CHAPTER 5

52 11 2
                                    

FOUR: "It did hit her."

Inayos niya ang sarili at umayos ng upo sa tabi ni Caitlyn at ng dalawang mga kapatid niyang sina Brandon at Hayden.

"Kumusta kayo rito?" ani Luther nang tuluyang makarating sa kanila. As usual, mino-monitor sila.

"Ayos na. Almusal tayo, Luth, Liam!" pagyayaya ni Brandon.

Alam ni Althea na ang kapatid na si Brandon ay hindi basta-bastang nagiging mabait sa ibang mga tao kapag hindi nito pinsan ngunit dahil niligtas ni Liam ay buhay n'ya kagabi ay mabait ito sa huli. Her brother's obviously thankful to the person of his sister's life saviour.

"Sige, sige! Thanks! Kumain na kami kanina sa head quarters namin kasama ng iba pang SSG officers." ani Luther.

"Yeah. Thanks, anyway!" nakangiti namang salita rin ni Liam.

Liam's wearing a while sando and blue beach shorts then Islander slippers...

He has brown pair of eyes, pointed nose, tanned skin, and natural wet lips. Kahit high-school palang ay halata na ring well-built ang katawan nito dahil sa training sa Taekwondo. May katangkaran din ito na tulad ng mga kapatid niyang basketball players. And most of all, ang bait ng mukha nito. Tipo bang simple at walang anumang angas.

Siguro nga tama ang pinsan niyang si Rebecca. Ngayon lang n'ya napansin si Liam at ang kagwapuhan nito dahil ngayon lang naman talaga s'ya bigla naging sobrang interesado sa isang lalaki.

"Liam bro, salamat nga pala sa pagliligtas sa kapatid namin kagabi." wika ni Hayden.

Lumakas pang lalo ang kabog ng dibdib ni Althea. Nandito na't binuksan na ulit ng kapatid niya ang usapin tungkol sa kabayanihan ni Liam kagabi sa pagsagip sa kanyang buhay.

Tumango si Liam. "Walang anuman. I'm an officer and one of my schoolmates was needing help kaya ginawa ko lang ang nararapat."

May kumirot bigla sa loob-looban ni Althea. Ginawa lang nito ang nararapat dahil SSG officer ito...

"And besides, kahit sinong taong nalulunod kapag nakita ng ibang taong maliban sa akin, they would also do the same..."

That's it! He saved her because she needed help. Kunsabagay, tama ito. Kahit naman sino, kahit hindi siya, yung nalulunod ay tutulungan talaga nito at kahit na sinong makakakita ay gagawin din ang gaya ng ginawa nito.

Well, hindi ito nagpakabayani para sa kanya. Ginawa lang talaga nito ang dapat dahil nangailangan siya ng tulong! It did hit her. She thought... she thought she there's something special that's why he saved her.

Ano ka ba, Althea! 'Wag ka nga'ng assuming at mas lalong 'wag kang demanding! Natural lang na para sayo espesyal iyon dahil s'ya ang kauna-unahang taong nagligtas sa buhay mo but it doesn't necessarily mean that the feeling is mutual! He just did his duty and just be thankful because he saved you!

Natigilan bigla siya nang iginiya nito ang mga mata sa kanya at nagtanong. "By the way, okay ka na ba, Thea?"

Marahan siyang ngumiti, pilit na pinipigilan ang sariling huwag magtititili sa harapan nito mismo! "Uhm... oo. Okay naman ako. Maraming salamat ulit sayo."

"Walang problema." anito at tinapik pa talaga s'ya sa balikat.

That was the first time na nakaramdam s'ya ng kuryente mula sa simpleng pagkakadikit ng balat ng isang tao sa kanyang balat. Even butterflies in her belly go crazy!

Nagpatuloy sila sa pagkain at pagkatapos ay nagpasya silang magpipinsan na mag-island hopping.

"Sigurado kang sasama ka, ate? 'Wag nalang kaya? Hindi na rin ako kung gusto mo para may kasama kang maiiwan." alanganing tanong ni Hayden nang nasa white sand na sila at hinihintay ang bangkang paparating na siyang magto-tour sa kanila.

"Oo nga, Thea. Kung gusto mo, dito nalang din ako. Samahan kita." dugtong pa ni Caitlyn.

