"Lumabas na kayong lahat" "Ma'am lahat po kami nasa labas na"

22 0 0
                                    

Tbh takot talaga aq sa mga multo since birth ata hehe,  tapos naencounter q ito nung grade seven ako,  cleaners ako that time kase thursday

natapos na eong subject niya kaya pinalinis nya na kami edi ako taga ayos lang ng mga upuan tapos yung kaklase kong si Shella bigla nalang natigil sa pagwawalis

Nagtaka ako kase dire-diretso na lang dapat siya nandoon na kase sa may last row malapit sa basurahan tapos bigla na lang siyang tumigil sa pagwawalis kaya hindi ko agad maisalansan ng maayos yung mga upuan

So tinanong q siya

"Beh, ayos ka lang? Namumutla ka oh" hindi namn normal yun hindi ba?  Tas sabi. Niya ok lang dw kaya ayun tuloy ulit kami sa paglilinis

Natapos kami syempre kinuha namin mga bag namin tsaka lumabas si ma'am kase yung magsasara absent kase yung may hawak ng duplicate ng susi namin

Tapos sumigaw siya hindi na kami nagulat don kase mahilig talagang sumigaw si ma'am ang kinagulat namin nung umulit yung pagsigaw niya

"Oy te,  hindi kapa lalabas?, anong oras na oh! "

Syempre nagulat kami lahat naman kami nasa labas eh siyam nalang kami kasama pa si ma'am wala na ring tao sa ibang room, 

"Lumabas na kayong lahat. " sigaw ulit ni ma'am

So sumagot ako "ma'am lahat po kami nasa labas"

Gulat talaga kami nung nalalaglagni ma'am yung susi,  takbuhan kami ei pati si ma'am todo takbo ei nasa fourth floor kami tapos sobrang layo pa ng gate yung mga bag namin naiwan na sa taas sa sobrang takot namin

Nung nasa ground floor na kami ung kaklase ko mangiyak-ngiyak na tapis diretso kami lakad papuntang gate sinabi ni ma'am na dumaan nalang kami sa front gate tsaka magdasal

Tinanong namin siya
"Ma'am bat po kayo tumakbo?  Ayan tuloy napatakbo din kami"

Hindi q alam kung tatawa ba ako o iiyak bukod sa para kaming tanga na tumakbo ng hindi namin alam kung bakit nakakarambdam naman kami ng takot

Inalala ko yung sinabi ni ma'am ei na lumabas na raw kaming lahat ei lahat naman kami nasa labas edi ibig sabihin may nangyare kay maam

Hinatid q si Shella pauwi non kahit medyo malayo bahay nila tapos sabi ni ma'am bukas nalang daw namin kunin mga gamit namin sa taas

Kinabukasan,  pagpasok namin wala na mga bag namin.

Tapos yung room namin nakasarado na,  yung letse naming secretary pumasok nga wala ring susi,  edi hinanap namin si ma'am tomonong para kunin yung susi kase anong oras na

Sabi nung mga co-teacher niya nasa principal's office raw siya.Kaya pumjnta din kami don

Magfafile daw ng leave si ma'am,  syempre nagulat kami kaya nakichismis kami,  tinanong talaga namin kung anong nangyare kagabi

Sabi niya may nakita raw siyang babae dun sa may basurahan nakatayo lang daw akala niya isa kami don kaya sinigawan niya

Ayun natakot na akong pumasok s room diba sabi q takot aq sa multo? Muntikan na akong mag-cut ng class sabi ni maam wag raw naming ipagsasabi kase hanggang ngayon kinikilabutan daw siya

Nalaman q nalang na si Ate Shamelle raw yun,  dati kase Chemistry lab yung room namin. Edi gumagawa sila ng mga experiment doon. Nasabugan daw si Ate pero hindi namatay,  kase nagpakamatay raw

Grade ten student daw yung Shamelle section one pa,  sumasali raw kase sa pageant yun kaya nung nasabugan todo hinagpis sa buhay tapos nabully raw ata, maldita daw kase yun kaya arang kinarma daw

Dahil likas na chismosa kami sinabi. Namin sa adviser namin yun,  sabi niya guni-guni lang daw namin yun baka nagdrugs daw kami

Lah gago ka ser?

Yung upuan malapit sa basurahan upuan ko kaya nagpalipat ako ng upuan kase sobrang nakakatakot kaya yung sandamakmak naming basura hindi nam namin tinatapon sa basurahan sa bag nalang

Hindi na rin kmi nag-iingay simula non kase nagsearch kami na naaatract daw yung mga multo sa ingay lalo na sa tawa

Eih mga dinosaur kami tumawa

Tapis ngauong grade eight ayun parin room namin,  oh diba ang galeng

Nagtataka kayo kung bakit room pa rin namin yun noh?  Ganito yun sa NAGPAYONG HIGH SCHOOL sobrang raming estudyante hati ang oras doon ang room ng grade seven at eight parehas lang yung grade 9 at grade 10 parehas din ei section namin hanggang 35 60 students per room

Etong story naman na eto tungkol dun sa multo din sa may rooftop ng school namin

Eto hindi q naranasan pero kinewento lang saken ni Shella kase Yes-O sila kaya nagtatanim sila ng mga halaman tuwing MWF

Sa roof top nga kase yun tapos nagkwekwentuhan lang sila magkahalong grade9 at grade 8 sila bale mga officers

Yung si Rubi siya taga check ng mga act. Na gagawin nila sa buong araw nandoon siya sa parang bahay-bahay sa roof top

Tapos nagsimula na raw silang maglinis ng mga pot etong si Rubi nagchcecheck pa rinng biglang nagsara yung pintuan

Yung pintuan ng parang bahay na yun medyo malaki tapos mabigat pa kase gawa sa bakal at yero yun tapos biglang nagsara

Partida may dalawang upuan na mono block pa ang nakaharang don para hindi magsara,  tapos wala namang hangin nung time na yun

Syempre natakot si rubi ei isa ring matatakutin yun, umiyak daw siya sa loob yung mga nasa labas naman pilit na binubuksan yung pintuan kase mabigat at mahirap buksan yun once na nasara

Nagdasal daw siya na nagdasal kase sobrang takot siya tapos yung mga papel daw nagkakandahulog mula sa lamesa

Nung nabuksan un si Rubi halos himatayin na takot (sabi nila)  tapos umakyat na don yung teacher

Yung monoblock nawala,  yung mga pot nabasag , yung mga papel kalat-kalat.

Umabsent non kinabukasab si Rubi kase nagkasakit,  tapos yung nga kwento kwento may nagpakamatay daw ron na estudyante kase nabuntis. Dun mismo sa roof top

-END

A threadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon