CHAPTER 4

59 33 8
                                    

A/N: THANK YOU FOR HEADING UP TO THE NEXT CHAPTER! I HOPE YOU WON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT FOR YOUR OPINIONS!

_______________________________________

"e bakit di mo na e kwento kahapon?" Sabi ni Angeli pagkatapos 'kong ipaliwanag kung bakit umiksi ang buhok ko.

"Nakalimutan ko nga sabi" ulit ko na naman habang kumakain.

"May pa hand shake pa kayong nalalaman e magkakilala na naman pala kayo Esus!" Sabi naman ni bakla nang may nanunuksong tingin.

Uminit naman agad ang mukha ko at bumaling kay Dwight na naka tingin rin sakin. Naka ngiti pa.

"Alam mo namang napaka gentleman ni Dwight sa lahat ng babae diba" nanunuyang sabi naman ni Phoenix.

"Sabagay halata naman sa itinatrato niya sakin" parang napaisip na sabi ni bakla.

"Feeling babae ka rin ano?" Pambabara naman agad ni Kyle dito.

"Tamo! Tamo Angeli Faith! Wag ka sa lalaking may ganyang paguugali!" Sabi naman ni bakla habang naka baling ang ulo sa dereksiyon ni Angeli pero na kay Kyle ang paningin.

Nakita ko kung paano natigilan si Angeli sa pagkain at bahagyang pumula ang mukha.

"Wag ka magpapaniwala diyan Angeli! Alam mo kung gaano ako kabait! Tapos ka gwapo!" Protesta naman agad ni Kyle.

Natawa ako nang bahagya dahil sa bangayan nila.

Nakita ko namang lalong pumula ang mukha ni Angeli kaya pa simpleng yumuko at binilisang kumain.

"E kung ganun, bakit di ka pa sinasagot aber?" Mataray na tanong ni bakla kay Kyle.

Halatang biglang natigilan si Kyle sa sinabi ni bakla.

Ahh Kaya naman pala.
May nanliligaw tapos may nagpapakipot.

"Oh.. ahh... Baka magka pikonan na kayo niyan ah" awkward na sabi ni Sarry nang mapansin ang sitwasiyon.

"Ehem, siya nga pala. Anong strand kayo?" Tanong ko kila Dwight upang ma iba ang usapan.

Tumingin ako sa kanya ng itanong ko iyon.

"Naku gurl, Mga graduating na yang mga yan. Nakakalungkot nga e" agad namang hirit ni bakla.

"Oh? Bat naman nakaka lungkot? E diba may college naman dito sa DeeCav?" Tanong ko nang may kunot na noo.

" Meron nga! Pero ang tanong, dito ba sila mag aaral?" Sagot naman nito.

Tumingin ako kay Dwight nang may nagtatanong na tingin.

"Depende," Ani naman ni Phoenix.

"Anong depende ka diyan, wag ka na dito mag aral kuya! Mas may magandang kinabukasan ka sa ibang bansa!" Sabat naman ni Angeli. Nawala na siguro ang pagkailang niya kanina.

Wait. Ano daw? Kuya?

"Wait" pigil ko sa akmang pag protesta ni Phoenix sa sinabi ni Angeli.

"Mag ka ano-ano ba kayo?" Confused na tanong ko.

"Hello? Gurl? Nagpakilala na nga si Phoenix diba? Phoenix Cortez? Dzuh?" Maarteng sagot ni bakla sa tanong ko.

13 White Lies (ONGOING)Where stories live. Discover now