Chapter 41

155 13 0
                                    

Chapter 41: Scarf for emergency purposes

∞∞∞∞∞

Abby's POV.

"Doc... Doctor Ferrer?"

Pinikit ko yung mga mata ko. Baka sakaling binabangungot lang ako tsaks dinilat ulit uung mga ito. Siya nga! Anong ginagawa niya dito? Bakir siya andito? Sa pagkakaalam ko hindi pa tapos yung pagkakasintensya sakanya eh? Anong nangyayari?!

"Aish! Ayun na eh! Mamamatay na siya eh!" Sabi ni Senator Buenaflor at kinuha yung baril niya sa lapag.

Hindi naman nawala yung tingin ni Doc. Ferrer saakin. Napalunok naman ako at hindi tumingin sakanya ng deretso. Nakita kong napabuntong hininga siya at tumingin na kay Senator Buenaflor.

"Bobo ka ba? Edi paano nila gagawin yung gusto natin kung patay na pala yung gusto nilang mabalik sakanila" sabi ni Doc. Ferrer sabay ngiti saakin. "Long time no see, Doc. Cuanco. Skip the formalty and just call me Paolo and I'll call you Abby"

Unti unti siyang lumapit saakin nang nakangiti.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Wala lang, namiss lang kita" sabi niya at tumigil sa harapan ko and kneel down infront of me. Kahit alam kong wala akong maatrasan, automatic napaatras yung katawan ko nung bigla niyang kinuha yung buhok ko na nasa harapan ko at pinaikot ikot ito sa dalawang daliri niya. "Namiss ko lang yung babaeng nagpakulong saakin at ginawang miserable yung buhay ko"

Nawala yung ngiti sa mukha niya at napuno ito ng galit.

"Sisiguraduhin kong magiging miserable din yung buhay ng pamilya mo kakaprotekta sayo lalo na si General Cuanco"

"Hindi mo yan gagawin" sabi ko sakanya at napangiti naman siya saakin.

"After what you have done to me. I doubt that"

"Nakulong ka dahil sa sarili mong kagagawan!" Sigaw ko agad naman niya akong sinampal.

Ah! Feeling ko nadislocate yung mukha ko, jusko! Yung kabilang pisngi nakaumbok yung kabila flat dahil sa pagkakasampal niga.

"HINDI LANG DAPAT AKO YUNG ANDUN, DAPAT IKAW RIN!" sigaw niya saakin. Inangat niya ulit yung mukha ko at pinisil niya ito. "Hindi na ako makapaghintay na patayin ka. Pero gagawin ko munang miserable ang buhay ng mga mahal mo sa buhay"

Pagkatapos niyang magsalita marahas niyang binitawan yung mukha ko tsaka tumawa.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Matatakot ba ako? Magagalit? Iiyak? Basta halo halo ang emosyon ko ngayon pero nakatingin lang ako ng masama sakanya.

Christian's POV.

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko yung sarili ko sa isang kama. Nilibot ko yung mata ko at nakita nasa hospital pa pala kami. Umaga na. Dahan dahan naman akong tumayo..

"Kuya!" Sigaw ni Serena nung nakita na niya akong gising. Lumapit na rin sila Glenn, Mom, Ken at Zerine

"Anong nangyari?" Tanong ko habang hinahawakan yung ulo ko.

"Nagpass out ka nanaman sa labas habang kinakausap Ate Zerine. Kuya naman eh! Hanggang ngayon hindi mo pa rin tinatanggap yung surgery--"

"Si Abby? Kailangan nating hanapin si Abby" sabi ko at biglang tumayo.

Umikot naman bigla yung paningin ko kaya napahawak ulit ako sa dulo nung kama. Hinawakan naman ako ni Ken bilang alalay.

"I think you should get some rest, first" sabi ni Mom.

A Beautiful Disaster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon