14

612 21 0
                                    

“HINDI na po ako pakakasal kay Emerben kahit na anong mangyari at kapalit.”

Matapang na saad ni Riddle at salubong niya sa tingin ng dalawang matanda na nasa harap niya. Kitang kita niya ang galit sa mukha ng daddy niya habang pagtataka naman ang sa ama ni Emerben.

“Wala ka talagang silbi,” her father muttered that scarred her heart.

“Amadeo, don’t be too harsh. Baka may paliwanag naman s'ya kung bakit n'ya nasabi 'yon.” Saway dito ng kaibigan. Isang pasasalamat na ngiti lang ang binigay niya rito. “But tell us, Riddle, why?”

Umiling siya. Wala siyang balak. Sa relasyon ng mag-ama, baka ipilit lang dalawang matanda ang balak at sirain pa ang kaligyahan ni Emerben.

“Tell us, hija.” Udyok pa rin ng matanda.

Kagat ang labing tumingin siya sa ama niya bago kay Tito Benedict. “Sasabihin ko po kung pababayaan natin si Emerben sa desisyon n'ya” Nang tumango ang ama ni Emerben ay saka lang siya nagsalita. “Hindi ko ho siya kayang pakasalan dahil may iba na siyang mahal.”

“What?”

“Who?”

“I’m sorry,” salo niya sa mga reaksyon ng mga ito. “pero tulad ng una kong sinabi, hindi ko po pipilitin si Emerben. I’m so sorry, Dad kung binigo ko kayo. Pero sana ituloy po n'yo ang merging ng kompanya kahit na hindi po kami nakasal ni Emerben. The company needs someone like Emerben. At kung kakausapin po natin ng maayos si Emerben, I know he will help the company without the expense of his happiness.

“I’m so sorry, too, Tito, kung pati kayo ay binigo ko.” Baling niya sa ama ni Emerben. “I’m sorry I can’t make him fall for me. Sorry po kung hindi ko po matutupad ang pangarap n'yong ako ang maging daughter-in-law n'yo. Sa tingin ko po na mali ang paniniwala natin na ako ang makakatulong kay Emerben. Because…because I’m not.”

Muling nagbalik sa isip niya ang hitsura ng unit ng binata at ang narinig niya. Kahit hindi niya nakita, alam niya masaya si Emerben kasama ang babaeng mahal nito “Hayaan na po natin s'ya. Hayaan na natin s'yang maging masaya sa piling ng magiging asawa n'ya.” Napahikbi na niyang saad.

“What are you talking about?”

Ang tinig na iyon ang tila nakapabalik sa kanya sa kasalukuyan. “A-ano po?” nahintatakutan niyang saad. Ano ba ang sinabi niya? Ano na naman ba ang nasabi niya ng hindi nag-iisip?

“Asawa n'ya? Nino, Riddle? Si Emerben? He’s going to marry someone else?” kalmado ngunit makikitang galit na saad ni Mr. Pasardan.

Umiling siya. “H-hindi po. Wala—” Hindi niya dapat sinabi iyon. Hindi siya dapat ang nagsabi niyon sa daddy nito.

“Don’t deny it. I heard you. Wag mo ng pagtakpan ang lalaking 'yon!”

“Hindi ko po s'ya pinagtatakpan. Pero s'ya po dapat ang magsabi sa inyo nito.”

“No!” sigaw ng matanda. “Kahit kailan talaga 'yang lalaking 'yan. Palagi na lang sinusuway ang mga nais ko. Akala n'ya kung sino—argh!” sigaw nito.

“Tito Benedict!” sigaw niya ng bigla na lang itong napaupo sapo ang dibdib.

“Call an ambulance, Riddle! Now! Now!” sunod-sunod na sigaw ng daddy niya sa pagkakatulala at pagkapako niya sa kinatatayuan niya.

Tito Benedict was having a heart attack. At dahil na naman iyon sa kanya.

[Completed] Scared To DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon