ABOT-ABOT ang kaba ni Riddle habang papasok na ang kotse ni Emerben sa garahe ng bahay ng mga ito. Hindi lang dahil iyon sa galit na sumalubong sa kanya paggising niya kaninang umaga dahil sanay na siya roon pero dahil sa dahilang pauwi sila ng mga oras na iyon.
Hindi niya alam kung paano niya sasalubungin ang galit ng ama niya. Malaking malaki ang kasalanan niya sa ama niya. Dahil sa kanya mukhang nawalan ng malalaking potensyal na kliyente ang kompanya nila.
“M-mag-aantay na lang ako dito.”
“What?” tila noon lang narealize ng binata na kasama siya nito.
“Sabi ko dito na lang ako.”
“No,” mabilis na sagot nito. “mabuti pang umuwi ka na o sumama sa akin since hinahanap ka ni dad.”
“Pero—”
“Riddle, may tinataguan ka ba o may nagawa kang kasalanan?” salubong nito sa paningin niya. “If I’m right, nagtatago ka sa pinaka-safe na lugar na alam mo pag may tinataguan o may kasalanan ka. Do you still have that habit?” kunot ang noong saad nito.
Dapat siyang matuwa dahil naalala pa ni Emerben ang mga iyon pero hindi talaga niya magawa dahil tama ito. “Umm…ano kasi—”
Naputol ang pagsasabi niya ng may kumatok sa bintana sa tapat ng binata. “Señorito, pumasok na daw po kayo sabi ni Señor. At saka isama n'yo daw po si Señorita. Andun daw ang Señor Amadeo.”
Napakagat labi na lang siya sa sinabi nito. Mukhang wala na siyang kawala. Well, the good thing is, nandoon si Emerben. Pero ipagtanggol kaya siya ng binata?
BINABASA MO ANG
[Completed] Scared To Death
Romance(unfficial teaser) Sino ang may sabing ang 'first love never dies' ay di totoo? Pwes, totoo iyon para kay Riddle. Dahil siya ang buhay na katotohanan niyon nang umibig siya sa kababata niyang si Emerben Pasardan. Emerben was the prince she's been d...