CHAPTER 8

49 16 8
                                    

A/N: THANK YOU FOR HEADING UP TO THE NEXT CHAPTER! I HOPE YOU WON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT FOR YOUR OPINIONS!

_______________________________________

"Bakit ka ba kasi iniwan ng ate mo?" Natatawang tanong niya.

"Gusto ko na nga kasi'ng umuwi" walang ganang sagot ko.

"Bakit? San ba sila pupunta?" Tanong ulit niya habang nasa daan ang paningin.

"Kakain" maikling sagot ko.

"Oh? E bat hindi ka sumama?" Tanong na naman niya.

"Ugh! inaantok ako okay? Yun na yun." Iritadong ko nang sagot.

"Mas inaantok ka kesa nagugutom?" Tanong pa rin niya.

"Hindi ako nagugutom okay?" Sobrang iritado ko na talagang sagot.

"At pwede ba? Wag ka nang tanong ng tanong, Nakakabadtrip!" Ubos na ang pasensiyang dagdag ko.

"Okay" simpleng sagot nalang niya at bahagya pa'ng tumawa.

Sa totoo lang, nawala na talaga yung antok ko kanina.


Note: HINDI YUN DAHIL SA KANIYA.


Medyo may kalayuan pa kami mula sa subdivision namin kaya naman panay lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Hindi ko siya nililingon. Hangga't maaari, ayaw ko siyang tignan. Lalo sa mga mata niya.


Nakakalunod.


Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi na talaga siya umimik pa kaya naman pumikit nalang ako at nag panggap na natutulog habang magka krus ang braso.


"Brrrkkk~" natigilan ako nang marinig at maramdaman ang pag kalam ng tiyan ko.


"Brrrrrllllkkkkkkk~"


POTANGINAAAA~


Napapikit ako nang mariin at mas lalong hindi tumingin sa kaniya.


Tanginaa anong gagawin kooo~


Hindi ko alam kung gagalaw ba ako sa kinauupuan o magpapanggap lang na walang narinig at naramdaman.

"Pfft–HAHAHHAHAHH" Biglang rinig ko'ng tawa ni Dwight ilang minuto ang lumipas.

"HAHAHHAHA–hindi pala nagugutom a" Hindi pa rin siya matigil sa pagtawa kaya naman napag desisyonan ko nalang na lingunin siya at bigyan ng pinakamasamang tingin na kaya kong ibigay.

"Hindi ako nagugutom okay?–nye nye nye nye~" Panggagaya pa niya sa sinabi ko kanina.

"Happy? Happy ka na niyan?" Sarkastiko kong tanong dahil mukhang wala na siyang balak huminto sa katatawa.

"Ano? Inaantok ka ba o nagugutom?" Tanong niya nang mahinto na sa katatawa.

Mas sinamaan ko pa siya ng tingin para maitago ko ang pagkapahiya.

13 White Lies (ONGOING)Where stories live. Discover now