PIGIL na pigil ni Riddle ang mapaluha sa harap ng ama niya nang makarating siya sa bahay nila. Pero sa bandang huli, nang makita niya ang walang reaksyong mukha ng ama niya, there was nothing left for her. Pati ang daddy niya ay mawawala na rin sa kanya."Sorry po," saad kaagad niya na nakapagpakunot sa noo nito. "hindi ko po talaga kayang maging perpektong anak. Wala na po akong nagawang tama. Dahil andito po ako sa harap n'yo para sabihing maghihiwalay na kami ni Emerben." Hirap niyang saad sa ama.
Noon naman niya nakitaan ng galit ang mukha ng ama. She knew it. Magagalit na naman ito sa kanya."Anong nangyari?" mariing saad nito.
"Hindi ko rin po alam." Napahagulgol na niyang saad. "Hindi ko po alam. Dumating s'ya sa bahay na galit na galit sa 'kin. Sabi n'ya...sabi n'ya plinano ko daw bang lahat ng ito. Ang pagpapakasal sa kanya pati na rin 'yong pagkakasakit ni Tito. Dad, hindi ko po alam 'yon. Wala akong alam."
Sa nanlalabong mata, nakita niya ang ama niyang namutla at napaupo na lang. Mabilis niyang nilapitan ito sa pag-aalalang atakihin rito.
"Okay lang po kayo?"
And for the first time, simula ng mamatay ang mommy niya, nakita niyang lumungkot ang mata nito at mukha itong talunan. "Dad?"
"I'm sorry, hija." Hawak nito sa kamay niya. "Kagagawan namin 'yon ni Benedict. I got desperate dahil sa biglang pagbulusok pababa ng kompanya. Dahil 'yon sa kapabayaan ko. At ngayon, nasasaktan ka dahil na naman sa akin. I blame you for everything na hindi naman dapat."
Umiling siya roon. "Wala po kayong kasalanan. Kung hindi ko po kayo ginulo noon hindi mamatay si mommy. Hindi masisira ang buhay n'yo at hindi n'yo mapapabayaan ang lahat. It's just right na ipambayad n'yo ako sa kahit ano."
"No!" mariing saad nito. "Hija, bakit ba sobrang bait mo?"
"Mommy thought me to be like this." Malungkot niyang saad mula sa pagkaalala ng ina. "Sabi n'ya noon, everything will be alright if I listen to you and to her. Everything will be just fine if I humbled my self."
"But it isn't, sweetheart." Malungkot na saad ng ama bago napabuntong hininga. "You're so naïve at pinagsasamantalahan 'yon ng lahat. Lalong lalo na ako. You're such a baby, so innocent. Did you know that?" Napangiting saad ng ama niya.
"I'm still a baby." Napangiti na rin siya.
"At talagang kailangan binibaby ka pa." yakap nito sa kanya. "Patawarin mo sana ako, anak. Babawi ako. Pangako ko 'yan."
"Kahit hindi na po." yakap rin niya rito. "I miss you, dad."
"I miss you, too, princess." Halik nito sa ulo niya. "Now, for your problem. Halika at kausapin ko ang Tito Benedict mo."
"Hindi na po." pigil niya sa amang hinatak na siya. "Dad, huwag na po nating ipilit." Muli na namang tumulo ang luha niya. "Hindi po ako mahal ni Emerben. Huwag po natin s'yang pilitin sa isang bagay na ayaw n'ya. Tignan n'yo nga po at nagalit na s'ya.
"Let's just talk to him to help us. Mag-aaral na lang uli ako. Tapos na naman po ako sa course na gusto ni mommy." Ngiti niya sa ama. "At kung pwede kong pabilisin ang annulment process namin para lang pumayag s'ya na tulungan tayo, gagawin ko, Dad. Huwag lang natin s'yang pahirapan."
Para naman naupos na kandila ang ama niya dahil sa panlulumong nakita sa mukha nito. "I'm really sorry, Riddle. Alam kong nahihirapan ka dahil sa ginawa namin. Kung nalaman ko lang na...we shouldn't have let that marriage to happen. We just thought that..." her father trailed off.
"Akala ko din po, eh." Mapait na ngit niya.
"O, s'ya, kakausapin ko na lang si Atty. Ledesma tungkol sa annulment n'yo. Pero sigurado ka talaga?" tumango siya roon. "I thought you were born a fighter pero lumaki kang malambot ang puso."
"I just stopped thinking only for myself." Kibit-balikat niyang saad. "Tumatak po sa isip ko na hindi lang po ako ang importante."
Bumuntong hininga naman roon ang ama niya. "I'm sorry again about that, hija. I shouldn't have said that." halik nito sa noo niya. "Tara na, let's talk to you Benedict and clear this."
Tumigil muli siya sa paglalakad. "Pwede po bang kayo na lang? Gusto ko na muna po kasing magpakalayo-layo. Magpahinga." muling bumalong ang luha sa mukha niya. "Medyo napapagod na po kasi ako."
"Umakyat ka na sa kuwarto mo."
"Hindi po dito. Malayo po dito. Kung saan hindi ko po makikita ang kahit na anong makakapagpaalala kay Emerben. I want to run away from our memories. From him. Kahit saglit lang po."
Ngumiti naman roon ang ama niya at pinahid ang kanyang luha. "Go, hija. It's about time na maging tatay naman ako sa 'yo."
Ngumiti rin lang siya rito at umalis na.
Susubukang kalimutan ang nararamdman kay Emerben; Ang mga alaala niya; at si Emerben mismo.
Pero kaya nga ba niya?
BINABASA MO ANG
[Completed] Scared To Death
Romance(unfficial teaser) Sino ang may sabing ang 'first love never dies' ay di totoo? Pwes, totoo iyon para kay Riddle. Dahil siya ang buhay na katotohanan niyon nang umibig siya sa kababata niyang si Emerben Pasardan. Emerben was the prince she's been d...