Chapter 2

97 14 3
                                    

ONE: "He who saved her life..."

"EXCITED na ako!"

Marahang natatawa na napapailing si Althea sa pinsang si Caitlyn habang naglalakad sila sa campus ng pampribadong sekondaryang paaralan na pinapasukan nilang magpipinsan.

Ang tinutukoy nitong excited na umano ito ay ang school field trip nila sa Glan Saranggani na gaganapin next week.

Last Monday lang ini-announce ng school ang nasabing field trip at ngayong Friday, mas naging excited pang lalo ang mga estudyante na halos kahit saang bahagi ng paraalan ay pinag-uusapan na ang tungkol sa gaganaping field trip.

"Ikaw, Thea? Aren't you excited?"

"Hmmn... Okay lang." simpleng sagot niya.

Hindi na rin naman kasi siya masyadong namamangha sa field trips especially when it is a sea trip kasi palagi naman silang magpipinsang nagpupunta sa kung saang beach resort kasama ng mga magulang nila noong mga mas bata pa sila. Kahit ngayong mga teen-agers na sila ay gala rin sila nang gala sa kung saang dagat lalo na kapag summer. Kaya hindi maintindihan ni Althea kung bakit tuwing pupunta silang dagat ay tila first timer pa rin sa pagkaka-excite ang ibang mga pinsan niya lalo na si Caitlyn, samantalang yung iba naman keri lang and just go with the flow, parang s'ya lang din.

Nakarating sila hanggang sa volleyball court kung saan isa sa mga varsity player ang pinsan nilang si Rebecca.

"Go cous!" sigaw naman bigla ni Chelsea nang makitang magsi-serve si Rebecca.

Naupo sina Althea at Chelsea sa isang bleacher para manuod at hintaying matapos ang practice-game ni Rebecca.

Ngumiti at kumindat ang huli sa kanila bago tinakbo ang distansya sa server's line saka malakas na hinampas ang bola sa ere papuntang kabilang court. Hindi iyon nagawang matira ng kalaban na team nina Rebecca kaya tuwang-tuwa ang mga ito sa dagdag na score.

"Galing! Whoow!" cheer ni Brandon.

Napatingin sina Althea sa gawi ng kararating lang. Ang mga kapatid niyang sina Brandon at Hayden sa suot ng mga itong basketball jersey. Varsity players din kasi ang dalawa sa basketball at Captain pa si Hayden.

"Pinsan ko 'yan!" dugtong pa ng mukhang hyper at good mood na si Hayden.

Dumiretso ang dalawa sa kanila at naupo sa tabi ni Caitlyn.

"Kapatid ko 'yan!" sunod pa ng isa pang si Luther. Ang nakatatandang kapatid naman ni Rebecca.

Napailing nalang si Althea nang makitang todo kilig na ang ibang babaeng volleyball players sa pagdating ng dalawang kapatid niya at ng mga pinsan niyang lalaki. Si Brandon nga ngayon ay nakikipagbolahan na sa mga babaeng nakaupo hindi malayo rito sa kinauupuan nilang bleachers at humahagikhik pa ang mga iyon. Well, the De Vera boys' appeal.

Natapos ang practice-game nina Rebecca at kaagad na ring umakyat ang babae patungo rito sa bleacher para uminom ng tubig at magpahinga.

"You're sweating, Rebs." pinunasan ng kadarating lang ding si Oscar ang pawis ng pinsan sa mukha at leeg.

Oscar's wearing a dobok with red belt. Red belter na kasi ito sa Taekwondo.

Inagaw naman kaagad ng babae ang panyo mula kay Oscar at pinunasan ang sariling pawis. Althea offered Rebecca a mineral water.

"Thanks." the latter smiled and accepted the water.

"Wala na kayong meeting ngayon?" baling ni Althea kay Luther.

Ang tinutukoy niyang meeting ay meeting ng mga Student Supreme Government officers. Yes, Luther's an SSG member, the President to be exact.

Luther shrugged his shoulders cooly. "Wala na."

Kahit Konting Pagtingin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon