A/N: THANK YOU FOR HEADING UP TO THE NEXT CHAPTER! I HOPE YOU WON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT FOR YOUR OPINIONS!
_______________________________________
"Shit!" Muntik na 'kong mapatalon sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Phoenix sa may gate.
"Tangina naman men, akala ko may nangyari nang masama sa inyo" medyo habol ang hiningang sabi niya.
"Sana nag text ka man lang o kahit bumulong kanina na may balak kayong mag solo." Dagdag pa niya dahilan upang manlaki ang aking mga mata at bumaling kay Dwight na hindi ko naman mabasa ang expression na meron sa mukha.
"Tara na, tulungan niyo ko kila Angeli. Medyo mga lasing na e. Kahit ano nang pinag gagawa" mahihimigan ang pagka badtrip sa boses ni Phoenix.
"Tara na" tumayo na ako at bumaling kay Dwight.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya bago tumayo. Nauna na si Phoenix pa balik kaya naman sumunod na rin kami sa kaniya.
Sa gilid na kami ng bahay nila dumaan. Natutulog na daw kasi yung ibang kamag anak nila sa loob.
"Ikaww ang anghel, na napadpad sa impyerno~"
Bahagyang kumunot ang noo ko nang marinig ang kantang iyon.
"Ako ang demonyong, gagabay sa iyo~"
"Pabalik sa langiiiittt~"
Palakas na palakas ang dinig ko sa kanta habang papalapit at papalapit kami.
"Habang tayo ay paakyat~"
"Ako'y napa ibiiiiiggg~"
"Sayoo~"
"Ohhhhh sayoo~"
Nang nakabalik kami ay tuluyan 'kong nakita si Kyle sa stage habang nakapikit at tila dinadama ang pagkanta. Nakahawak ang magkabilang kamay sa mikropono.
Halos mapanganga ako sa naririnig. Wala sa mukha niya na marunong pala siya'ng kumanta.
Grabe, Ang ganda ng boses niya.
Nakita ko ang deretso niyang pagtingin kay Angeli nang idinilat niya ang mga mata. Nagtaka naman ako nang makita si Angeli na nakatulala lang sa kawalan.
"Wooooooohhh! Grabe ka kumanta Kyle! Damang dama ko hanggang lagusan! HAHAHHAHAHAHHA!" Nangibabaw ang lakas ng boses at pagtawa ni bakla nang matapos itong kumanta.
Ngunit hindi ko magawang matawa dahil sa expression na meron sa mukha ni Kyle. Sobrang lungkot ng mata niya.
"Ano pa'ng dapat 'kong gawin Angeli?" Lahat ay napatahimik ng magsalita si Kyle sa mismong mikropono. Parang mababasag na ang boses niya 'pag magsalita pa siya. Nakita ko ang pangingilid ng luha niya dahil narin sa lapit namin sa stage.

YOU ARE READING
13 White Lies (ONGOING)
RomansaWould you hold my hand before my heart stops beating? Would you sing a song until my lungs gave in? Would you stay knowing what the truth is? Would you love me even if I can't longer exist? Can you say goodbye and lay by my side in bed? Can you?