"NOW, who will tell me kung ano talaga ang nangyari?"
Tingin ni Emerben sa daddy niya at sa ninong Amadeo niya na naabutan niyang nagtatalo. Ang sabi ng mga katulong ay kaninang umaga pa daw nag-uusap ang dalawa at naabutan nga niya ang dalawa na nagtatalo pa rin. Kung tungkol saan, tungkol sa problema nila ni Riddle.
Saglit na nagkatinginan ang dalawa na animo mga batang nahuli ng nakatatanda. Galit ang makikita sa mukha ni Amadeo habang pagkatalo naman ang sa ama niya. Noon naman bumuntong hininga ang ama niya at nagsalita.
"Kasalanan ko ang lahat ng ito," simula ng ama niya. "I wanted to hold on to you, son. Si Riddle ang nakita kong paraan dahil alam kong kahit na nagbago ka na, hindi mo matitiis si Riddle. Pero habang tumatagal, lumalayo ka. Natakot ako noong nasa ibang bansa ka. Paano kung matulad ka din sa mga ate mo? Iwan din ako at sumama sa mommy mo? Ikaw na lang ang natitira sa akin, anak."
"Hindi ako sasama sa mommy. Never. After all she had done."
"Isa pa 'yan sa mga kasalanan ko." Tila nanghihinang saad ng daddy niya. "Walang kasalanan ang mommy mo. May mahal s'yang iba. Pinilit ko lang s'yang pakasal sa akin. Ipinatapon ng lolo mo ang nobyo n'ya kung saan, hindi ko alam. Walang ibang ginawa ang mommy mo kundi ang protektahan kayo. Wala s'yang pakialam kung maging masama ang tingin n'yo sa kanya. Basta ang importante ay maging ligtas kayo. Dahil alam n'ya, nagawa na dati ng pamilya ko ang saktan s'ya at ang mahal n'ya sa buhay, magagawa uli namin 'yon. Nagawa ko na sa kanya 'yon isang beses at natatakot s'ya para sa inyo.
"Nang nakakita siya ng pagkakataon na maging masaya sa piling ng mahal n'ya, kinuha n'ya 'yon. I brainwashed you so I can keep you. Natakot akong kuhain n'ya kayong lahat. At natatakot akong pagnakausap o naliwanagan ka, iiwan mo rin ako."
"Ibig sabihin, ang galit ko sa mommy ay dapat para sa 'yo?" galit na saad niya sa ama.
"Oo, Emerben. And I'm asking for your forgiveness." Nakayuko ng saad nito.
"Hindi ko masasabi yan ngayon, dad."
"Naiintindihan ko." Anang ng ama niyang mababanaag ang luha sa mga mata. "At alam kong madadagdagan pa 'yan dahil sa mga ginawa ko sa 'yo, kay Riddle, sa inyo. Sa takot ko na mawala ka, ginamit ko ang pagbagsak ng kompanya nina Amadeo at ang marriage arrangement na napag-usapan noon pa. Pero ayaw ni Riddle mangyari 'yon. The girl wanted you to choose her not because we said so but because you love her."
"I love her," masikip sa dibdib na saad niya. Nalulungkot siya at nasasaktan siya sa pagkaalala nang mga sinabi niya kay Riddle, sa hitsura nito nang iwan niya ito. Mahal siya nito pero sinaktan niya ito sa walang kakwenta kwentang bagay.
She had been sacrificing. Pero siya, kailan ba siya nagsakripisyo para rito?
Never.
"Iyon din ang akala ko, Emerben." Putol ng ama niya sa pag-iisip niya. "Nang puntahan mo ako sa ospital, akala ko mahal mo s'ya kaya mo s'ya pakakasalan. Pagkatapos ngayon, nakarating sa akin na iniwan mo si Riddle dahil akala mo alam n'ya ang tungkol sa pagpapanggap ko."
"I heard you yesterday. Sabi n'yo na hindi nawalan ng kwenta ang paghihirap ni Riddle."
Napailing doon ang ama niya. "You misinterpreted what you heard, son. Ang iniisip ko ay ang panunuyo n'ya sa 'yo. Hindi nawalan ng kwenta ang habang buhay n'yang panunuyo sa 'yo. That was how much she loves you."
"God, I was damn stupid." Sabunot niya sa sarili. "I've been pushing her away dahil natatakot akong magmahal ng todo-todo. Dahil ayokong matulad sa 'yo na nagbulag-bulagan para sa pag-ibig. Pero mali pala ako. Kayo pala ang masama. And damn me for hurting the only girl I love."
Saglit na nagdaan ang katahimikan sa pagitan nilang lahat. Pare-parehas yata nilang naramdaman ang kasalanan nila kay Riddle.
Si Riddle ang prinsesa niya. His sweet and loving princess was so torn apart pero patuloy pa rin siyang minamahal. And all he did was break her into more tiny pieces.
"God, Riddle. Will you ever forgive me?"
"She will, Emerben." Harap sa kanya ni daddy Amadeo. "She forgave me and Benedict, bakit hindi ikaw? Higit sa lahat ikaw. Alam kong napatawad ka na ng anak ko kaya nga palalayain ka na n'ya."
Kumunot naman ang noo niya roon. "What?"
"Palalayain ka na n'ya tulad nang sinabi mo. The annulment you gave her. She signed it at pinapatrabaho na niya sa abogado namin."
"NO. Ayoko!" mabilis niyang saad. "Asan siya? I need to talk to her."
"Medyo magkakaproblema tayo d'yan." Malungkot na saad ni Amadeo. "Brinaso ko ang annulment n'yo at sa mga panahon na 'to, hindi ko alam kung nasana na 'yon. Emerben, why don't you just let my daughter go?"
"Why would I? I love her."
"And she loves you. Ang akala n'ya hindi mo s'ya mahal kaya ka n'ya pakakawalan. At ngayong s'ya naman ang humihiling sa 'yo na pakawalan mo s'ya, hindi mo ba gagawin?"
"Ninong."
"Daddy." Pagtatama nito sa kanya.
"Daddy," ulit niya. "narinig n'yo ba ako? Mahal ko s'ya kaya wala na s'yang dahilan para layuan ako. If she need to breathe, space, ibibigay ko, huwag lang ang hiwalayan s'ya."
"Kanino bang ideya iyon?"
That shut him up. Siya nga ang may gusto niyon, pero ngayon, ayaw na niya. Call him fickle minded or whatever pero hindi niya hahayaang mawala pa ang babaeng mahal niya. Not now, no never.
"Ano nang gagawin ko?" saad niya kapagkuwan. "Hindi s'ya pwedeng mawala sa akin. Ayoko s'yang mawala sa akin." napaluha na niyang saad.
Iyon na yata ang pinaka nakakatakot na nangyari sa buhay niya. And he faced it alone dahil ipinagtabuyan niya ang babaeng dapat kasama niya ngayon. Wala na siyang pakialam if he looked like a crying baby, tanga, baliw at kung ano-ano pang tawag nila sa mga taong in love, damn, para kay Riddle naman iyon.
"Emerben, bakit hindi mo na lang s'ya antaying bumalik? At habang nag-aantay ka, bakit hindi ka gumawa ng paraan para mapa-ibig siyang muli? Para manatili siya sa tabi mo upang mahalin kang muli?"
Napatango na lang siya roon. Tama iyon ang gagawin niya. Siya ang magpapatuloy ng mga ginawa ni Riddle uli. And he will get her back by hook or by crook.
BINABASA MO ANG
[Completed] Scared To Death
Romance(unfficial teaser) Sino ang may sabing ang 'first love never dies' ay di totoo? Pwes, totoo iyon para kay Riddle. Dahil siya ang buhay na katotohanan niyon nang umibig siya sa kababata niyang si Emerben Pasardan. Emerben was the prince she's been d...