Chapter 43

163 12 0
                                    

Chapter 43: Next step

∞∞∞∞∞

Marlon's POV.

Hindi ako makapaniwalang ginagawa ko ito ng dahil kay Abigail. Argh. Nandito ako ngayon sa bahay ng mga rebelde pero bahay lang naman niya toh hindi naman ito yung pugad talaga nila. Hays wala na akong choice eh, kailangan ko na ng tulong niya kahit nakakasira toh ng pride.

"Sa tingin palang mukhang hindi laban ang pinunta nyo dito." Paguumpisa ni Amado.

Nandito kami ngayon sa loob ng opisina ng kwarto niya habang yung mga tauhan niya nandun sa labas kasama nung mga kasamahan ko.

"Si Abigail nawawala" deretso kong sabi.

Napatingin naman siya saakin na may pagkagulat. Alam kong alam niya kung sino si Abigail, dahil alam kong sila yung nagtangkang barilin si Christian sa new album release niya pero si Abigail ang nabaril nila.

"Hindi.. hindi kilala kung sino yung sinasabi mo" sabi niya sabay inom nung kape.

"Wala pa kaming lead kung saan sila dinala nung anak niya pero alam namin kung sino yung suspect. Si Senator Buenaflor" tuloy kong sabi. Nakita ko yung pagkakahawak niya sa baso niya na para bang konti nalang mababasag na toh sa mga palad niya dahil sa panggigil.

Huminga siya ng malalim at kumalma ng saglit. "Oh? Anong gagawin ko?"

"Napagalaman namin nakipagsunduan si Senator Buenaflor sa ibang rebelde para gawin itong planong ito. Alam rin natin kung anong pwede o kayang niyang gawin kay Abigail dahil alam niya yung sitwasyon ni Abigail"

Tahimik lang siyang nakikinig at parang malalim yung iniisip. Bumuntong hininga ako.

"Sa tingin ko mas mapapadali at mas mapapabilis ang mahanap sila pag nagtulungan muna tayo" sabi ko. Napatingin naman siya saakin na may halong pagkagulat.

"Ano? Nababaliw ka na ba? Sundalo at rebelde magtutulungan? Ni hindi ko nga kilala tong babaeng ito eh!" Sabi niya tsaka padabog na binalik sa lamesa yung baso niya, tumayo at humarap sa may bintana netong kwartong ito.

Tumayo na rin ako at napapikit ng mairin. "Alam ko risky ito"

"Napaka!" Sigaw niya pa.

"Pero, pwede ba? Kalimutan muna natin yung sundalo at rebelde at maging papa at tatay muna tayo para iligtas si Abigail at yung anak niya"

Hindi siya sumagot. Katahimikan ang bumalot saamin ng saglit bago siya magsalita muli.

"Pagabi na. Umalis na kayo bago pa kayo maabutan ng iba naming kasamahan dito at hindi na kayo makawala pa" sabi niya nang hindi tumitingin saamin.

Napapikit naman ako. Mukhang walang epekto itong pagpunta ko dito at paglunok ko ng pride. Hays.

"Pag nagbago isip mo, sabihan mo lang ako" sabi ko at tumalikod na sakanya saka tuluyan ng umalis.

Zerine's POV.

Gabi na nung nakapunta kami dito sa San Juan road. Wala na halos makita kundi yung daan mismo na napapaligiran ng street lights. Habang yung iba naghahanap ng pwedeng makitang lead gamit yung nga flashlights nila, ako tong nagiisip kung ano bang balak nung putanginang doctor at senador na iyon sa kapatid ko.

Napakagat naman ako ng kuko. If Doctor Ferrer is one of the suspect and he wanted revenge, then why did he kidnapped Abby? He could have planned ruling or destroying Heaven's hospital, instead of kidnapping Abby.

Pero pwede ding both kasi yung mukhang goal ni Senador Buenaflor ay mamatay na lahat ng rebelde, and that includes Abby. Tapos may bad history pa sila ng pamilya ko.

A Beautiful Disaster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon