Chapter 45

182 12 0
                                    

Chapter 45: A slightly success plan

∞∞∞∞∞

Abby's POV.

Ilang araw na ba ang nakalipas? Argh. Gusto ko ng umalis dito, asan na ba sila? Ililigtas ba nila kami? Hanggang iyak nalang ba ako dito hanggang sa mapagdesisyonan nilang patayin na kami? Ano kayang ginagawa nila ni Ethan huhu.

I heard someone opened the door, nagkunyari ulit akong tulog and heard the footsteps coming toward me. Nawala yung tunog, asan na siya? Don't tell me nasa tabi ko siya huhuhu. May narinig akong tumama sa isang metal. Napapikit ako ng mairin at nilayo yung ulo ko kung saan alam kong andun siya.

Pero...

"MMMmmmmM" sigaw ko kahit nakatakip yung bibig ko ng tela.

"Shh tatakas na kayo dito" sabi ni Roberto. Anong ginagawa niya? At anong sabi niya tatakas?

Ginalaw ko naman ng konting kamay ko at yung katawan ko nung lumuwag na yung rope na nakatali saakin. Ah! Finally. Sinubukan kong tumayo pero parang nakalimutan ko na atang igalaw yung mga katawan ko? Inalalayan naman niya ako, napatingin ako sakanya.

"Anong nangyayari? Bakit mo toh ginagawa?" Tanong ko sakanya ng pabulong. Napatingin naman ako sa bintana, gabi na ah? Anong tatakas?

"Wala ng maraming tanong basta sumunod ka lang saakin" bulong niya pabalik saakin at nagsimula na kaming maglakad ng dahan dahan palabas ng kwarto, mukha naman palang desente itong bahay, hindi halatang may hostage taking na nangyayari dito at pumasok kami sa isang kwarto kung saan may naghihintay na lalaki.

"Sigurado ka ba dito sa plano mo? Mapapahamak tayo nito pag nalaman ni boss eh" bulong na tanong nung lalaki

"Wala naman sigurado, pare. Pero kung mamamatay man ako mas gusto ko yung kakampi ako ni Amado"

Dati ko pa naririnig sakanila yang si Amado. Sino ba si Amado? Leader ba nila? Bakit wala siya dito? Mukhang maatas respeto nila dun sa tao eh lalo na tong si Roberto. Nung nakita ba naman tong kwintas ko, agad na tinanong kung sino nagbigay saakin neto at kung kakilala ko raw ba si Amado.

Bababa na sana kami dun sa spiral na stairs papunta sa isang kwarto sa baba. Nang may sumagi sa isip ko. Tinapik ko naman siya.

"Teka. Yung anak ko. Hindi ako aalis dito ng wala si Ethan" bulong ko.

"Wag kang magalala. Nauna na sila. Ligtas na siya" Sabi naman niya at dahil siya lang mapapagkatiwalaan ko ngayon, naniwala ako at bumaba ng dahan dahan dito.

Pagkarating namin sa kwartong iyon sa baba. Sumilip ng dahan dahan mula sa pinto si Roberto at nakita kong malapit lang yun sa pintuan palabas. Nasa likod bahay ata kami ngayon? Sinarado ulit ni Roberto yung pintuan at tumingin saakin.

"Makinig ka saakin ng mabuti. Pagkalabas ng pintong nakita ko dun, may makikita tayong hagdan. Ikaw lang yung aakyat dun. Pagakyat mo, wag kang tatayo, yumuko ka lang tapos deretso ng lakad. May lalaking nagaabang sayo dun para tulungan kayong makaalis dito. Pag may nakita na kayong kalsada, may makikita kayong mga sasakyan dun. Ayun na yung sasakyan nyo paalis. Okay?"

"Paano ka?"

"Wag mo na akong alalahanin. Basta lalahanin mo yung sinabi ko. Huh?"

Tumango naman ako na medyo kinakabahan. Inaaalala lahat ng sinabi niya.

Napatingin naman ako sakanya na nagmamasid mula sa bintana. Naisip ko, kung nakita nila Senator Buenaflor at Paolo na wala na kami sila yung mabibintangan at pwede nila yun ikamatay. Pero dahil dun sa sinabi sakanila ni Amado, sumusunod sila. Ang laki siguro ng tiwala nila dun sa taong iyon at itataya nila yung buhay nila para lang sumunod sakanya. I mean sino ba ako para iligtas ni Amado?

A Beautiful Disaster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon