NATIGILAN sa pagpasok sa loob ng condo unit si Riddle nang mapansin niya ang ilaw sa loob niyon. Ayaw man niyang kabahan pero iyon ngayon ang nararamdaman niya.
Hindi iyon ang unang beses na mapasok nang masasamang loob ang condo building, at nagkataong sa unit niya pumasok ang mga masasamang loob. At mukhang nag-round two ang mga ito.
Ang ipinagkaiba lang noon, hindi binuksan ng mga masasamang loob ang ilaw noon.
Baka beginners. Napangiti siya sa isip dahil doon. Imposible ring baguhan ang mga iyon, mas mahigpit na ang security sa bagong condo building niya kaya the what itong nasa loob ng unit niya?
Pero kahit na alam niyang may ibang tao ay kampante pa rin siyang pumasok dahil sa pangyayari noong nakaraan, may nakahanda na siyang baseball bat sa bawat sulok ng unit. Idagdag pang pinilit niyang mag-aral ng kahit anong self-defense at Judo ang napili niya. Kaya siya, ang katawan niya, ay isang lethal weapon na.
Marahan niyang binuksan ang pinto at tahimik na pumasok doon. Bukas ang lahat ng ilaw tulad ng inaasahan niya. Inilibot niya ang tingin sa buong paligid pero hindi niya makita ang hinahanap. Noon naman niya narinig ang kaluskos sa kusina.
Mabilis na tinungo niya ang kusina. She peeked when she got there. Napasinghap siya nang makita niya ang lalaki. Matangkad ito. Sa hula niya ay kulang o lagpas anim na talampakan ang lalaki. Nakahubad ito ng pantaas kaya kitang kita niya ang ganda ng katawan nito. At kung siya ang tatanungin, hindi ito mukhang magnanakaw.
Eh, ano pala? Rapist? Napatili ang isip niya roon na mabilis din niyang pinigilan. Bakit ba siya kinikilig sa isiping iyon? Mararape na siya, kinikilig pa siya?
Ang ganda kasi ng katawan!
Mabilis siyang umalis sa pagsilip dito dahil mukhang ang lalaki pa ang mararape dahil sa takbo ng isip niya. “Tumigil ka nga, Riddle. Hindi ka pwedeng umakto ng ganyan, si Emerben lang ang dapat rarapein mo.” Bahagya siyang napahagikgik sa isiping iyon.
Napapiksi lang siya nang marinig niya ang pagsara ng cupboard na kanina ay may kung anong hinahanap ang lalaki roon. Muli niyang sinilip ito at nakatayo na lang ito sa counter na kung may anong ginagawa.
“Ito na ang tamang pagkakataon,” bulong at tango niya sa sarili.
With a cat like silence, she walked towards the man. Iniangat na rin niya ang baseball bat at hinandang pukpukin ito.
“Yaaa!” sigaw niya. Pero bago pa man dumapo ang baseball bat ay humarap na ito sinalo iyon at hinatak papunta sa likod nito at bahagya pa niyong pinilipit ang kamay niya sanhi para mapaigik siya sa sakit.
Pero magpapatalo ba siya. Mabilis niyang inigkas ang tuhod niya papunta sa kayamaman nito. At tulad ng nangyari kanina, nasalo rin iyon nang isang binti nito.
“What are you doing, woman?”
Ang galit na tinig na iyon ang nakapagpabalik ng tingin niya sa mukha nito. Ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya.
“Emerben!”
“Riddle?” kunot naman ang noong saad nito.
“Emerben!” sigaw uli niya. Nang medyo lumuwag ang hawak nito sa pulsuhan niya ay mabilis siyang tumalon at nagkunyapit sa leeg nito.
“Woah. Sandali lang!” hawak nito sa braso niya at pilit siyang inaalis sa pagkakayakap nito.
But try as he might, hindi siya aalis sa pagkakayakap rito. She missed him. So much.
BINABASA MO ANG
[Completed] Scared To Death
Romance(unfficial teaser) Sino ang may sabing ang 'first love never dies' ay di totoo? Pwes, totoo iyon para kay Riddle. Dahil siya ang buhay na katotohanan niyon nang umibig siya sa kababata niyang si Emerben Pasardan. Emerben was the prince she's been d...