A/N: THANK YOU FOR HEADING UP TO THE NEXT CHAPTER! I HOPE YOU WON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT FOR YOUR OPINIONS!
_______________________________________
"Thank you po" wika ko sabay ngiti sa registrar pagka 'tapos kong kunin ang form ko for this school year.
Pinagmasdan ko ang magiging bagong school ko.
DeeCav International High school.
Malaki, maganda at mukhang mayayaman Lang ang maglalakas loob na mag-aral. Kung ikukumpara sa dati 'kong pinapasukan ay siguradong walang kinalahati ang binatbat 'nun. Besides Hindi ko rin naman talaga gustong lumipat. Psh.
Habang pinagmamasdan ang laki ng campus...
"AYY! SORRYY!" Natigilan ako sa paglalakad ng bigla akong may makabundol. Agad na nagbagsakan ang libro na hawak niya kaya naman tinulungan ko na siyang magligpit.
"Hala sorry talaga ah. Di ko na Kasi halos makita Yung dinadaanan ko natatabunan na hehe" Panay ang sorry niya habang nililigpit ang mga malalaking librong nagkalat na hindi yata lalagpas ng isang dosena.
"Okay lang. Panay din kasi ang paglinga ko sa paligid kaya di kita nakitang paparating. Sorry din" pag paumanhin ko rin.
"Hala?! Transferee ka ba? Ngayon lang kasi kita nakita dito." Nag shinning shimmering ang mata niyang tanong sa akin.
"Ah Oo SH" ngiti ko sa kanya.
Maganda. Mahaba ang buhok. Bilog ang mata at katamtaman lamang ang puti ng balat. May soot na makapal na eye glasses na bumabagay sa hugis ng mukha niya.
"Sarry nga pala-" nagsalita na ako bago niya pa taposing magpaumanhin ulit.
"Hindi okay lang tal-"
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Bigla nalang siyang tumawa ng pagkalakas lakas na pinagtakahan ko naman.
"Silly! What I mean is my name! HAHAHAHHAHA" putrages grabe makatawa parang hindi nahihirapan sa kargang mga libro.
"Ah ganun ba hehe" ngiwi ko nalang.
"Sarry Hill Ong" ngiti niya sabay lahad ng kamay. Kaya naman na expose ang pink niyang braces.
"Camille Rain Caballero" ngiti ko rin sabay tanggap ng nakalahad niyang kamay na nahihirapan dahil sa kargang mga libro.
"SARRYYY!" boses ng lalaki pero parang naipit at piyok. Galing sa likod ko ata kung hindi ako nagkakamali.
"Halaa kailangan ko nang pumuntang library camille" pagmamadali niya sabay kuha ng ibang libro sakin kahit nahihirapan.
"See you around!" 'yon na lang ang huling sinabi niya sa pagmamadali.
Buti nalang hindi lalaki. Siguradong masisira ang unang araw ko kung sakali.
Tutuloy na sana ako papasok ng building nang may naramdaman akong nahulog sa buhok ko. Agad ko itong kinapa para malaman kung ano at natigilan ng maramdamang malagkit at parang mahirap matanggal. Dahan dahan kong inilapit ang daliri sa tungkil ng aking ilong at doon tuluyang natigilan.
Amoy mentol.
POTANG-
"HALA DWIGHT LAGOT KA!" rinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa taas.
YOU ARE READING
13 White Lies (ONGOING)
RomantizmWould you hold my hand before my heart stops beating? Would you sing a song until my lungs gave in? Would you stay knowing what the truth is? Would you love me even if I can't longer exist? Can you say goodbye and lay by my side in bed? Can you?