NAITAKIP na lang ni Riddle ang kamay niya sa tainga niya nang marinig niya ang tili ni Courtney nang pumasok ito sa dressing room nito. Isa kasi itong theater artist at kasalukuyang nasa rehearsal ito ng dumalaw siya.
“Makatili naman,” kunway reklamo niya.Mahigpit naman siyang niyakap nito bago sila muling naupo. “Loka, ang tagal mo ring nawala. Halos isang buwan kayo sa ibang bansa at balita ko no'ng isang araw pa kayo dumating. Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan?”
“S’ympre, nagpahinga naman ako ‘no. Nagligpit pa ako ng gamit namin at inayos ko pa ang pasalubong namin.” Aniyang sabay abot ng pasalubong dito.
Walang anumang inabot nito iyon. “Pero, sib, you look so blooming ha. Mukhang hiyang sa pagiging misis.”
“I’ve been dreaming and wanting to be Mrs. Pasardan, Court. Bakit naman hindi ako magiging blooming?”
“Whatever.” Ikot ang matang saad nito. Noon pa mandin ay hindi na nito kinakaya ang pagsintang walang hanggang niya kay Emerben.
“Ikaw nga dyan, mukha ka ring blooming.” Panunukso niya rito. “Balita ko, nagkakamabutihan kayo ni OJ. Hindi ka ba magkwekwento?”
“Uy, ‘wag kang tsimisera,” pademure biglang saad nito. “kanino mo ba nalaman 'yan?”
“Kanino pa ba?” ngiti niyang saad na umani naman ng sabunot mula sa kaibigan. “Pero totoo ba?”
“Bakit ba ako ang ininterogate mo? Ikaw ang galing sa honeymoon, ikaw dapat ang iginigisa.” iwas nito at humarap na sa vanity mirror nito. Halatang umiiwas ito ayon na rin sa pamumula ng pisngi nito.
“Well?”
“Anong well?” nanlalaki ang matang saad ni Courtney. “Ikaw, obvious na nadiligan ka na.” and that was when she shut up. Ramdam na ramdam niya ang pag-init ng pisngi sanhi para tudyuhin pa siyang lalo ng kaibigan.
“At talaga namang namula siya!” tili nito. “So, how was he?”
“Courtney,” may pagsaway na saad niya rito pero hindi ito nagpaawat.
“Magaling ba? Napasigaw ba siya ng ‘I love you so much, Riddle’ sa kasiyahan?” hagikgik at patuloy na pagbibiro nito sa kanya.
Pero hindi siya napangiti sa huli nitong sinabi. No—hindi siya galit sa kaibigan dahil sa ginagawa nitong pagtudyo kundi naisip niya ang huling sinabi nito. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya naririnig mula kay Emerben ang salitang iyon.Nahalata naman ni Courtney ang pananahimik niya kaya nanahimik rin ito at humarap sa kanya. “Sabihin mong mali ang iniisip ko. Na hindi pa niya nasasabi sa 'yong mahal ka n'ya.”
“Court, I don’t have to hear it,” tama. Aniya sa isipan.
“But everyone needs to hear it. Babae man o lalaki.” Nanlalaki na naman ang matang saad nito. “Hindi ka pa talaga n'ya sinasabihang mahal ka n'ya? Bakit ka nagpakasal sa kanya?”
“Courtney Jean Manuel, do I have to ask him if he loves me kung pinapakita naman n'ya? And I married him because I love him at iisa lang daw ang dahilan bakit nagpapakasal ang mga tao.”“Of course at ano naman kung pinapakita n'ya? Mamaya mali naman ang interpretasyon mo sa intension n'ya. Men are from mars and women are from venus, sib.” salungat pa ring saad nito. “And about that reason, iisa lang talaga ang dahilan ng bawat tao sa pagpapakasal. Ikaw, mahal mo s'ya. eh, s'ya, anong dahilan n'ya?”
Napapikit na lang siya sa mga sinabing iyon ni Courtney. Sumasakit ang ulo niya rito. Hindi niya alam kung kailan ito naging cynic o sadyang iniisip lang nitong mabuti ang lahat ng bagay. Mind over matter talaga ito, noon pa man. She was the voice of reason sa kanilang dalawa habang siya ang fantasy.
BINABASA MO ANG
[Completed] Scared To Death
Romans(unfficial teaser) Sino ang may sabing ang 'first love never dies' ay di totoo? Pwes, totoo iyon para kay Riddle. Dahil siya ang buhay na katotohanan niyon nang umibig siya sa kababata niyang si Emerben Pasardan. Emerben was the prince she's been d...