A/N: THANK YOU FOR HEADING UP TO THE NEXT CHAPTER! I HOPE YOU WON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT FOR YOUR OPINIONS!
_______________________________________
"Grabe naman kayong mga babae! Ilang oras na tayo dito, hindi pa rin kayo nakakapili!" Inip na sabi ni Kyle habang nakaupo sa isang couch kasama kami.
Andito na kami sa isang sikat na brand ng boutique at naghahanap ng maisosoot sa Party.
Kanina pa 'ko naka pili ng saakin. Sadyang si Angeli na kasama si bakla na lang talaga ang hindi pa nakakapili. Halos makatulugan na nga namin ang paghihintay.
"Hep! Wala kang alam sa mga babae! Kaya wag kang magsasalita!" Ani ni Bakla kay Kyle.
"Alam mo Angeli, yung ganda mo sobra sobra, kaya kahit anong piliin mo babagay pa rin yun sayo" bagot na sabi ni Sarry na halos humandusay na sa couch sa inip.
"Oo nga Angeli, pero kung ako yung piliin mo, sigurado akong sobra pa sa bagay ang maitatawag dun." Banat na naman ni Kyle sabay kindat.
Muli na namang natigilan si Angeli at pumasok nalang ulit sa Dressing Room.
Tangina kasi, mag dadalawang oras na kami'ng naghihintay.
"Omg I love itttttt!"
Sabay sabay kaming napabuntong hininga at tumayo nang marinig ang malakas na tili ni Angeli.
"Hay salamat" halos sabay na sabi nila Sarry.
"Let's go na guys! I found the one na!" Sabi ni Angeli.
Sabay sabay kaming pumunta sa counter at binayaran ang kaniya kaniyang damit.
Pagkatapos namin doon ay gumala muna kami saglit bago napag desisyonang umuwi na.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil sa paghahabol ko sa practice.
"Cge Camille, mamaya nalang ulit. May klase pa ko e" Ani ni Fidelbien habang nakangiti.
"Cge, salamat a" sinuklian ko siya nang ngiti saka siya kumaway at umalis.
Si Fidel ang kasama ko sa tuwing nagpapractice. Siya ang pinartner sa akin. Hindi na naman ako nag ka problema dahil talagang magaling siya. 5th year na din siya. Gwapo pero may girlfriend na daw hehe.
Sa theater kami ngayon nag practice dahil naunahan na kami sa social Hall tapos sa music room.
"Vmmp! Vmmp!" Rinig at ramdam na tunog ng cellphone ko galing sa bag.
Unregistered Number.
"Hello?" Medyo alinlangan kong sabi nang sagutin Ito.
"Camille! Asan ka?" Rinig kong tanong sa kabilang linya.
"Dwight?" Kunot noo kong tanong.
"Ako nga, kamahalan" pilyong sagot nito.
Pano niya nakuha number ko?
Never siyang tumawag sakin. Ngayon lang.
"Anong kailangan mo?" Kunwari'y inip na tanong ko sa kabila ng pagtataka ko kung pano niya talaga nakuha ang number ko.
"Asan ka nga sabi"
"Bakit?" Tanong ko na naman at nagsimula nang tahakin ang daan papunta sa Cafeteria.
YOU ARE READING
13 White Lies (ONGOING)
RomantizmWould you hold my hand before my heart stops beating? Would you sing a song until my lungs gave in? Would you stay knowing what the truth is? Would you love me even if I can't longer exist? Can you say goodbye and lay by my side in bed? Can you?