NAPAPANGITI at napapailing na lang ng sabay si Emerben everytime na titingnan niya ang cellphone niya. Una, dahil alam niyang ang wallpaper niyon ay ang natutulog na si Riddle. Ang lock screen naman ay si Riddle rin, suot ang long sleeve polo niya at nakaupo sa wicker chair habang umiinom ng kape. And most specially, the last conversation they did.
Iyon ang unang unang umakto siya ng ganoon. Kahit kailan ay wala siyang tinawagan na naging nobya niya para hanapin o kumustahin ito. Never. Si Riddle lang. Ang lahat ng hindi niya ginawa noon ay pinapalabas ni Riddle ngayon. Even the teenage habit na mag-iisip muna kung ano ang sasabihin kapag tatawagan nila ang mahal nila.
Mahal nila. Mahal niya. Ang mahal niyang nag ngangalang Riddle. Ang mahal niya na walang kahirap hirap na inilalabas ang lahat ng itinatago niyang kakornihan sa katawan ng wala siyang nadaramang hiya.
Sumisipol sipol pa siya habang ginagawa niya ang mga papeles na dadalhin niya sa opisina ng ama niya ng bumukas ang pinto ng opisina niya.
"Yes, Mildred?" anang niya sa sekretraya niya.
"Uuwi na ho ba kayo, Mr. Pasardan? Mauuna na ako."
"Yes," nakangiti niyang saad rito na tila ikinagulat nito. Hindi na siya nagtataka roon. He was always grumpy to everyone at ngayon lang siya ngumiti sa mga empleyado niya. "Thank you, Mildred, for the day. You can go home." Pagdidismiss niya rito.
Tila naman natauhan na ito ng magring ang telepono sa table nito. "Sige po, boss." Yukod nito.
Napailing na lang siyang uli. Nakikita niya ang malaking pagbabago sa kanya dahil lang uli kay Riddle. Ipinagpatuloy na niya ang ginagawa niya. Pagkatapos ay masaya at pasipol-sipol siyang umakyat sa next floor, kung nasaan ang opisina ng ama niya.
Hindi pa naman opisyal ang merging at ang paglilipat sa kanya ng posisyon pero ang lahat ng gawain ng ama niya at ng daddy ni Riddle ay nasa kanya na. Ngayong maayos na silang mag-ama, everything he does ay ipinapaalam at iminumungkahi na niya rito. Alam niyang nasa taas pa ang ama niya dahil dumadaan muna ito sa opisina niya kung aalis na ito at sabay na silang umuuwi.
Kung sinoman ang makakakita sa kanya ay mapagkakamalan siyang baliw dahil sa ngiting hindi maalis sa labi niya. Bakit ba? Kahit sino naman ay mapapangiti ng tulad ng akin kung alam nilang may magandang misis na nag-aantay sa kanila at alam pa nilang may magandang mangyayari.
Napailing na lang siya. "Loko-loko ka talaga, Emerben." Kausap niya sa sarili.
Nakarating na siya sa palapag na pupuntahan. Nagkangiting tinanguan ang empleyadong makasalubong na natulala na sa binibigay niyang magandang atensyon. Pero ang lahat ng iyon ay nabura ng akmang papasok na siya ng tuluyan sa opisina ng ama niya.
Hindi siya nakita ng mga ito dahil nakaharap ito sa bintana at seryosong nag-uusap. Mabilis niyang isinarado uli ang pinto nang marinig niya ang pangalan niya at ni Riddle.
"Well, at least it worked, kumpadre." Anang ng ama niya. "'Yong kunwaring atake ko sa puso. Kailangan pa pala ng gano'n para matuloy sa wakas ang pagpapaksal ng mga bata. Hindi nawalan ng kwenta ang paghihirap ni Riddle.""Tama ka diyang kumpadre." Napapangiti na ring saad ng ama ni Riddle.
"But you know, Amadeo. 'Wag mo na sanang itulak palayo si Riddle. She did her best to please you." Pagpapayo ng ama niya. "Wala s'yang kasalanan sa pagkamatay ni Renée. Kaya sana tanggapin mo na s'yang muli. Tutal din naman e naging matagumpay s'ya sa pagsunod sa gusto mo."
"Alam ko," Amadeo's voice sound defeated. "hindi pa ako humihingi ng tawad sa anak ko."
Narinig naman niya ang bahagyang pagtawa ng ama niya. "Gano'n din ako. Kailangan ko na ring humingi ng tawad sa aking anak."
Ngunit kung anoman ang ihihingi ng tawad ng ama niya ay saka na niya kukuhain, pagkatapos niyang kausapin ang asawa niya. Ang asawa niyang niloloko lang pala siya noon hanggang ngayon. Parang lahat ng saya niya kanina ay naupos na parang kandila sa init ng galit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Kaya pala ganoon kadeterminado si Riddle na magpakasal sa kanya ay para mapatawad ito ng ama nito. She doesn't love him. She just used him to gain something she'd lost nang dahil na rin sa kagagawan nito.
"Damn it!" suntok niya sa pader ng elevator. Ito na nga bang sinasabi niya. Mabilis niyang idinaial ang numero ni Atty. Javier. "Get me an annulment, right now. Dadaanan ko yan ngayon...I don't care what grounds you would put. Kung gusto mo ilagay mo lahat ng grounds, basta gawin mo! I just want to get annulled!" gigil na gigil na saad niya.
Malungkot mang isipin na nagmahal siya ng maling babae. Na nagmahal siya ng babaeng akala niya ay mahal siya. But it looks like matagal na siyang hindi mahal nito.
Mariin na lang niyang ipinikit ang mata at pilit na kumalma. And when he did, he wanted to cry dahil akala niya ay may magandang kinabukasan sila ni Riddle ayon na rin sa isang buwan nilang pagsasama. Isang buwan na puno ng kapatawaran, kasiyahan at pagmamahalan. Or so he thought.
BINABASA MO ANG
[Completed] Scared To Death
Romance(unfficial teaser) Sino ang may sabing ang 'first love never dies' ay di totoo? Pwes, totoo iyon para kay Riddle. Dahil siya ang buhay na katotohanan niyon nang umibig siya sa kababata niyang si Emerben Pasardan. Emerben was the prince she's been d...