NAPABALIKWAS nang bangon si Emerben. Napanaginipan na naman niya iyon. Tumayo siya mula sa higaan at kumuha ng tubig mula sa personal refrigerator niya at lumabas sa balkon. Hindi na bago sa kanya ang panaginip na iyon. Lagi naman siyang minumulto ng nakaraan na iyon.
Noon ay dumalang iyon noong minsan silang tumira magkasama ni Riddle sa unit na iyon at nakikita niya ito araw-araw. At tulad din noon, ang ikinaiinis niya, parang mas tumitindi ang galit at sakit nararamdman niya sa tuwing hindi niya makikita si Riddle matapos ang ilang araw na pagkakita rito at pagtigil ng panaginip
At paggumising siya, naalala niyang hinding hindi na siya iibig pa. Hindi ngayon at hindi kailanman.
Natatakot siyang magmahal ng isang katulad ng ina niya na baka balang araw ay iwan din siya. At natatakot siya na baka maging martir siya tulad ng ama niya.
Hindi mangyayari iyon. dahil simula ng maramdmaan ko ito, I stopped feeling the feelings that I used to know.
Inis na inilapag niya ang botelya ng tubig sa night table niya. Hindi na siya makakatulog niyon kaya minabuti na lang niyang magkulong sa study room at tapusin ang ilang trabaho na dinala niya. Baka sakali sa pagkakataong iyon ay makalimutan niya ang panaginip at ang paraan para tumigil iyon.
BINABASA MO ANG
[Completed] Scared To Death
Romance(unfficial teaser) Sino ang may sabing ang 'first love never dies' ay di totoo? Pwes, totoo iyon para kay Riddle. Dahil siya ang buhay na katotohanan niyon nang umibig siya sa kababata niyang si Emerben Pasardan. Emerben was the prince she's been d...