Chapter 3

60 10 1
                                    

TWO: "Kapabayaan."

"Hayden's cannot be reached." sarcastic bigla na sinabi ni Caitlyn sa gitna ng inuman. "Nasa'n na bang ang isang 'yon?"

"Well. Over there." itinuro ni Brandon ang kapatid na nasa dagat at mukhang enjoy na enjoy din sa pakikipagtampisawan sa mga kababaihan.

Si Althea nama'y tinanong si Rebecca tungkol sa kapatid nito. "Ang kuya Luther mo ba, dito matutulog sa atin or sa officer's booth?"

Rebecca shrugs. "Don't know. Baka do'n na since mukha namang busy sila at may sariling mundo bilang mga officers."

Pagkaraan ng ilang sandaling inuman, naroon at mukhang isa-isa nang tinamaan ng epekto ng alak ang magpipinsan. Si Rebecca ay minabuti nang pumasok sa tent para makapagpahinga at matulog, si Anabelle nama'y humihilik na sa kinahihigaang papag, si Brandon kasama ng babae nito ay mukhang masarap pa rin ang kwentuhan, si Oscar nama'y pumasok sa isang tent kasama ng mga dalang mga babae at ngayon ay naghahagikhikan na ang mga ito roon.

Tanging sina Althea, Caitlyn, at Olivia nalang yata na hindi masyadong uminom ng marami ang mga nasa kanya-kanya pang katinuan ngayon. Ngunit ang huli ay naroon na sa labas ng cottage nila at nakaupo sa isang wooden bench habang may katawagang kung sino sa cellphone.

"Kuya Oscar! Ilabas mo 'yang mga babae mo d'yan mamaya sa tent kapag natulog na kami d'yan ni Anabelle ha!" sigaw ni Caitlyn sa kapatid.

"Hookey!" ang lasing na boses ng loko ang sumagot!

"Grabe! Hindi ko sila kinaya! Lalo na si kuya Oscar! Tatlong babae ba naman dalhin sa loob ng tent!" maktol pa ni Caitlyn sabay irap sa kawalan.

Althea smiled. "Hayaan mo na. Lalabas din 'yan mamaya tulad ng sinabi mo kapag mahihiga na kayo ni Anabelle doon."

"Aba'y dapat lang! By the way, antok ka na, Thea?"

Umiling siya. "Hindi pa nga masyado eh. Ikaw?"

"Tulad mo, hindi pa masyado. Tara? Let's swim na muna!"

"Dalawa lang tayo?"

"Tatlo kung sasama si Olivia."

"Tara!"

Lumabas sila ng cottage at agad na niyaya ang pinsang si Olivia.

"Tara, Liv, swimming pa tayo!" wika ni Caitlyn.

Olivia simply smiled and nodded. "Sige, susunod ako."

Tumuloy na sina Althea at Caitlyn patungong dagat at hindi na kinulit pa ang busy sa katawagan nilang pinsan.

Nagtatampisaw sila sa tubig at kapwa naglalalangoy dahil marunong naman sila.

"Ano, Thea? Karera tayo! Pabilisan at pahabaan ng layo ng langoy?" nakangising hamon bigla ni Caitlyn.

Tumango si Althea. "Game!"

Nagkarerahan sila't nagpaunahan sa paglalangoy. Naramdaman naman ni Althea na medyo malayo-layo na ang kanyang nalangoy at hinihingal na siya. When she was about to step her feet on the sea's sand, doon n'ya napagtantong malayo-layo na pala ang kanyang narating at medyo nasa malalim na siyang bahagi ng dagat.

Hinayaan muna niya ang sariling lumubog sa tubig para maabot ang apakan at makapagbalanse siya ngunit mukhang minalas siya nang may maapakan siyang kung anong matalim at nakakatusok na lamang-dagat kaya nasugatan at sumakit bigla ang paa niya. Nang pinilit naman niyang lumangoy ulit ay saka pa inabot ng pulikat ang paa niyang napinsala kaya kahit anong pilit niyang lumangoy paitaas ay tila hirap na hirap na siyang gawin at parang hinihila naman s'ya pabalik sa ilalim. Nag-panic na siya!

Nauubusan na s'ya ng hininga at nag-uumpisa na rin siyang pasukan ng tubig sa katawan! She tried shouting for help but of course, nasa malayo na siya't nasa malalim kaya sino ang makakarinig o makakapansin man lang sa kanya?

What to do!

Naiiyak na siya't hindi na alam ang gagawin. Talaga bang ito na ang katapusan niya? Hanggang dito nalang ba talaga siya?

Seconds later, everything turned black. Nagising na lamang siyang nakahiga sa buhanginan habang may lalaking bumabayo sa bandang tiyan niya tapos ay nauubo siyang inilalabas ang tubig-dagat na nasa katawan. Maraming tao ang mga nakapaligid sa kanya. Nakikiusiso at nakikipag-alala. Umiiyak at nagpapanic naman ang mga pinsan n'ya. Doon n'ya bigla naalala ang mga nangyari. Kamuntikan na siyang malunod!

"God, ate! Thank God you're awake!" naluluhang bulalas ni Brandon habang nakaluhod sa buhanginan kasama ng lalaking bumayo sa sikmura niya.

Madilim ngunit maliwanag ang sinag ng buwan kaya hindi man n'ya maklaro ang mukha ng lalaki ay lumalabas pa rin ang natatanging kakisigan nito.

"Thank God, Thea!" umiiyak din si Rebecca na niyakap siya ng mahigpit. "Kasalanan namin 'to eh! Napahamak ka dahil pinabayaan ka namin! Sorry, Thea!"

"Sorry, Thea! Ako yung naghamon sayo ng karera sa paglalangoy. I should've took full responsibility of you!" humahagulgol din si Caitlyn habang nakahawak sa palad niya.

Niyakap din siya nina Olivia at Anabelle. Maging ang mga lalaking De Vera ay emosyunal din.

"Hindi sana kita pinabayaan, ate!" ani Hayden naman.

Inalalayan siya ng mga pinsang sina Luther at Oscar na bumangon at maupo ng bahagya.

"Hssh. 'Wag ninyong sisihin ang mga sarili ninyo. Wala namang may gusto ng nangyari." marahang sagot niya sa mga pinsang sinisisi ang mga sarili. "By the way, salamat sa inyo. Sa pagsagip at sa concern."

"You should've thanked Liam, Althea. S'ya an' nakakita at sumagip sayo." ani Luther saka itinuro ang lalaking katabi ni Brandon.

Kumalabog ang kanyang dibdib nang nagtama ang mga mata nila ni Liam. He's her saviour. "Maraming salamat sa pagligtas sa buhay ko."

He smiled at her showing his cristal-clear all white teeth that made her heart melt. "No worries."

From that moment on; the moment she laid her eyes on his, the moment he spoke to her with his tender voice, she knew has fallen in love with her life savior!

Kahit Konting Pagtingin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon