na siyang magtanong sa gising pang pinsan tungkol sa taong sobrang nakakuha ng interes niya ngayon. "Uhm, Rebs..."
"Hmmn?"
"Uhm... Yung nagligtas sa akin, si Liam..."
"Yeah. What about him?"
"Matagal na ba siyang kilala ng kuya Luther mo? Kaklase ba s'ya, kaibigan o ano? SSG officer din ba?"
"Sa pagkakaalam ko Auditor yata s'ya ng SSG. Not so sure. But yeah, magkaibigan sila ni kuya Luther. Minsan na nga 'yang nakapunta sa bahay noon kasama ng iba pang mga officers saka lagi rin silang kasa-kasama ni kuya pati na s'ya kapag hindi kasama ni kuya Luther ang mga pinsan natin." kwento nito.
Tumango siya't itinago ang ngiting sumilay sa kanyang loob-looban. It's a good thing that her cousin Luther is close to Liam, baka may pag-asang maging magka-close rin silang dalawa. That would be really great!
"Uhm... Bakit hindi ko naman nakikitang kasama ni Luth si Liam sa school?" nagpatuloy siya.
"Hindi mo lang siguro napapansin pero close talaga sila. Katunayan, pati nga si Oscar ay mukhang close rin ni Liam. As far as I know, magkasama sila sa Taekwondo."
Nadagdagan pang lalo ang tuwa ni Althea. Even Oscar can give her informations about Liam! Bukas na bukas ay bubusisain niya ang nasabing pinsan tungkol sa huli.
Ginawa nga ni Althea ang naisip nang kinaumagahan ay nag-aalmusal silang magpipinsan sa cottage. Tinadtad niya ng tanong si Oscar tungkol kay Liam.
"Oo, matagal ko nang kasama si Liam sa Taekwondo." nakatangong sagot ng lalaki habang nagkakape.
"Uhm.. mabait talaga s'ya simula pa man noon? Lagi rin kayong magkasama sa school kapag hindi mo kami kasama?"
"Minsan. Oo, mukha namang mabait si Liam at walang problema sa kanya. Sinagip ka nga n'ya kagabi 'diba? Kaya mabait talaga 'yon."
"Saka SSG officer din kasama nina Luther?"
"Yeah. As far as I know, Liam is Auditor."
Wow. Hindi lang pala talaga mabait si Liam, may sense of leadership din saka Taekwondo player pa. What a turn on!
"Red belt na rin s'ya sa Taekwondo?"
"Blue palang s'ya, cous. Mas nauna kasi ako sa kanya ng isang taon."
"Speaking of... He's coming, Thea! Kasama si Luther." sabad bigla ni Olivia saka itinuro ng mga mata nito ang dalawang paparating dito sa kanilang cottage.
Bigla ay nataranta si Althea at lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Paparating na at makikita na ulit niya ang taong nagligtas sa buhay n'ya kagabi!
![](https://img.wattpad.com/cover/220893976-288-k950539.jpg)
BINABASA MO ANG
Kahit Konting Pagtingin (COMPLETED)
Roman d'amourNoon pa man ay gustung-gusto na ni Althea ang hunk na si Liam. Ang kaso lang ay may gusto nang iba si Liam, isang babaeng malayo mula sa pamamaraan ni Althea. Liberated, sexy, at wild 'yung babae, samantalang siya ay mahinhin at mahiyain pa. Maganda...