PIGIL ni Riddle ang mapatawa dahil sa biglang pagharap sa kanya ni Emerben at pigilan siya nito sa pagpasok sa loob ng apartment nito sa Seattle.
“Emerben,” saway niya rito. “kung hindi mo ako papasukin d'yan, mas lalo kong iispin na may tinatago kang hindi ko ikatutuwa.” Kunway seryoso na niyang saad. Ngunit ang totoo ay lihim siyang tumatawa.
Iyon ang unang beses na nakita niyang kabahan ito. Kung para saan ay malalaman pa lang niya. Pero paano nga niya gagawin iyon kung nakaharang ito sa pintuan ng apartment nito?
She looked up at Emerben and she can’t help herself from sighing. Napakagwapo nito. Wala naman yatang pagkakataon na pangit ito. Naka simpleng brown na t-shirt at faded jeans lang ito na pinatungan nito ng leather jacket pero tila rarampa na ito sa isang fashion show. Bagay rin dito pagnaka coat and tie ito. He looked liked an enigmatic CEO of a company, which he is. Hindi damit ang nagdadala rito kundi ito ang nagdadala sa damit. He can wear a rag and looked gorgeous in it.
Walang itapon. Lahat kabig. Para talaga akong nanalo sa isang laro at isang prinsipe ang premyo.
And she was thankful to deserve such a treat.
“Emerben!” Nanggigil niyang saad. Hindi dahil ayaw siyang papasukin nito kundi dahil sa kagwapuhan nito.
“Riddle!” Anang ng asawa sa kaparehas ng tono niya sanhi para mapatawa si Riddle.
Marahan siyang lumapit kay Emerben at yumakap dito upang pagbigyan niya ang sarili niya. “Paghindi mo ako pinapasok d'yan, hindi ko ibibigay ang sorpresa ko sa 'yo.” Bulong niya sa tainga nito.
Gulat namang inilayo siya nito. “Mayroon kang sorpresa?” anitong tila batang di makapaniwala. “Hindi mo ko niloloko?”
Napatawa naman siya rito. She longed to see that playful Emerben na madalas ikuwento ni OJ sa kanya noon. And seeing it, hindi na niya napigilan ang sariling kurutin ang pisngi nito. “Oo nga. So let me in. Nangangati na rin akong ibigay sa 'yo.” Hagikgik niya sa natulala ng asawa.
Marahan niyang inilibot ang paningin sa fully furnished na sala nito nang makapasok siya. Wooden ang lapag na nalalatagan lang ng carpet. Complete with the latest electronics. Sa kaliwang bahagi naman ng apartment ay ang kusina nito na mas mukhang stage ng isang cooking show dahil na rin sa kumpletong gamit.
“You can cook?” di makapaniwalang lingon niya rito.
Tumingin naman si Emerben sa kusina bago ibinalik ang tingin sa kanya. “Mrs. Pasardan, I can cook for a feast. Porke ikaw ang nagluluto sa akin noon, hindi na ako marunong magluto. I’ll tell you, mas mababaliw ka pa sa akin dahil magaling akong magluto.”
Inismiran niya ito. “We’ll see about that.”
“Hinahamon mo ako, Misis?”
“Hindi.” Sabay dila niya rito na ikinatawa nito. A very hearty laugh that made her smile.
“Edi natakot ka.” Mayabang na saad nito.
“Hindi. Baka ikaw ang matakot sa akin dahil sigurado akong mababaliw ka sa akin.”
Bigla namang sumeryoso ang tingin ni Emerben sa kanya. Nabura rin ang ngiti sa labi niya nang magsimula itong maglakad papalapit sa kanya. Slowly, he captured her waist and pulled her to him.
Inilapit nito ang mukha sa kanya. Pinadaan ang ilong sa buong mukha niya habang pinauulanan muna iyon ng halik. “Hindi pa ba halatang nababaliw na ako sa 'yo?”
BINABASA MO ANG
[Completed] Scared To Death
Romance(unfficial teaser) Sino ang may sabing ang 'first love never dies' ay di totoo? Pwes, totoo iyon para kay Riddle. Dahil siya ang buhay na katotohanan niyon nang umibig siya sa kababata niyang si Emerben Pasardan. Emerben was the prince she's been d...