Napapangiti nalang si Althea sa mga pinsan at kapatid niya. Naiintindihan niyang nag-aalala ang mga ito sa kanya dahil sa nangyaring insidente kagabi ngunit bukod sa alam niyang gustong-gusto ng mga ito ang mag-island hopping ay gusto rin niya iyon. "Sasama ako. Sasama tayong lahat. Walang De Vera ang dapat na maiwan dito sa cottage natin!"

Hindi pa rin kumbinsido si Anabelle. "Pero, Thea-"

"Okay lang talaga, An. Kaysa naman magmukmok ako rito at ipagkait sa sarili ko ang maging masaya kasama kayo 'diba? Saka, gusto mo bang dahil sa nangyari ay mabaon ako ng trauma sa tubig at dumating ang araw na talagang lamunin na ako ng takot sa pagpunta sa dagat?" banayad niyang sinabi.

Umiling ito saka nagbuntong-hininga. "Sabagay, tama ka naman."

"Hayaan na natin kung gusto talaga niyang sumama, ang importante naman ay kasama n'ya tayo at hindi na natin s'ya pababayaan saka hindi na hahayaan pang maulit ang nangyari sa kanya kagabi." kumindat naman sa kanya si Rebecca.

Marahan siyang natawa sa makulit na pinsan."Yes, nandito naman kayo eh kaya wala akong dapat na ipag-aalala."

"That's right!" sang-ayon naman ni Luther tapos binalingan ang katabing si Liam. "Sama ka na sa amin, bro."

"Oo nga, Liam. Sumama ka na sa amin." sunod namang anyaya ni Brandon.

Nahihiya na naiiling si Liam. "Wag na, mga tol. Nakakahiya at sasaybet pa ako. Hindi naman ako isa sa mga pinsan ninyo at hindi ako isang De Vera."

"Okay lang, Liam!" napakagat-labi si Althea sa biglang pagsingit. Mouth naman! Magpigil ka nga kahit minsan lang nakakahiya ka! "Uhm... I mean, kahit na hindi ka isang De Vera, pwede ka pa ring mag-join sa amin since friend ka naman nina Luther at Oscar." kaagad niyang palusot upang hindi mahuli sa akto na gustong-gusto niyang sumama si Liam sa kanila!

"O ayan! Pinsan ko na mismo nagsabi, pwede raw, bro! Sama ka na sa amin!" patuloy na kumbinsi ni Luther.

Sa huli ay wala ring nagawa si Liam kundi ang tumango at sumama sa kanila. Kung saan-saang isla at bahaging tubig ng Glan sila ipinasyal ng bangka. Sila naman magpipinsan ay todo picture-dito picture-doon, panay ang selfie at groufie, hindi rin mawawala ang kwentuhan, kulitin, at maya't-mayang halakhakan.

Sa tuwing may mga nakakatawang kalokohan si Brandon na ikinahahalakhak ng lahat, masaya si Althea na napagmamasdan ang nakangiti at nakatawang mukha ni Liam. Para bang kaysarap pakatitigan ng itsura nito dahil sa mga ngiti nitong makalaglag puso!

Isang beses pa'y nahuli siya nitong nakatitig dito kaya kaagad siyang umiwas dahil pakiramdam niya'y umakyat lahat ng dugo nsa kanyang mukha at pulang-pula na ang kanyang pisngi. Nang muli niyang ibinalik ang mga mata rito ay nakatingin pa rin ito sa kanya saka nginitian pa siya.

Talagang tumaba ang puso niya roon. Nakakagalak ang ngiti nito at ang gumwapo pang lalo ito dahil do'n! Ngumiti rin siya pabalik dito at nauna na siyang umiwas. Nahihiya siyang nakikilig!

Yieee!

Nang muling makabalik sa Isla Don Juan, isa-isa nang nagsibaba ang mga pinsan niya at nang siya na ang bumaba ay tila nahirapan s'ya dahil may kataasan pa ang bangka at kailangang tumalon kaya bago pa man siya makahingi ng tulong o tulungan ng mga pinsan niyang lalaki ay nauna na si Liam na ilahad ang kamay nito para sa kanya at alalayan siya pababa.

"Salamat, Liam." nangingiting aniya nang tuluyang makababa.

He smiled and nodded at her.

And that was the happiest field trip of Althea in her entire life. That was also the first time she had adore and loved a man. It was love at first sight.
Who wouldn't fall for someone who saved your life!

Kahit Konting Pagtingin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon