ELEVEN: "Showtime!"
"Besides, Althea, paniguradong papatok kay Liam 'yang bagong fashion mo! Alam mo naman taste no'n sa babae, he prefers girls like what you look right now than what you look before." opinyon ni Olivia.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Tutal ay tapos na siyang maayusan ay titiisin na lamang niya ito ngayon gabi para sa mga pinsan! Nakakahiya namang masayang lang ang effort ng mga ito sa pag-o-overhaul sa kanya!
Buti nalang talaga at hindi nila makakasama ngayon ang mga kapatid niyang sina Brandon at Hayden dahil paniguradong kapag nagkataon at nakita ng mga ito ang kanyang ayos ay hindi magustuhan ng mga ito lalo na si Hayden na napaka-over protective pa naman sa kanya pagdating sa mga ganitong bagay!
Nakarating sila sa Famville at muli ay parang inaatrasan si Althea dahil diskomporme talaga siya sa kanyang suot!
"Girls, sigurado na ba talaga kayo rito?" aniya habang todo hila pataas ang damit para takpan ang cleavage at todo hila rin pataas dahil pakiramdam niya'y makikita na ang kanyang kaluluwa!
"Oo naman! Wala nang atrasan 'to, Althea! This is your time to shine on Liam's eyes!" cheerful na sagot ni Olivia sa kanya.
"Pero parang hindi ko talaga kaya eh-"
"Ano ka ba! Ngayon ka pa ba aatras ngayong nandito na tayo! Come on, Thea!" ani Rebecca naman.
"I'll call Liam na to ask if nasa loob na siya." wika naman ni Anabelle saka tinawagan nga ang pakay. "Yeah. This is Anabelle, Althea's cousin, Liam. Nasa loob ka na ng Famville? Ah, yeah. Nandito na rin kami papasok. Sige, sige. See you there!" bumaling ito sa kanila. "He's inside."
Ngumisi si Olivia. "Then it's showtime!"
Kinaladkad na nga si Althea ng mga pinsan at mas lalo pa siyang naasiwa nang pagkapasok nila ay kaagad na napapalingon sa kanyang gawi ang bawat lalaking nadaraanan nila. Well, oo sanay naman siyang marami ang napapalingon at walang pinapansin 'ni isa sa mga ito ngunit ngayon na alam niyang napapalingon niya ang halos lahat dahil sa panibagong ayos n'ya ay nakakaramdam talaga siya ng pagkadiskomporme!
"Liv, 'wag nalang kaya?"
"No, Althea. Walang aatras." mariing sagot ni Olivia.
Nakita naman kaagad nila si Liam sa isang table mula sa 'di kalayuan kasama ng iilang mga kaibigan nito.
"Liam!" si Rebecca na ang nagtawag sa lalaki.
Napalingon dito sa gawi nila ang pakay maging ang mga kaibigan nito na kaagad namang nakitaan ng interes sa mga reaksyon nang makita silang magpipinsan.
Kaagad silang nilapitan ni Liam at mukhang hindi nito napansin ang bagong ayos niya dahil nasa mga pinsan n'ya ang tingin nito. "Hello, girls! Hindi ninyo kasama ang mga boys?" cool na salubong nito.
"Hindi eh. Kami-kami lang. Alam mo na? Girls night out." cool ding sagot ni Caitlyn.
Sa sobrang hiya na magpakita sa binata ay tumalikod bigla si Althea. "Hindi ko talaga kaya 'to, girls."
Ngunit hindi siya hinayaan ni Rebecca na makataas na maagap siyang napigilan. "Ah, nga pala Liam. Nandito rin si Althea!" anito sabay tulak sa kanya palapit at sa harapan mismo ng binata.
Nayuyuko siya at halos walang mukhang maihaharap lalo na't ngayong nasa harapan nito. Baka ay kung sabihin nitong mukha siyang kaladkaring babae sa bagong ayos! Nakakahiya talaga!
"Althea? Is that really you?" amusement and surprise were drawn on Liam's reaction. "Hindi kaagad kita nakilala dahil sa bagong ayos mo ah! You look really great tonight!"
Nag-angat si Althea nang mga mata at lumundag ang puso niya nang makita ang pagkamangka at tuwa na gumuguhit sa mga mata nito habang pinagmamasdan siya! So, hindi ito naasiwaan bagkus ay natuwa pa sa kanyang bagong ayos? Wow! The effort then was worth it!
"Nagustuhan mo ba ang bagong look ni Althea, Liam?" nakangising tanong pa ni Olivia sa binata.
"Oo naman. Sobra!"
"Hindi naman pangit sa kanya 'di ba? Akala niya kasi kanina ay hindi mo magugustuhan. 'Di ba bagay na bagay sa kanya?" sunod pa ni Caitlyn.
"Wala akong makitang anumang pangit sa ayos niya. Nagustuhan ko pa nga ng sobra at bagay lang? Bagay na bagay, Cait!"
"And she looks not just pretty but also very sexy?" dugtong pa ni Rebecca.
"Very sexy."
"Sabi sayo, Thea eh! Magugustuhan n'ya!" tuwang-tuwa namang bulong sa kanya ni Anabelle.
Matapos no'n ay iginiya na sila ni Liam paupo sa isang bakanteng table.
Nag-iinom na ang mga pinsan niya't isa-isa nang nagsipunta sa dance floor ang magkapatid na sina Anabelle at Caitlyn.
Si Althea nama'y tahimik lamang sa tabi ni Liam habang sa loob niya'y kilig na kilig siya. Alam kasi niya sa mga sandaling ito na nakatitig sa kanya ang binata. Nag-uumpisa na rin niyang ma-appreciate at magustuhan ang bago niyang ayos, unti-unti nang nakukuha ang asiwa, hiya, at diskomporme sa kanyang pakiramdam at parang napapalitan na iyon ng kakaibang self-confidence. Kung si Liam nga'y naa-appreciate siya kaya bakit s'ya hindi para sa sarili niya? She should enjoy and embrace the change!
"Mukhang nawiwili ka katititig sa pinsan namin Liam ah?" nakangising puna bigla ni Olivia sa lalaki.
"Ah, oo, Liv. Can't help myself, ang ganda kasi talaga ngayon ni Althea." walang ka-deny-deny namang sagot ng huli.
Nag-iinit ang pisngi ni Althea. Kanina lang ay busy sa kung anong pinagkukwentuhan sina Olivia at Rebecca tapos napansin pa ang gesture ni Liam na mas lalong nakakapagpakilig sa kanya!
"Kung gano'n ba't hindi mo s'ya yayain sumayaw? Come on! The two of you must enjoy the night!" si Rebecca naman ang nagsalita.
"Yon ay kung papayag s'ya? Thea?" Liam offers her his hand this time.
"Uhm... kasi..." Nakakahiya!
"'Wag ka nang magpaeste at pumayag ka na, Thea! Hindi ka namin pinapunta rito para akitin si Liam at magmukmok lang kayong dalawa dito sa table. Act according to your fashion tonight! Sayang naman ang aura!" nangangaral na bulong sa kanya ni Rebecca.
Tama ang kanyang pinsan. Sayang ang ayos niyang nagugustuhan ni Liam ngayon kung magmumukmok lang sila at hindi mae-enjoy ang gabing ito!
"Okay." tinanggap n'ya ang kamay ng binata at iginiya na s'ya nito sa dance floor.
Kahit pa hindi s'ya masyadong marunong sa pagsasayaw ng disco dance ay sinubukan pa rin n'ya ang makakaya, 'wag lamang ma-disappoint si Liam. Tiningnan n'ya sina Caitlyn at ang iba pang mga babaeng enjoy na enjoy sa pagsasayaw sabay sa indayog ng mabilis na musika at ginaya na rin ang mga iyon.
Ikinumyapit n'ya ang mga braso sa batok nito tapos ay sumayaw nang sumayaw habang ito naman ay maingat na hinawakan siya sa braso at sumabay sa kanya. Napuno tuloy silang dalawa ng mararahang halakhakan sa gitna ng dance floor.
Nang tingnan niya si Olivia at Rebecca na naiwan sa table ay nakangisi na ang mga ito sa kanya. Rebecca even mouthed her 'Good job' and Olivia winked on her.
Kahit papaano pala'y hindi naman talaga masama ang magbago para mapansin ng taong nagugustuhan! She really must enjoy change starting from now. Change for the better!
BINABASA MO ANG
Kahit Konting Pagtingin (COMPLETED)
RomanceNoon pa man ay gustung-gusto na ni Althea ang hunk na si Liam. Ang kaso lang ay may gusto nang iba si Liam, isang babaeng malayo mula sa pamamaraan ni Althea. Liberated, sexy, at wild 'yung babae, samantalang siya ay mahinhin at mahiyain pa. Maganda...