CHAPTER 6

46 10 0
                                    

FIVE: "Until someone comes along..."

(JANUARY 2017)

"LIAM!"

Napalingon sina Althea at mga pinsan n'ya sa tumawag kay Liam matapos nilang magkamay na dalawa. Mukhang kadarating lang ng babae at nilingon ito ni Liam. Si Ruth Faranzo.

"Ruth!" tuwang-tuwa ang huli na sinalubong ang babae saka hinalikan iyon sa pisngi.

"Omo! Nabubuhay pa pala 'yang hinayupak na linta na 'yan!" bigla ay nakabusangot na bulong ni Caitlyn sa kanya.

"Linta 101." umirap naman si Rebecca.

"Nga pala, guys, still remember Ruth? My girlfriend since high school." balik muli ni Liam sa kanila at ngayon ay akbay na si Ruth.

Tiningnan ni Althea ang babae. Ruth looks completely different from her. Kung siya ay may mabait at maamong mukha, ito nama'y makamandag ang aura at liberated na klase ng babae. She's now wearing a black and red bodycon dress, maiksi at maikli iyon. Kita ang ka-sexyhan ng pangangatawan nito. Pinaresan pa nito iyon ng high heels saka ng makapal na make up at pulang-pulang lipstick na mas lalong nakakapagpa-wild sa looks nito.

All of a sudden, nakaramdam siya ng insecurities bigla, which is very rare to happen. Natanong bigla niya sa kanyang sarili kung sexy din ba kaya s'ya sa simpleng suot na sleeveless top na naka-insert sa isang kulay blue na bulaklaking palda. Well, she's also wearing heels but not too high, she has make up but they're only light, and her lips is covered by a pure pink lipstick. Talbog na talbog ng wild na Ruth ang magandang si Althea!

"I can still remember them... They're the De Veras!" ngisi namang sagot ni Ruth kay Liam habang nakatingin sa kanila lalo na sa mga lalaking De Vera.

Ngumiti lang naman si Brandon saka nagkamot ng ulo nang maramdaman ang intensidad ng tingin ng babae rito.

"Landi rin eh!" mahinang bulong ni Caitlyn.

"My God! Sila pa pala! I can't believe it! Pa'no natagalan ni Liam 'yang babaeng 'yan!" bulong din ni Anabelle.

"Ano kayang nagustuhan n'ya riyan? Ginayuma siguro siya?" dugtong pa ni Olivia.

"Hssh, girls!" marahang sinaway ni Althea ang pasaring ng mga pinsan.

Minabuti niyang balingan si Ruth at ngitian ito, trying her very best to be nice to the girl who has became her fatal enemy to the heart of the man she loves since then. "Hello, Ruth."

Ngumiti ito sa kanya, halata ang kaplastikan doon. "Althea, right? Yung niligtas ni Liam noon sa Glan na malapit nang malunod sa field trip?"

Tumango siya. "Oo, ako nga."

"Well, nice to see you again, girl. Remind ko lang pala sayo ha? Kami pa pala ni Liam hanggang ngayon."

Nalaglag ang panga niya sa kaprangkahan nito. Akmang sasagot at magtataray na sana ang pinsan niyang si Rebecca upang depensahan siya ngunit kaagad niyang hinawakan sa braso at inilingan. Wala naman itong nagawa kundi umirap na lamang sa kawalan dahil sa pampipigil niya. Ayaw na kasi niya ng gulo pa.

"Ano bang pinagsasabi mo, Ruth!" masuyong sinaway din kaagad ni Liam ang nobya tapos muli silang binalingan. "I'm sorry, kung anu-ano nasasabi niya. Na-miss lang talaga siguro niya ako kaya s'ya ganito. Pasensya na."

"Ayos lang, Liam." maintindihin naman niyang tugon.

"I guess, maiwan na muna namin kayo rito? Luther, Oscar?"

Tumango siya. "Bye, Liam and Ruth."

"Bye, pare." tinapik ni Luther ito sa balikat. "Enjoy and once again, welcome back."

"Welcome back." sunod din ni Oscar.

"Salamat. Kayo rin. Enjoy the rest of the night."

Nginitian at tinanguhan ng mga babaeng De Vera si Liam ngunit hindi ang babaeng kasama nito.

Mayamaya pa'y nasa kabilang dako na ng bar ang dalawa at malayo na sa kanila. Doon na rin nagbuhos ng pagkainis ang mga pinsan niya.

"Ang kapal ng mukha ng lintang 'yon na pagsabihan ka ng gano'n, Thea ha!" inis na utas ni Caitlyn.

"Oo nga! Sana hindi mo na pinigilan si Rebecca no'ng papatulan na sana n'ya!" datong pa ni Olivia.

"And she even looks interested with Brandon! Parang hindi naman n'ya mahal si Liam! Nakapagtataka nga kung ba't hanggang ngayon sila pa rin!" si Anabelle rin ay hindi nagpahuli.

"Huy! Huy! Ba't n'yo 'ko dinaramay diyan? Wala po akong ginagawang masama! Inosente po ako!" tatawa-tawa namang depensa ni Brandon sa sarili.

"Gwapo mo kasi, tol!" sinapok ito ni Oscar habang humahalakhak din.

"I know, tol!"

"Malamig na kaya 'wag na masyadong mahangin, ha Brandon?" sarkastiko naman itong inirapan ni Rebecca.

"Ouch! Foul na 'yan bes ah!"

"On point, Rebs!" nakipag-apir si Hayden sa babae.

"Haha!" sumuko na rin si Brandon at binalingan muli ang babaeng kapatid. "What do you want me to do, ate? Gusto mo bang dalihen ko yung babaeng 'yon para mawala na sila ni Liam?"

"Yes! No!" nagsabay ang sagot ng mga pinsan ni Althea at sagot niya. Silang dalawa lang ni Rebecca ang nag-no!

"No way, Brady!" madiin niyang sagot.

"Thea, don't you think it's a good idea? I mean, tama si Brandon! Kung aagawin n'ya si Ruth kay Liam then magkakasira sila tapos maghihiwalay, and after that, single na ulit si Liam at posibleng mapansin ka na rin niya!" ani Caitlyn.

"No, Cait! Brandon, no!" paninindigan niya. "Don't you think it's rude and we're being unfair? And besides, hindi ako maninira ng relasyon! Never. I always respect relationships of other people and I don't have any plan of intervening." paninindigan niyang sagot.

"Eh? Anong balak mo? Hahayaan nalang si Liam sa babaeng 'yon? Sayang naman ang kagwapuhan at kabaitan n'ya kapag nagkatuluyan sila ng Ruth na 'yon? Diba, gusto mo si Liam? Gusto mo s'ya diba!" si Olivia naman ang nagsalita.

"Oo nga, Liv, pero hindi ibig sabihin no'n na sisirain ko relasyon nila. Hindi ako maninira ng relasyon ng iba para lang maging masaya. No matter how I love the person but still... I will never get him in a wrong way..."

"So, pa'no 'yan? Balak mo nalang siyang hangaan habang-buhay? Balak mong itago nalang ang nararamdaman mo?" ani Anabelle.


Kahit Konting Pagtingin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon