Chapter 5

523 31 2
                                    

Chapter 5: The pain that caused her

∞∞∞∞∞

Abby's POV.

"Tatawagin ko lang po si young master Zechariah, Madam. Please have a sit" sabi nung isang katulong namin dito. Tumango naman ako as a response tsaka umalis na sya.

Napatingin naman ako sa paligid. Eto yung luma naming mansion, dito na tumitira sila Kuya Zeckey and his family since wala naman nakatira dito kasi nasa military pa rin sila papa.

Wala pa rin pinagbago sa bahay. Hanggang ngayon naririnig ko pa rin yung mga boses noong nakaraan..

FLASHBACK. (4 years ago)

"YOU. ARE A. DISGRACE. TO. THIS FAMILY!" Sabi ni papa sabay sampal saakin ng malakas kaya napadapa ako sa sahig habang humahagulgol! "BOBO!"

"Pa..! Papa, tama na!" Pigil sakanya nila Kuya Zeckey at Eli. Habang si Ate Zerine naman andito sa tabi ko.

"Wala ka na ngang naiambag dito sa pamamahay na ito! Nagdala ka pa ng kahihiyan! HINDI KA PA NAKONTENTO SA ISA, DINAGDAGAN MO PA! WALANGHIYA KANG BATA KA!" sigaw ni papa at halos ibato na saakin lahat ng nakikita nya.

Mapababasagin o kahoy man yun binabato nya saakin.

"Pa ano ba tama na!"

"Bitiwan nyo ako!" Sabi ni papa habang kumakawala kila Kuya Zeckey at Eli.

Maids wouldn't dare to help or come near baka kasi madamay pa sila sa kaguluhan.

I looked at him. Yung tingin na gusto ko na siyang patayin.

"Aba't! Umayos ka, Abigail Quinn!" sabi niya sabay sampal saakin ng matindi. "Ayusin mo yang tingin mo!"

Time past by and finally, nagsawa na si papa pero..

Sana pala hindi sya nagsawa sa kababato saakin ng gamit kasi mas masakit pa yung sinabi nya kesa sa mga sugat na natamo ko eh.

"You are not my daughter. Your surname may be a Cuanco but you will never be a part of it"

Tsaka umakyat na sya sa kwarto nila ni mama at binalibag yung pinto.

Walang humpay sa pagtulo ang mga luha ko. Kahit pinapakalma na ako ng mga kapatid ko buong magdamag, hindi pa rin tumigil yung mga luha ko sa pagiyak.

Pucha. Dapat sanay na ako eh. Never niya akong tinuring na anak niya. Tangina bakit ako umiiyam? Bakit pakiramdam ko para nya akong pinatay ng sampung beses sa sinabi nya? Hindi nalang kaya nya ako pinatay kesa sinabi nya yun noh? Tutal yun naman ang gusto niyang mangyari noon pa eh. Ang mamatay ako.

END OF FLASHBACK.

That was the last time I talked to my dad before I flew to Korea and made a living there.

"Abby?"

Narinig kong may biglang tumawag saakin kaya agad akong nagpunas ng luha at humarap sakanya.

"Hey Kuya Zeckey" sabi ko ng nakangiti sabay hinug sya.

"Oh. Bakit ka umiiyak?"

"I'm just... glad to be back" sabi ko tsaka hinug sya ng mahigpit. Naramdaman ko namang hinug din nya ako.

"Abby?" Narinig kong may tumawag nanaman saakin kaya napatingin ako kung sino yun.

"Hey Ate Kyla! And omg! Hi Natasha" sabi ko at nagbend ng knee para pumantay kay Natasha, anak toh nila kuya Zeckey and I can't believe that she got taller and even more beautiful than before. Hahaha.

A Beautiful Disaster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon