CHAPTER 5

69 32 7
                                    

A/N: THANK YOU FOR HEADING UP TO THE NEXT CHAPTER! I HOPE YOU WON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT FOR YOUR OPINIONS!

_______________________________________

"Camillee! Tara na!" rinig 'kong sigaw ni ate mula sa baba.

"Nandiyan na!" Pasigaw 'kong sagot habang binibilisang taposin ang pag tali sa sintas ng puti 'kong sneakers.

Nang matapos ay dali dali akong bumaba at tumungo sa labas.

Nang makita ako ni ate ay saka siya pumasok sa sasakyan. Sumunod na rin ako at pumasok sa back seat. Agad rin naman iyon pinaandar ni kuya Ronee.

Alas dyes na pala

"Camille, ikaw na bahala sa kotse'ng to pauwi ah. Total may lakad ka rin naman mamaya." Sabi ni ate na naka tingin sa akin sa pamamagitan ng rear view.

Malamya ko nalang itinaas-baba ang kilay bilang sagot.

Alam naman kasi nila na ayaw 'kong may minamaneho ng sariling sasakyan e.

Nag makarating sa pinupuntahang Car Accessories Store ay agad silang inasikaso habang ako naman ay umupo lang sa isang sala set doon at naghintay. Halos makatulugan ko ang paghihintay dahil sa sobrang tagal.

"Camille! Tara na!" Tawag sa akin ni ate nang maka balik.

Agad naman akong tumayo at pinuntahan sila.

"Nasa labas na yung bagong sasakyan" wika agad ni ate nang makalapit ako.

"Oh ayan" may biglang inihagis si kuya Ronee na agad ko namang nasalo.

Keys.

"Ingatan mo yan a. Saka nalang natin ipangalan sayo pag di na ulit kami busy ng ate mo" Sabi niya nang may malawak na ngiti.

May lumapit pang isang staff at kinausap sila ate. Nang matapos naman ay saka kami nagtungo sa labas.

"Tadaa! Maganda ba Camille?" Rinig 'kong Sabi ni kuya Ronee.

Tumambad sa amin ang isang gray na Chevy Tahoe. Ang ganda ngaa~

"Tara na! Gutom na 'ko e" Sabi ni ate sabay himas sa sariling tiyan.

Dumaretso kami sa malapit na mall nang magkahiwalay na sasakyan ang gamit. Kumain kami sa isang restaurant na napili ni ate.

Hindi kami nag tagal dahil may importanteng aasikasuhin talaga sila.

"Okay na 'ko dito. Cge na" ngiti ko sa kanila nang magdesisyon na silang umalis.

"Mag iingat ka ah. Umuwi ka muna bago ka pumunta sa lakad mo mamaya." Ani naman ni ate at bahagyang yumakap.
Nginitian naman ako ni kuya Ronee bago tuluyang umalis.

Mag aalas dos palang.

Nang ako nalang mag isa ay naglibot libot muna ako sa mall. Kumain ulit ako. Nag games. Bumili ng iilang shirts na hilig ko. Tapos kumain ulit. At nang mapagod ay umuwi din.

Pagdating ko sa bahay ay wala pa sila ate. Alas kwatro palang din naman kaya dumeretso muna ako sa kwarto ni Mamii, pero nadatnan ko itong natutulog kaya hindi na ako nag abalang gisingin pa at tumungo nalang sa sariling kwarto.

Humiga muna ako sa kama bago naisipang mamili ng sosootin para sa party mamaya.

Nang maka pili ng sosootin ay sakto namang nag text si Angeli na mag casual dress daw ako na sakto namang isang navy blue halter dress ang napili ko.

13 White Lies (ONGOING)Where stories live. Discover now