7

733 32 0
                                    

“E, MY MAN, where have you been?”

Isang dagok sa ulo ang natanggap ni Ramir kay Emerben nang makalapit ang huli sa pwesto nila sa The Oasis, ang bar at official na tambayan nila, na pagmamay-ari ni OJ.

“E,” bahagyang kaway sa kanya ni OJ. “How’s life?”

“Buti napadpad ka sa Pilipinas. We miss you, E.” muli ay tila yayakap ito sa kanya.

Ilang taon din siyang paro’t-parito sa bansa. Madalas ay sa iba’t-ibang bansa siya nangangalap ng kliyente para lang makaiwas kay Riddle. Hindi siya nanatili ng matagal sa bansa. One week tops ay kailangan aalis na uli siya. Dahil kung hindi niya gagawin iyon, hindi na niya alam ang gagawin niya.

“Have you heard about Den?” tuloy ni OJ.

“Yeah,” tango niya. “nakadalaw na ba kayo?”

“We’re waiting for you. Pero dumadaan ako doon bago ako pumasok.”

“Sabay-sabay na tayo.”

Tango na lang ang naisagot niya.

Aiden was one of their friends since high school, ito at ang kakambal nito. Aiden and Aidan was the complete opposite. Makulit ang kambal nito habang ito ay napakatahimik at tila sakitin, and that answer the question why he always looked so lethargic.

“Si Aidan?” basag niya sa katahimikan.

“Busy ‘yon sa burol at kay Joey.”

“Joey.” Lahad ni Ramir.

“The Joey Clarisse?”

“Sino pa ba?” napailing na saad ni Ramir. “She’s a mess. Nakakaawa s'ya, pare. Daig pa n'ya ang nabiyuda.”

“Yeah,” napailing ring saad ni OJ. “I heard she fainted. Kaninang umaga daw sabi ni Aid.”

“Poor girl.” Nasabi na lang niya.

Joey was their muse noong nasa college sila. Naging ‘ampon’ ito ni Den nang mamatay ang magulang ng dalaga. Sinubukan din niyang ibaling kay Joey ang nararamdaman niya pero itinigil din niya dahil may pagkakahawig ito kay Riddle, kaya himbis na makalimutan ang dalaga, mas lalo lang niyang naaalala.

Eventually ay naging nobya ni Den si Joey. They were inseparable. Tapos ngayon ay permanenteng magkakahiwalay ang mga ito. Joey gave her everything pagkatapos ay ano?

That’s one of the reason I don’t want to fall in love.

“Ikaw?”

“Huh?” napatangang saad niya kay OJ.

“Ikaw? Kumusta ang buhay? How’s Riddle?”

Doon tuluyang nakuha nito ang pansin niya. Dahil sa pagkumusta nito sa dalaga, naalala niya ang pagbanggit ni Riddle sa pangalan nito habang natutulog. And without thinking he blurted out what wasn’t supposed to be said.

“I’m going to marry her.” diretso sa matang saad niya rito. Pero sa halip na pagkagulat, galit o pagseselos ang makuha niyang reaksyon ay ngumiti pa ito.

“Really? Finally.” Napatawang saad ni OJ. “Matagal na dapat nakuha ni Riddle ang happy ending niya sayo, ‘no. Pero kung ganyang kaganda ang happy ending n'ya, ayos na kahit matagal ang pinag-antay n'ya. Akalaing mong kasalan kagad.”

“Sa wakas,” saad din ni Ramir na pinagkiskis pa ang palad. “mababawasan ang makulit.”

“Ano?” naguluhan niyang saad sa dalawa.

[Completed] Scared To DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon