NINE: "Ang tanga niyang hindi ka mahalin."
"Really? Sino?" naging interesado bigla ito sa kanyang kwento.
"Siya yung taong habang minamahal ko, busy naman sa pagmamahal sa iba..." malungkot siyang napangiti.
"Ouch. That's so sad! Ang tanga n'ya. Ang tanga niyang hindi piniling mahalin ang isang mabait na Althea De Vera na minamahal siya!"
Napangiti bigla si Althea. Ipinagtatanggol siya ni Liam. Kung alam lang sana nito kung kanino siya nito ipinagtatanggol! Sa sarili mismo nito!
"Hayaan mo na, Thea!" inakbayan siyang bigla nito. "Balang araw, makaka-move on din tayong pareho! Balang araw, mahahanap din nating ang mga taong karapat-dapat ng pagmamahal natin!"
Oo, Liam... Balang araw, mapapansin mo ring ako ang karapat-dapat sa pagmamahal mo at ikaw ay para sa akin...
Nag-angat siya ng mga mata sa nakaakbay sa kanya at nakangiting si Liam. Nagtama ang kanilang mga mata at nagkatitigan silang bigla.
"Liam!"
Naputol ang pagtititigan nila nang may tumawag kay Liam. Nang lingunin nila ay nakitang iyon yung babaeng kasayaw kanina ni Liam. Parang tigreng galit na galit ang mukha nito.
Nagulat si Liam at akmang sasalubungin ang babae. "Ariella!"
Ngunit gano'n na lamang ang pagkabigla nila nang dire-diretsong naglakad ang babaeng Ariella ang pangalan at sinugod ng sampal at sabunot si Althea.
"Ang kapal ng mukha mong babae kang kalantarin si Liam! Akin s'ya at nauna ako sa kanya!" pinaghihila ng Ariella ang buhok ni Althea.
Wala naman siyang ibang nagawa kundi ang umiyak at subukang pigilan ang babae sa pananakit sa kanya ngunit hindi sapat ang lakas n'ya upang patigilin ito.
"Ariella, stop it! Anu ba, Ariella! Tama na!" si Liam din ay pinipigilan na ang babae.
Mabuti na lamang at naging sapat ang lakas ng lalaki upang mahila ito palayo sa kanya ngunit parang ayaw pa ring magpapigil ng tigreng eskandalosa.
"Umalis lang saglit ako tapos pagkabalik ko sinulot mo na!"
"Wala naman akong ginagawang masama." nanginginig ang tinig na sagot ni Althea habang mangiyakngiyak.
Ilang sandali pa'y napasigaw si Ariella nang hinila ni Rebecca mula sa likuran nito ang nakapusod nitong buhok.
"Ahh!" daing ng gaga sa sakit.
Walang sali-salita namang isinubsob ni Rebecca ang mukha nito sa table tapos ay binuhusan ng isang basong alak, dagdagan pa ng sabunot din ni Olivia sa buhok nito kaya sabog ang pagkakapusod doon.
Nagulat si Althea sa ginawang resbak sa kanya ng dalawang pinsan. Sina Anabelle, Caitlyn, at Hayden naman ay kaagad siyang nilapitan at dinaluhan.
"How dare you, bitch! Sa susunod kilalanin mo ang kakalabanin mo!" sinubsok pang lalo ni Rebecca ang mukha ni Ariella sa lamera.
"Next time, lay a finger to a De Vera again and you'll be dead. Understood, huh bitch?!" sunod pa ng mataray ring si Olivia.
"Sorry! Sorry na!" iyak na nang iyak ang biglang umamong tupa na si Ariella.
"Answer me, bitch!" muli ay malakas na hinila ni Olivia ang buhok ng tupa.
"Oo, oo! Hindi na!"
Pumagitna sa kanila si Luther, sinaway at hinila na palayo kay Ariella ang kapatid na si Rebecca. "Enough, Rebs!"
Maging si Brandon ay sinaway na rin ang pinsang si Olivia. "Relax na, Liv."
Parehong binitawan na nga nina Rebecca at Olivia ang bitch na babae. Si Oscar nama'y inalalayan na rin mula sa pagkakalugmok ang huli mula sa mga kamay ng mga pinsang babaeng palaban.
"Next time, make sure that our paths won't cross ever again! Or else, I'll slap you even harder than I did tonight! Tandaan mo 'yan!" banta pa ni Rebecca.
Wala naman nang ginawa yung Ariella kundi ang magtakip na lamang ng mga kamay sa mukha at umiyak nang umiyak.
"Make that girl disappear in front of us really right now, Oscar! Jusko! Nakaka-hyper tension ang pagmumukha n'ya!" maarte namang iniutos ni Olivia sabay irap sa kawalan.
"Yes, boss!" tumango si Oscar tapos ay marahang iginiya na si Ariella palabas ng bar.
Kaagad namang dinaluhan si Althea ng mga pinsang nagtanggol sa kanya.
"Are you okay, Thea? Nagalusan ka ba? Sugat?" naging marahan sa pagkakataong ito ang nag-aalalang boses ni Rebecca.
Maging si Olivia ay isa-isa ring chi-neck ang kanyang mga braso at ulo kung nagkagalos siya.
"Okay lang ako, Rebs. Salamat sa inyo." aniya.
"It's all my fault. Kasalanan ko lahat kung bakit nangyari 'to. I'm so sorry, guys. Lalo na sayo, Thea..." puno naman ng pagsisisi at pag-aalala rin ang boses at mukha ni Liam.
"Talagang kasalanan mo, Liam!" nagtaas ng boses bigla si Rebecca sa lalaki.
"Rebs!" marahang hinawakan niya ang pinsan sa braso upang pigilan ito sa pagbuntong ng galit kay Liam. "Walang kasalanan si Liam. Hindi rin n'ya ginusto ang nangyari saka pinigilan din naman n'ya yung babae kanina mula sa pananakit sa akin..."
Bumuntong-hininga si Rebecca at kinalma nga ang sarili. "Kahit pa sabihing hindi mo nga ginusto yung nangyari, but next time around Liam, make sure na hindi na mapapahamak pa ang pinsan ko mula sa mga kamay ng babaeng sangkot sayo!"
"Oo, Rebs." determinadong tumango si Liam. "Sa totoo lang, wala naman talaga kaming anumang closure ng babaeng 'yon. We just danced earlier, and that was it. 'Ni hindi pumasok sa isip kong gagawa s'ya ng eskandalong ginawa n'ya ngayon."
"Liam, we protect each of our cousins. 'Ni lamok hindi namin hinahayaang dumapo kay Althea, kaya sana ingatan mo ring hindi s'ya naaagrabyado ng kung sinong babae mo dahil lang sayo!" dugtong naman ng medyo kalmado nang si Olivia.
Tumango si Liam. "Asahan ninyo." sa muli ay bumaling ito sa kay Althea. "Sorry again for the trouble I've caused, Thea."
Ngumiti siya... The concern that draws on Liam's face makes her feel secure again. "Wala kang kasalanan, Liam."
BINABASA MO ANG
Kahit Konting Pagtingin (COMPLETED)
RomanceNoon pa man ay gustung-gusto na ni Althea ang hunk na si Liam. Ang kaso lang ay may gusto nang iba si Liam, isang babaeng malayo mula sa pamamaraan ni Althea. Liberated, sexy, at wild 'yung babae, samantalang siya ay mahinhin at mahiyain pa. Maganda...
