A/N: THANK YOU FOR HEADING UP TO THE NEXT CHAPTER! I HOPE YOU WON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT FOR YOUR OPINIONS!
_______________________________________
"H-ha? Hindi ko na napagtagumpayang hindi mautal dahil sa sinabi niya.
"Sabi ko, Sana hindi ka na lang nagdala ng sasakyan! So I could have the chance to take you home!" Malakas ang boses na paguulit niya sa sinabi kanina.
Dahil doon ay napabaling sa amin ang atensiyon ng lahat ng nasa table.
"Hoy? LQ?" normal na tanong ni bakla.
Uminit ang mukha ko nang marinig iyon kaya sigurado akong namumula na ito.
"LQ?e hindi naman yan lovers e." Takang tanong ni Sarry.
"Ang LQ, hindi lang pang lovers noh. Hindi ba pwedeng Lalamunan's quarrel?" sabay sabay silang tumawa nang sabihin iyon ni bakla.
Mukhang may mga tama na dahil medyo kanina pa sila nagiinuman.
Tumikhim nalang ako at tinapunan si Dwight ng masamang tingin na ikinangisi lang niya.
Nabibilang nalang rin ang natitirang table na may umuupo kaya medyo humina na ang sound system.
"Uy Dwight, ilipat mo daw yung sasakyan mo. Doon daw kasi naka park sa tapat na bahay." Ani ni Phoenix at bumaling kay Dwight habang may hawak na cellphone.
"Ay.. hehe.. Oo nga pala. Puno kasi kanina sa harap niyo kaya sa tapat ko pinarada" ani naman ni Dwight at bahagyang kumamot sa batok bago tumayo.
Bumalik na sila sa linalarong games habang nagiinuman. Sinabi ko na ring hindi ako iinom dahil may dala akong sasakyan, na sana hindi ko nalang dinala-
Wait. What?
Ano ba Camille.
"Hoy" nag taas ako nang tingin at bahagyang nagulat nang hindi pa pala umaalis si Dwight.
Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin at pinagkunotan ng noo.
"Samahan mo 'ko" maikling sabi niya.
"Bakit? Natatakot ka?" May halong pang aasar na tanong ko at pinag krus ang braso.
"Oo, natatakot akong mawala ako. Kaya tara na." Sagot niya at hinawakan ako sa may pulsuan saka hinila palayo sa table namin.
Tsk. Kalalaking tao e.
Hindi naman napansin ng mga kasama namin ang paghila sa akin ni Dwight dahil masyado itong nagkakatuwaan.
"E gago ka pala e" agad ko siyang binatukan nang maka labas na kami sa gate.
Sino ba namang hindi makakapansin kung paparada ka sa tapat na bahay at halos sakopin ang kalahating kalye.
"E puno nga kasi dito kanina hehe" ngiwi niya at hinimas himas pa ang batok.
"Cge na, dito lang ako. Ilipat mo na" Sabi ko saka sumandal sa pader na nasa likod ko at pinag krus ang braso.
Ngumiti lang siya saka tumawid ng kalye at pumasok sa sariling sasakyan. Nag U turn muna siya bago pumarada sa bakanteng spasyong nasa harap ko.
Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang ganda nito. Full moon at madaming bituin sa kalawakan kaya hindi nakakasawang tignan.
YOU ARE READING
13 White Lies (ONGOING)
Storie d'amoreWould you hold my hand before my heart stops beating? Would you sing a song until my lungs gave in? Would you stay knowing what the truth is? Would you love me even if I can't longer exist? Can you say goodbye and lay by my side in bed? Can you?