TEN: "Change for the better!"
"WHAT?! Really, Thea?"
Tatlong araw matapos ng huling insidente sa bar, tuwang-tuwa ang reaksyon ng mga pinsan ni Althea nang makuwento niya sa mga ito ang tungkol sa break-up nina Liam at Ruth.
Tumango siya. "Oo, 'yon yung sabi ni Liam."
"A very good news, indeed!" ani Caitlyn. "Pero bakit daw?"
"He caught her cheat again... and again."
"Sinasabi ko na nga ba eh. Makati talaga 'yang si Ruth kahit noon pa! 'Di makuntento kay Liam at gusto pang maghanap ng ibang putahe!" irap naman ni Olivia.
"It's great that finally they broke up. Liam deserves better. Duh." maarte namang opinyon din ni Rebecca.
"Tamang-tama lang pala itong slumber party natin ngayong gabi para sa selebrasyon ng puso ni Althea!" tumatawang sinabi naman ni Anabelle.
Kasalukuyan silang nasa bahay nina Olivia partikular na rito sa loob ng malaki at mala-Prinsesa nitong kwarto. Sa lahat kasi silang magpipinsang De Vera, ito lang ang nag-iisang only one child sa kanila.
Nandito sila ngayon, na tulad ng lagi, dahil naimbitahan na naman sila ni Olivia at ng mommy't-daddy nito na dito na muna manatili. Gustong-gusto kasi ng tito at tita nila na nandito sila para masaya at umingaw naman daw ang bahay tapos hindi rin ma-bored si Olivia dahil walang 'ni isang kapatid.
Mayamaya pa't kumatok ang mommy ng huli at may dalang tray ng mga pagkain. Chitserya, fries, popcorn, mani at kung anu-ano pa. Tapos ang daddy naman ay may dalang juice na maiinom nila. This is just the disadvantage when they're here, liquors are not allowed.
"Merienda kayo, mga anak!" anang magandang ginang.
"Wow! Si tita Agatha, the best talaga!" malambing namang hinilot-hilot ng makulit na si Caitlyn ang tiyahin nila si Mrs. Agatha De Vera.
"Naku at binola mo pa ako, Caitlyn!" natawa lang naman ang ginang.
"Naku, hindi po kami nambobola, tita! Totoo po talaga! The best po kayo!" si Anabelle ang dumugtong.
"Salamat po, tita!" ani Rebecca naman nang tinanggap ang tray ng mga pagkain.
"Eto pa. Juice ninyo." maging si tito Jackson De Vera ay gwapo pa rin kahit nasa mid 50's na ang edad!
"Wala pong Tanduay Ice, tito?" nakangisi namang biro ni Rebecca na siyang kumuha ng juice at mga baso.
"Uh oh!" umiling-iling ang ginoo. "Remember our number one golden rule here? No liquor is allowed inside Olivia's room!"
"Haha. Kidding, tito!"
"Haha. I know." tumango-tango ito.
"Teka parang kulang yata kayo? Where are the boys?" ang ginang ang nagtanong.
"We did not invite them here, mom, dad. We're having slumber party po kasi so only girls are allowed." si Olivia ang nakangiting sumagot sa mga magulang.
"Oh, I see." ngumiti ang mommy n'ya. "Kaya pala pansin kong pare-pareho kayong naka-pajamas ngayon!"
"Opo."
Inakbayan ni tito Jackson si tita Agatha para magpaalam na sa kanila. "We'll go to sleep now, girls. So, maiwan na muna namin kayo rito. Enjoy, okay?"
"Opo. Goodnight po, tito, tita." isa-isa na ring humalik sa pisngi ng mag-asawa ang magpipinsan upang magpaalam.
"Goodnight."
Ilang sandali pa'y nakalabas na ng kwarto ang mag-asawa at silang magpipinsan nalang ulit ang malayang natira rito sa loob habang tuwang-tuwang pumapapak ng mga pagkain.
"It's a good timing pala talaga na wala rito ang boys ngayon!" nakangising pahayag bigla ni Olivia. Mukhang may kung anong nakakalokang bagay ang tumatakbo sa utak nito ngayon.
"Why, Liv? Do you have something interested in mind?" sunod namang ngisi ni Rebecca.
"Uy, ano 'yan, girls? Sali n'yo naman kami diyan! Share-share!" na-excite ding bigla si Caitlyn.
"Hindi. Ang totoo kasi niyan, may naiisip na ako ngayon kung paano tuluyang mapapalapit sina Althea at Liam sa isa't-isa." ani Olivia.
Nagulat si Althea roon. Siya na itong nananahimik ay siya palang pakay ng kung anong naiisip ni Olivia at ng mga pinsan nila!
"What about it?" na-excite ding bigla si Anabelle.
Napapailing nalang si Althea. Ang supportive nga naman talaga kahit kailan ng mga pinsan niya sa kanya!
"Tutulungan natin silang dalawa."
"What? Edi, we'll be cupids niyan! Wow! Can't wait to be like one and match make the two persons who are suitable with each other!" tuwang-tuwa naman si Caitlyn.
Olivia turned to Rebecca. "Rebs, Althea will be needing our help the most."
The latter grinned. "Sure. What about it? How would we be able to do that?"
"Let's share to her the blessing of our charisma. Let's teach her our sense of fashion and style!"
"Great then. Game!"
"Kayo naman, Anabelle and Caitlyn, contact Oscar or Luther to get Liam's phone number."
Dali-dali ngang dumukot ng mga cellphone nila ang dalawang magkapatid at nagpaunahan sa pagtawag kina Oscar at Luther upang makuha ang number ni Liam. Nauna namang nagtagumpay si Anabelle nang si Luther ang tinawagan at kaagad na ibinigay ng pinsan ang pakay.
"Good job, Anabelle. Now, Caitlyn, call Liam and ask him when he is free to night out in a bar again."
Iyon nga ang ginawa ni Caitlyn at tinawagan si Liam. "Hello, Liam? This is Caitlyn De Vera. Yes, Caitlyn, one of Thea's cousin. Just want to ask you if when are you free to night out again and in which bar? Really? Friday night? There? Is that sure? Okay, okay. See ya!"
Matapos ng tawag ay kaagad na sinabi sa kanila ni Caitlyn ang info. "Friday night at Famville."
"Friday night, Famville. Noted!"
Hindi nga nagbiro ang mga loka, si Althea nga talaga ang napagdiskitahan sa pamamagitan ng pagmi-make over!
The next night after that night ay inayusan siya nina Rebecca at Olivia ng hindi naaayon sa fashion taste niya kundi naaayon mismo sa fashion taste ng mga ito! Pinagsuot ba naman siya ng sobrang ikli at iksi na puting dress! Tube-style ang nasabing dress at hapit na hapit sa kanyang katawan kaya masyadong na-depina ang kanyang kurba, ang mahahaba at makikinis na legs pati na ang kanyang cleavage. Masyado ring fierce ang dating ng pag-make up ng mga ito sa kanya lalo naman na ang lipstick niyang pulang-pula!
Ang straight niyang itim na itim na buhok ay hindi rin pinalampas ng mga ito. Sina Anabelle at Caitlyn ang sumagot sa bagong hairstyle niyang blond and curly. Ang stilletos naman niyang 3-inches pointed ay ini-sponsor ni Rebecca.
"Vola! Tapos na!" pumalakpak si Olivia nang sa wakas ay natapos na umano ang major make-over ng mga ito sa kanya.
"Come here, Thea." maingat na dinala at iniharap naman siya ni Rebecca sa isang full-length mirror. "Look at you. You look more attractive and fiercer now!"
Tiningnan ni Althea ang sarili at totoo nga ang sinabi ng huli. She looks more attractive and fiercer now, and even liberated and wild! Sa isang iglap ay tila naglaho ang inosente, conservative, and boring na s'ya.
"Uhm... Parang hindi naman bagay sa akin, cous." kimi niyang sinabi habang hinihila pataas ang damit nang matakpan ang kanyang cleavage.
Sa totoo lang ay naaasiwa siya sa bagong looks umano niya. Syempre ay hindi siya sanay at hindi ganitong style ang nakalakihan niya!
"Anong hindi bagay sayo! Ano ka ba! Ang ganda-ganda mo nga oh! Tapos mas lalo pang nakita ang ka-sexyhan mo!"
"Hay naku, 'wag ka nang magprotesta, Althea!" ani Anabelle. "Kami na nagsasabi, bagay na bagay sayo ang new look and aura mo! 'Di ba, girls?"
Tumango para sumang-ayon sina Caitlyn and Olivia. "Naman!"
Hindi talaga kumbinsido si Althea. Baka mamaya nito ay mabastos siya ng kung sino sa pupuntahan nila dahil sa ayos niyang ito ngayon!
BINABASA MO ANG
Kahit Konting Pagtingin (COMPLETED)
RomanceNoon pa man ay gustung-gusto na ni Althea ang hunk na si Liam. Ang kaso lang ay may gusto nang iba si Liam, isang babaeng malayo mula sa pamamaraan ni Althea. Liberated, sexy, at wild 'yung babae, samantalang siya ay mahinhin at mahiyain pa. Maganda...
