DALAWANG linggo. Iyon ang araw na inilagi ni Riddle sa private house na inupahan niya sa Bagiuo. Isolated. Malayo sa sibilisasyon. Walang komunikasyon kung hindi pa pupunta sa bayan.
Iyon ang kailangan niya.
Iyon ang akala niya.
Sa dalawang linggong paglagi niya roon ay wala siyang ginawa kundi umiyak, umiyak at umiyak. Ang akala niya ay matatakbuhan niya si Emerben pero hindi pala. Nakaukit na ito sa puso at isip niya. Kaya kahit nakapikit siya, nakikita at nararamdaman niya ito.
Hindi na nga yata niya ito matatanggal pa sa isip niya pero hindi niya papayagang maging hadlang iyon para lumigaya si Emerben.
Kaya naman noong isang linggo ay nagbayad pa siya ng mas malaki para lang mapabilis ang porseso ng annulment nila at itong huli nga, dumating na kahapon ang subpoena sa bahay ng katiwala ng private house at dinala iyon ngayon sa kanya.
Sa ikalawang araw pagkatapos ng araw na iyon ang unang hearing ng annulment nila. Hindi pa rin niya alam kung paano niya haharapin si Emerben.
Galit pa rin ba ito sa kanya? Pumayag kaya ito sa pakiusap ng daddy niya na tulungan ito? Pumayag kaya ang daddy Benedict nila na ibigay pa rin dito ang mana kahit na maghihiwalay na sila?
Hindi niya alam. Pero ang pinakaproblema niya ay kakayanin kaya niyang harapin si Emerben ng hindi umiiyak sa harap nito. Ayaw niyang makita nitong umiiyak siya at baka ispin nitong hindi niya kaya o kaya ay nagmamakaawa siya. Kailangan niyang magmukhang matapang para dito, para sa kanilang dalawa.
"Ma'am, nakahanda na po ba kayong umalis?"
Humarap naman siya kay Aling Mameng. "Opo. Nandyan na po ba yung pinakuha ko sa inyong magsusundo?"
"Tungkol po do'n," napakamot sa ulong saad ng matanda. "may iba po kasing nagpresinta."
"Sino?" kunot noong saad niya rito.
Noon naman pumasok ang dalawang bulto ng lalaki. "OJ? Ramir? Anong ginawa nyo rito?" silip pa niya sa pinto na napansin naman ng nauna.
"Wala na, kaming dalawa lang." napailing na saad ni Ramir. "Sinusundo ka na namin."
"Paano nyo nalamang andito ako?"
"Hindi lang ikaw ang mapera, 'no. Mas mayaman kami sa 'yo." turo naman ni Ramir sa sarili nito at kay OJ. "Combined ang powers namin sa paghahanap sa 'yo. Ang hirap mong hanapin, ah."
Isang ngiti naman ang binigay niya rito. "Kaya nga nagtatago, 'di ba? Well, anyway, now that you've found me, sasama na ako. May hearing na kami, eh. The day after tomorrow." Malungkot niyang dugtong.
"Oh, about that," saad ni OJ. "mukhang napaaga ang hearing n'yo."
"Bakit hindi ko alam?"
"Kasi nga, hija, ang hirap mong hagilapin. Bago pa makarating sa 'yo ang sulat, tapos na ang hearing. Bakit ba kasi hindi nagbubukas ng cellphone." Napapalatak na sa nito.
"Kahapon lang ng hapon lumabas yung notice. At mamayang hapon na ang hearing mo."
Kumonot ang noo niya. "Bakit daw?" pero sa bandang huli ay napakibit-balikat na lang siya. "Oh well, mas maganda na nga siguro 'yon." Pilit na ngiting saad niya.
"Edi, halika na."
Nagpaalam lang siya sa katiwala bago sumama sa dalawa. Tahimik lang ang dalawa sa biyahe. No questions asked at maganda iyon para sa kanya. Wala rin naman siyang masasabi sa dalawa at ayaw din niyang magtanong tungkol kay Emerben.
Nakatulog at nagising na lang siyang nasa biyahe pa rin sila. Pagkatapos siguro ng mahigit pitong oras na biyahe ay nakarating din sila sa paroroonan.
"Nasaan na tayo?" alas-tres na iyon ng hapon.
Nagkatinginan naman ang dalawa. "Dito, kung saan gaganapin ang hearing nyo." Defensive na saad ni Ramir.
Tinaasan naman niya ito ng kilay. Wala kasi sila sa City Hall mukhang dumiretso na sila sa Regional Trial Court.
Ano pa bang ipinagtataka mo? Hindi ba't gusto mo ng mapabilis?
Malungkot na napatango na lang siya roon. Pigil niya ang sariling mapaluha dahil iyon na iyon. All she had to do was to say yes to all the accusations to her. Nakarating sila sa courtroom pero wala pa si Emerben roon. Tiningnan lang niya ang dalawa pero kibit-balikat lang uli ang sinagot ni Ramir at OJ.
Lalo pa siyang kinabahan nang pumasok na roon ang Judge at wala pa ang asawa niya.
"Atty. Ledesma, hindi ba dadating si Emerben?" tanong niya sa abogado niya.
"Hindi ko rin alam, hija."
Tumingin naman siya sa kabilang panig at ang abogado lang ni Emerben ang naroroon. Bahagya siyang ngumiti sa abogado nang lumingon ito sa kanya. A knowing smile that made her heart thumped.
"Bago tayo magsimula," anang ng Judge. "There was a request from Mr. Pasardan. Nais n'yang mapanood 'to ng lahat upang dagdag ebidensya daw tungkol sa annulment na ito."
Tumingin siya sa abogado niya at iling lang ang sinagot nito. Kabado siyang tiningnan ang monitor na nasa harap nila upang mapanood ang sinasabing ebidensya habang nasa isip niya na kahit ano pang makita niya roon, kahit na ikasira pa niya, tatanggapin niya iyon.
She's got nothing to lose, except him. Na handa naman niyang pakawalan.
Pero nang magsimulang ipalabas ang ebidensya, mabilis na nag-unahan sa pagpatak ang luha niya.
It was their wedding video.
BINABASA MO ANG
[Completed] Scared To Death
Romance(unfficial teaser) Sino ang may sabing ang 'first love never dies' ay di totoo? Pwes, totoo iyon para kay Riddle. Dahil siya ang buhay na katotohanan niyon nang umibig siya sa kababata niyang si Emerben Pasardan. Emerben was the prince she's been d...