CHAPTER 3

85 43 8
                                    

A/N: THANK YOU FOR HEADING UP TO THE NEXT CHAPTER! I HOPE YOU WON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT FOR YOUR OPINIONS!

_______________________________________

"Wow naman Camille! Bumagay pa rin!" Hindi ko na namalayan ang pag dating ni Dwight dahil sa kakatitig sa sarili ko.

Biglang uminit ang aking tenga dahil sa sinabi niya. Oo tenga! At sigurado akong namumula ito ngayon.

Saglit siyang pumunta sa counter ng salon at saka nagyaya nang lumabas.

"Oh ayan. Bayad na 'ko ha." Sabi niya sabay lahad ng plastic na may logo ng isang fast food chain nang tuluyan na kaming maka labas.

"Psh! Akin na nga" kunwari'y iritado kong sabi sabay hablot ng plastic.

Large fries, Softdrink, Burger at Sundae. Bigla akong naka ramdam ng gutom nang makita ang laman ng plastic.

Ilinabas ko ang isang large na fries at sinimulan itong kainin.

"Abah!, hindi ka man lang ba magpapa salamat?" Hindi maka paniwalang tanong niya.

"Wala akong sinabing lumabas ka at bumili ng pagkain kaya wala akong dapat na ipag pasalamat!" Sigaw ko na naman sa kanya kahit na medyo puno ang bibig ko ng fries.

"Hindi naman kasi tungkol sa pagkain ang tinutukoy ko" mahinahong sagot niya.

"Oh e tungkol saan?" Tanong ko sabay inom ng softdrink.

"Dahil sa bubble gum ko, gumanda ka lalo!" Walang pag aalinlangang sagot niya.

Naibuga ko ang iniinom sa mismong mukha niya dahil sa narinig ko.

Sinabi niya bang maganda ako?

"What the-" napapikit siya sa nagawa ko at pinunasan ng bahagya ang mga mata gamit ang likod ng dalawa niyang palad.

"Why the hell did you spit it out on my face?" Medyo isitado niyang tanong. Halatang pinipigilang sumigaw.

"S-sorry. Ikaw naman kasi e. Pati mga pinag sasabi mo nakakagulat" agad 'kong sagot ng medyo nag aalangan kung pupunasan ko ba ang mukha niya.

Narinig ko ang mahina niyang pag mura. Tumulo na rin kasi hanggang sa damit niya.

"Get in the car" bigla niyang sabi.

Hindi ko namalayang may asul na kotse pala'ng naka park sa harap.

Nauna siyang pumasok. Sandali ko pang pinagmasdan ang kotse bago tuluyang pumasok sa passenger seat.

Nadatnan ko siyang pinupunasan ang mukha gamit ang isang puting towel.

"Wala bang nagsasabi sayo'ng maganda ka? Grabe ka maka pag react e." Tanong niya. Bahagya 'kong nakita ang pag kunot ng kaniyang noo.

Bigla namang uminit ang mukha ko sa tanong niya. Kaya naman itinuloy ko nalang ang pagkain upang hindi mahalata.

"Meron syempre" sinikap 'kong hindi mautal.

Si Mamii. Siya naman ang laging pumupuri sa 'kin.

"Goods rin naman yan. Quits na tayo hehe" ngiwi ko sa kanya at sumubo ng fries.

"Goods ka jan." Sagot naman niya.

"San ka ba naka tira? Ihahatid na kita." Tanong niya nang tuluyang maayos ang sarili.

13 White Lies (ONGOING)Where stories live. Discover now