Chapter 47

165 15 0
                                    

Chapter 47: Even though, he is still his father.

∞∞∞∞∞

Christian's POV.

"Christian. Anong ginagawa mo dito?" Gulat na pabulong na tinanong ni Gab nung tumabi ako sakanya.

"Saving my girl" sabi ko at inihanda na yung baril ko.

"Asan si Elijah?" Tanong niya.

"Sa kabila pumunta" sagot ko naman sakanya.

Nagtatago kami ngayon muna sa malaking bato dito sa may gubat at hinintau yung pagdating nila Abby. Maya maya lang may dumating mga nagsisilakihang sasakyan. Bumaba na yung ibang tauhan, konti nalang, na may malalaking baril at tumingin tingin sa paligid. Nung tapos na silang magmasid, lumabas ng sasakyan yung sinasabi nilang Doc. Ferrer kasunod nun ay si...

Dad.

Mas nanginig ako sa galit nung nakita ko siya. Pagkalabas nilang dalawa, lumapit yung dalawang tauhan sa sasakyan na sinakyan nila at maya maya lang may hinili sila papalabas dun.

"Abby" nasabi ko.

Kitang kita ko yung mga sugat niya sa paa, nakatakip yung bibig niya at yung mga kamay niya nakatali. At kung paano siya hawakan nung dalawang lalaki habang siya ay nagpupumiglas.

Sa sobrang inis ko sa nakita ko muntikan ko ng pindutin yung baril na nakatutok ngayon sa sarili kong tatay.

"Wag muna tayong padalos-dalos" sabi ni Gab sabay hawak sa baril ko tsaka unti unti tong binaba. Napatingin naman ako sakanya at tumango nalang ng konti.

Nakita kong sinuntok ni Paolo yung tyan ni Abby kaya napatigil ito sa sakit at napatigil sa pagpupumiglas. Tinanggal naman ni Frank yung takip niya sa bibig.

"Wa..walanghiya kayo! Mamatay na kayo!" Sabi ni Abby na tonong nanghihina na ngunit yung katawan niya gusto pa ring lumaban.

Konting tiis nalang, Abby.

"Pfft hahahah. Sorry to break your last wish but this.." narinig naming sabi ni Frank sabay turo sa may cliff tsaka bumalik yung tingin kay Abby. "Is your dead end"

Nakita kong sumenyas si Paolo sa mga tauhan nila tsaka nila tinulak si Abby  papunta sa halos edge na ng cliff.

"No" sigaw ko at susugod na sana kaso pinigilan ako ni Gab.

Nakita kong tinutok ni Frank yung baril kay Abby, na medyo nakadapa ngayon sa sahig hababg sinusubukang tumayo.

"Tama na" narinig kong sabi niya nagmamakaawa. Naiiyak na ako sa nakikita ko. Shet. Ayoko ng makita siyang ganyan.

"Pero syempre, kailangan mo munang panoorin kung paano namin mapapatay yung dalawa mong tatay. And this is a great spot to look at it" sabi ni Frank.

Napakunot naman kaming dalawa ni Gab at medyo kumalma. Anong sinasabi niya? Hinawakan ni Gab yung earbuds niya na nakakonnektado dun sa van kung saan andun sila Pat, Drake, Xion at Ken.

"Anong ibig niyang sabihin?" Tanong ni Gab.

Inisip ko naman kung ano yung ibig niyang sabihin, papatayin niya sila General Cuanco at Sir Amado bago si Abby. Alam niya na nandun sila ngayon malapit dun sa field.

Teka..

Yung sinabi ni Abby kanina...

"Papa! Wag po kayong pumunta! May mga bomba silang ipapasabok. Okay lang po ako basta nandyan na si Ethan!"

Shit.

"Yung bomba" napatingin naman saakin si Gab. "Yung bombang sinasabi ni Abby"

Nanlaki yung mga mata naming dalawa at agad kinuha ni Gab yung walkie talkie niya. Napatingin naman ako ulit kila Abby na medyo nagwawala na ngayon habang umiiyak na nakikipagusap kila Frank at Paolo.

A Beautiful Disaster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon