8

680 24 0
                                    

NAITAKIP na naman ni Riddle ang palad niya sa mukha sa sobrang frustration. Hindi pa rin niya alam ang gagawin niya. She was torn from all the choices, the ‘what if’s’ and obligation.

“Courtney,” angal uli niya sa kaibigan.

“Sinabi ko na sa 'yo, sundin mo na lang ang daddy mo dahil wala ka ng ibang choice at magkakaroon ka na ng happy ever after kasama ang prinsipe mo.”

“Pero ayaw naman ni Emerben na magpakasal sa 'kin.”

“Isipin pa ba ang gusto n'ya?” nakalabing saad ng kaibigan. “Sa pinagdaan mo, hija, dapat kaligayahan mo naman ang isipin mo.”

“Masaya ako pagmasaya si Emerben.” Himutok pa rin niya kaya naman nagulat siya ng bigla siyang animo tutukan ni Courtney ng baril.

“Bang!” sigaw nito sanhi para pagtinginan sila ng tao sa coffee shop. “‘Yan ang nangyayari sa mga martir at 'di na uso 'yan, ‘Day. Go for the gold na ang drama ngayon. Masaya ka na dahil kasal na kayo at wala ng pwedeng umagaw sa kanya at hind ka na mangangambang maagawan ka.

“At bukod pa r'on, mas mapipilitang mainlove si Emebern sa 'yo kaagad dahil lagi na kayong magkasama at hindi ka n'ya pwedeng iwasan. Asawa ka na n'ya. At higit sa lahat, magiging masaya at okay na kayo ng daddy mo after the wedding,” tapik nito sa balikat niya. “kaya go for the gold.”

Tama ang kaibigan niya. But every time she would remember Emerben said that day, it was…devastating.

I cared but I don’t love her.

“Hoy, ano na?” tapik sa kanya ng kaibigan. “Go for the gold o bronze?”

“I don’t know, Court.”

“Ay, gaga.” Irap nito sa kanya. “Isipin mo ‘to, pag hindi natuloy ang kasal n'yo, una, babalik na naman kayo sa dati. Pangalawa, walang mangyayari sa reconciliation n'yo ni Tito. Pangatlo, lagi kang mangangamba na may mahahanap na iba si Emerben at pang-apat, lagi kang mamaliitin ng daddy mo. Gusto mo ba ‘yon?”

“May iba pang paraan para matanggap ako ni daddy at dadating din ang panahon na mamahalin na ako ni Emerben.” Aniya sa kaibigan pero mas yata sa sarili niya. Dahil ang puso niya, tila umiiyak na sa paninikip niyon.

“Hay bahala ka.” Saad ng kaibigan niya at ito naman ang nagtakip ng palad sa mukha. “Basta ang alam ko, pagnagkasundo na ang utak at puso mo sa iisang desisyon, 'yon ang tama.” paangil na saad nito.

Tinawanan na lang niya ito bago nahulog sa pag-iisip. Siguro nga ay tama ito. Pero sa ngayon, medyo naguguluhan pa ang isip at puso niya. “Hay, bahala na talaga si wonder woman.”

“Baka si Batman.” Irap nito bago ininom ang kape nito.

[Completed] Scared To DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon