Chapter 46

166 14 0
                                    

Chapter 46: Plan B: Susugod na

∞∞∞∞∞

Christian's POV.

Pagkarating namin sa van. Binuksan ito ni Pat ng todo yung likod nun at habang nandito nakatayo sa labas ng van pinakita ni Pat mula sa loob yung laptop kung saan makikita sa screen ng laptop si dad, or should I call him, Frank. Anong klaseng ama ang kayang patayin ang kanyang pamilya para lang maisagawa itong plano niya ng walang humaharang dito.

"Mukhang nahack nila yung laptop ko kaya nakapagdala sila ng video message." Sabi ni Drake.

"Hindi ba yan delikado?" Tanong naman ni Xion.

"Delikado syempre. Mamaya aayusin ko yan pero ngayon pakinggan muna natin kung anong sasabihin niya" sabi ni Drake sabay nguso dun sa screen para lahat na ng mata nakatingin dun.

"Paano ba ito i-on, Ferrer!" Sigaw niya.

"Pfft, oldy" sabi ni Pat na nagpipigil ng tawa. Napatingin naman lahat kami sakanya tsaka siya umayos ng tayo.

Nakita naman namin sa screen na dumating yung tinatawag niya. Siya siguro yung tinatawag nilang Doctor Ferrer. I see, hindi nga fit sakanya ang magdoctor, mukhang mamamatay tayo.

"Tangina. Kanina pa nakaon!" Sabi ni Paolo.

"Aish. Hindi mo naman sinabi, nawala tuloy yung dramatic entrance ko. Hays. Anyway, hiiiii! Miss me?" Sabi ni Frank na may ngiti.

"Psh. Miss mo mukha mo" napasabi naman ako habang nakadikit pa rin yung mata ko sa pagmumukha niya.

"Alam ko naman hindi lang ako yung namimiss nyo. Say hi, Dr. Ferrer" sabi naman niya habang pinakita sa screen si Paolo.

"What the? Nagvovlog ba siya?" Sabi ni Elijah.

"Baka nga hindi niya yun alam eh hahah" biro pa ni Pat. This time tinignan na namin siya ng masama.

"And say hi to, Abigail!" Sabi ni Frank sabay pakita sa screen si Abigail na nakatali yung buong katawan sa isang poste at yung mga paa magkadikit na katali din sa isa't isa.

Nanghina ako sa nakita ko kung si Ethan may konting pasa at sugat siya, si Abigail mas matindi yung natamo niya lalo na mukha. Nagsimula ng mangigil yung mga kamao nung nakita ko siyang nakangiti habang pinapakita si Abigail na sugatan at nanghihina. I will kill you.

"Wala na rito yung anak niya. Ano nga ulit pangalan nun? Ahh basta. Sana patay na yun, tumakas ba naman ng walang paalam sa lolo"

What the?!

Hindi napigilan ni Elijah yung sarili at susugurin na sana niya yung laptop ni Drake pero pinigilan siya nila Xion at sinubukang pakalmahin at ilayo dito.

"Anyyyway. Alam ko rin gustong gusto nyo na siyang makita. Kaya pagbibigyan ko kayong bumisita"

Napacrossed arms naman ako at pareparehas kaming nakinig.

"Anong nangyayari?" May biglang nagsalita sa likod.

"Sir!" Sigaw nila Gab at Elijah sabay salute kay General Cuanco kasunod naman niya yung armadong lalaki kanina, kaano ano kaya niya ito? Naggive way naman kami para pakita sakanya yung video.

Nakita kong sumingkit yung mga mata niya nung nakita niya sa screen yung anak niyang nakagapos at yung mukha ni Frank na nakangiti.

"That bastard. Anong kailangan niya?!" Pagalit na tonong tanong ni General.

Pinlay ulit ni Pat yung video. Pero inulit niya ito sa umpisa para makita nila lahat

"Anyyyway. Alam ko rin gustong gusto nyo na siyang makita. Kaya pagbibigyan ko kayong bumisita.. Pero! Pero!"

A Beautiful Disaster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon