Chapter 20

357 22 2
                                    

Chapter 20: Special

∞∞∞∞∞

Abby's POV.

Unti unti kong nilayo ang aking labi sa labi niya.

Mali toh. Mali.

"Sorry" sabi ko at dahan dahan binaba yung mga kamay ko mula sa magkabilang pisngi niya.

Hindi ako makatingin sakaniya ng deretso dahil na rin siguro sa hiya. Aish, bakit mo kasi siya hinalikan? What were you thinking? Pwede mo naman siyang ihug nalang o sabihin na 'I choose you'. Pfft,'I choose you'? Parang yung sinasabi lang sa isang game sa tv, 'I CHOOSE YOU!' Mas ok na palang hinalikan ko siya kesa sabihin yun hahah. Pero hindi ehhhh, kakahiya.

Napakagat ako ng labi at papasok na sana pero agad niyang hinawakan yung wrist ko.

"Wae..waeyo?" Medyo may pagaalinlangan ko pang tanong.

"Tara" sabi niya at hinatak nalang ako bigla papunta sa kotse niya at umalis na kami.

I cleared my throat at tumingin sa dinaraanan namin. "Saan ba tayo pupunta?"

"Sa dagat" sabi niya.

Lumaki naman yung mga mata ko at tumingin sakanya. Anong sinasabi niyang dagat? Ngayong gabi? Pupunta kaming dagat? Baka iba yung sinasabi niyang dagat?

"Dagat? As in yung water? Yung salt water"

He chuckled a little and glanced at me. "Malamang. Ano pa po bang ibigsabihin ng dagat? May dagat bang bundok, yung muddy na bundok? Hahahah" asar niya pa saakin sabay tawa.

"Psh, nagtatanong lang naman ako ehhhh." Sabi ko sabaybpout at napasandal sa kinauupuan ko.

Kailangan pang mamilosopo, psh. Malay ko ba kung anong dagat tinukoy niya. Sino ba kasing makakaisip na pumunta ng dagat ng ganitong oras? At anong gagawin niya sa dagat, anong gagawin namin dun?

Huminto kami kasi nakared yung stop light. Nakita kong lumingon siya saakin at bigla niyang kinurot ng konti yung pisngi ko.

"Cute mo. Wag ka na magalit haha" sabi niya. Medyo yumuko naman ako at ngumiti ng konti. Hehe cute daw ako. Pagkataas ko ng ulo ko, naggreen na yung stop light at umandar na kami.

Hinayaan ko nalang siyang magdrive at pumunta kung saan niya balak pumunta kami. Basta ako, gusto ko lang lumayo. Lumayo mula dun sa mga problemang naiwan ko. Sayang nga lang hindi ko kasama baby ko ngayon.

Natulog muna ako kasi for sure matagal na byahe toh dahil sa 'dagat' nga kami pupunta diba? Layo layo ng dagat dito eh.

ZZZzzzzzzzzz

"Abby? Abby?"

Nagising nalang ako dahil may bahagyang tumatapik saakin. Bumungad naman yung mukha niya pagkadilat ko.

"Gising ka na?" Tanong niya. Kinusot kusot ko yung mata ko at tumango sakanya. "Tara" sabi niya at kinuha yung kamay ko tsaka lumabas na sa kotse.

Pagkapasok naman sa isang resort dito sa Zambales... teka.

"Nasa Zambales tayo?!" Gulat na tanong ko habang nasa check in counter kami.

"Yeah. Bakit?" Kalmadong sabi niya. Habang ako dito gulat na gulat. Napatingin naman ako sa oras halos 3 hours kami nag byahe papunta dito.

Baliw ba siya? Bakit kami asa Zambales? Alam niya bang ang layo neto? Paano si Ethan? Huhuhu.

"Bakit ba tayo andito?" Medyo naiinis na tanong ko sakanya. Nginitian lang niya ako at naglakad na papasok. Papunta sa likod. "Huy! Christian!"

A Beautiful Disaster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon