Kabanata 4: Mr. Suarez

86 21 38
                                    

WARNING⚠ This chapter contains violence and abusive words.

-
"U-uhm k-kasi tita uh ano..," geez, I am stuttering. Anger poured through Tita Marg. How can I tell now that I have a job?

"What Beatrix?! Nag ka oras ka pang mag lawaktsa eh wala ka pang natatapos na trabaho dito sa bahay?!" She said irritably while glaring at me. Kung titignan si Tita ay parang malapit na akong saktan nito.

Umiwas ako ng tingin at yumuko. Sa takot ay unti-unting nag patakan ang mga luha ko. Tss ang babaw mo talaga Beatrix.

"I l-looked for uhm a j-job tita. That's w-why I got home late," mahina kong sabi pero alam kong narinig 'yon ni Tita Marg.

"You looked for what? A job?" Lumapit sakin si Tita. "At bakit?! May balak kanang umalis dito at bumukod ng sarili ha?!" she grabbed my hair.

Napadaing at lalo naman akong naiyak sa sakit ng pagsabunot niya sakin.

"A-ahh it's n-not that po T-tita...it's just that..," hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Pag sinabi ko ang dahilan na para mabuhay pa ako ay lalong magagalit sakin si Tita Marg. Malamang sa malamang ay isusumbat niya sakin ang pagpapatira dito at pag papalaki sakin.

"Ano sagot?! O baka naman inuna mo pa ang pag lalandi mo?!" Diniinan niya pa lalo ang pag sabunot sakin. I feel like anytime makakalbo na 'ko. At pag lalandi? Wala na nga akong oras sa ganun dahil priority ko sila at ang pag aaral ko.

"H-hindi po Tita a-ah please po b-bitawan niyo n-na po ang ahh b-buhok k-ko..please" I sound croaky as I pleaded.

"OMG MOM stop it!" Biglang sigaw ni Mika. Napatingin ako sakanya, pababa siya sa hagdan. Halata sa mukha nito ang gulat. Siguro nasa isip niya ngayon na sumosobra na ang Mommy niya. Totoo 'yon dahil ito palang din ang unang beses na sinabunutan ako ni Tita.

Pinanggigilan niya pa ulit ang buhok ko bago patulak na binitawan. Paluhod naman akong bumagsak sa sahig.

Akala ko ay titigilan niya na ako. Pero hinawakan pa niya ang panga ko. Napadaing ulit ako sa sakit dahil sa higpit ng hawak niya. Tumingin ako kay Tita kahit nanginginig ako sa takot.

"Kung ano man yang kagagahang ginagawa mo itigil mo na dahil pag na ulit pa 'to! Talagang mapapalayas na kita! Naiintindihan mo ba ako ha Beatrix?!" Her jaw is clenching in anger atsaka ito tumalikod sakin.

"Tara na Mika at baka lalo ko lang masaktan ang babaeng yan," Tita Marg said atsaka lumabas. Mabilis namang sumunod si Mika sakanya. Hindi rin nag tagal ay nadinig ko ang sasakyan na umalis ng bahay. Marahil ay kakain sila sa labas.

Dahan dahan akong tumayo at nag lakad papunta sa kwarto ko. Pag kapasok ko ay pagod akong humiga at ininda ang nararamdamang sakit na nakuha ko kanina. I cried helplessly.

At some point mapapaisip ka nalang talaga na, "ano bang ginawa ko para matamo ko ang lahat ng ito?". Hanggang sa lalamunin ka na lang ng lungkot to the point na hindi muna nakikita ang dahilan para lumaban pa.

But at the end of the day, nasasayo nalang kung pipiliin mong mag focus sa bagay na patuloy na sisira sayo o kung iisipin mo ang dahilan kung bakit ka pa ngayon lumalaban. Thankfully, kahit na nangyayari sakin ang lahat ng ito tumatak parin sa isip ko na kahit kailan ay hindi ako susuko sa buhay.

It's already 11 o'clock in the evening pero hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Batid kong kanina pa nakauwi sila Tita Marg galing sa labas. Marahil ay mahimbing na sila ni Mika na natutulog ngayon. Pero heto ako, kahit hinihila na ng pagod ang katawan ko para matulog ay hindi nakikisama ang mga mata at isip ko.

Kahit ramdam ko ang bigat at sakit ng katawan ko ay bumangon ako atsaka nag palit ng damit. Balak kong lumabas para bumili ng makakain sa malapit na convenience store sa labas subdivision namin. I feel so drained that I need food to restore it. Natatakot akong mahimatay.

Mr. SuarezWhere stories live. Discover now