EIGHT: "Trouble."
NAGING mabilis ang mga araw at naging mabilis din ang pagbabago ng mga pangyayari. Isang gabi sa ibang night bar, nakita ni Althea si Liam na iba na ang babaeng kasama at kasayaw.
"Omo! Is that Liam?" gulat na naibulalas ni Caitlyn nang makita ang tinitingnan niya.
"Probably." kibit-balikat namang sagot ni Olivia sabay sipsip ng liquor sa wine glass with orange and umbrella.
"Ba't iba na kasama n'ya? Hindi na ba sila ni Ruth? He is cheating? He's an asshole?" sunod-sunod namang curious na tanong din ni Anabelle.
Hindi nakasagot si Althea, maging siya ay walang anumang alam. Well, as far as she's concerned, Liam isn't a cheater nor an asshole. Natatandaan pa nga n'ya dati no'ng mga high school pa sila, sa ilang taon na relasyon ng binata sa nobyang si Ruth ay never naman nilang nabalitaan na nag-cheat ito, it was actually the other way around. Or... napaisip bigla siya. Ruth cheated on Liam again?
"Liam is not an asshole, Ruth is the one who's asshole and cheater." direkta namang pahayag ni Rebecca.
"Oo nga 'no? Aba't matindi rin!" napahilot sa sintido at napairap si Caitlyn.
Tiningnan mabuti ni Althea ang babaeng kasayaw ni Liam. The woman looks like mestiza, has a white sunny skin, golden brown curly hair, and just like Ruth, has a wild and liberated aura.
"Yang mga tastes talaga ni Liam sa babae! Tsk. Tsk." napapailing si Anabelle.
"That's why he never got attracted with ladies who have innocent looks and aura. He prefers girls who are wild and liberated." opinyon naman ni Oscar na pasimpleng naninilip ng mga pwet ng mga kababaihang dumaraan sa table nilang magpipinsan.
Medyo nasaktan si Althea sa sinabi ng pinsan. Tama nga naman ito, mahilig si Liam sa mga babaeng liberated. And Althea's not liberated, has no even courage to become like one!
"Hindi ko nga maintindihan 'yang si Liam eh! He's kind and a one-woman man, pero mga ganyan tipo ng babae ang gusto niya! Tipong kakaliwain at sasaktan lang s'ya! I can't even imagine kung pa'no sila nagtagal ng ilang taon ni Ruth na lagi naman siyang niloloko!" ani Anabelle.
"Tama! Dapat kasi yung mga katulad nalang ni Althea ang gustuhin n'ya! Mamahalin na siya't hindi pa sasaktan! Bukod sa matalino at maganda, mabait din si Althea at desente pang babae! Doesn't he like decent girls?" patuloy naman ni Caitlyn.
Marahang napangiti si Althea sa mga sinabi ng mga pinsang babae. Bukod sa totoo ang mga sinasabi ng mga ito patungkol sa magagandang katangian ng isang babae sa kanya ay alam din syempre niyang bias ang mga ito sa kanya dahil pinsan siya ng mga ito. Well, yeah she appreciates their compliments a lot pero ano ba naman ang magagawa nila kung hindi nga ang mga tipo n'ya ang mapapansin ng kagaya ni Liam?
"Hayaan nalang natin, girls. He has his own perspectives and standards when it comes to girls, 'wag nalang nating pakialam at husgahan." aniya.
Nagsitahimik na nga lang ang kanyang mga pinsan at nagkanya-kanya nang gimik. Ang iba'y nasa dance floor na, ang mga lalaking De Vera nama'y may mga kasa-kasama nang mga kanya-kanyang chicks, tapos sina Caitlyn at Anabelle ang naiwan dito kasama n'ya na panay nalang din ang kwentuhan at inuman.
Siya nama'y nanatili ang mga mata kina Liam at sa kasama nitong babae. Kailangan mo kaya ako mapapansin din ng tulad niyan, Liam?
Umiwas siya't mapait na ngumiti. Syempre, hindi mangyayari 'yon kasi nga malayo s'ya sa mga tipo ni Liam na babae. He prefers girls who could give him thrill and excitement, and Althea is such a boring girl!
Ilang sandali pa'y umalis ang kasayaw ni Liam at sa wakas ay napabaling ito rito sa kanyang gawi saka napansin siya nito. Ngumiti ito sa kanya at kumaway. Natunaw ang kanyang puso at napangiti rin siya saka kumaway pabalik. Mayamaya pa'y namalayan na lamang niya ang tuluyang paglapit nito sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/220893976-288-k950539.jpg)
BINABASA MO ANG
Kahit Konting Pagtingin (COMPLETED)
RomanceNoon pa man ay gustung-gusto na ni Althea ang hunk na si Liam. Ang kaso lang ay may gusto nang iba si Liam, isang babaeng malayo mula sa pamamaraan ni Althea. Liberated, sexy, at wild 'yung babae, samantalang siya ay mahinhin at mahiyain pa. Maganda...