CHAPTER 2

103 45 9
                                    

A/N: THANK YOU FOR HEADING UP TO THE NEXT CHAPTER! I HOPE YOU WON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT FOR YOUR OPINIONS!

_______________________________________

Lutang pa rin akong nakatayo sa bukana ng classroom matapos niya akong ihatid. Mainit pa din ang aking mukha sa mga nangyari at sigurado akong pulang pula pa rin ako hanggang ngayon.
Bumalik lang ako sa aking ulirat ng may maka sagi sa braso ko at mapansing may pumasok na ring teacher.Tumungo ako sa bakanteng upuan na nasa hulihan katabi ng glass window.

"Well, so this is GAS- 1" ngiting bungad ng isang mestisang magandang babae. Hindi masyadong matangkad at mukhang dalaga pa. Sa unang tingin mo palang ay masasabi mo nang may lahi dahil sa singkit nitong mga mata na halos hindi na makita dahil sa matamis niyang ngiti.

"I'm Miss Pearly Min Cua. I'm your Class adviser for your whole school year" naka ngiti pa rin niyang iginala ang paningin sa buong klase.

Nag pa tuloy pa rin si Miss Cua sa pagsasalita ngunit wala na akong maintindihan dahil nagsimula na namang lumutang ang isip ko dahil sa katangahang nangyari kanina.

Leche. Ano na Lang ang sasabihin niya? Na Ang green minded ko? Ugh!

Kahit iniisip ko lang ay nahihiya pa din ako. Kaya ibinaling ko na lang ang aking atensiyon kay Miss Cua na nagsasalita pa rin hanggang ngayon. Tungkol sa mga rules lang naman ang pinagsasabi niya kasi first day palang daw. Nakikipag biruan pa paminsan minsan. Ibinigay rin agad sa amin ang kaniya kaniyang susi sa locker.

"By the way, for those who don't have their uniforms yet, it's okay na mag casual muna. But next Monday kailangang naka uniform na kayo. Okay? The Formal Class will start tomorrow pa. So, I'll end it here so that some of you can make new friends or check out the other parts of the campus. Enjoy!" Aniya ng hindi nawawala ang ngiti at saka lumabas.

Malapit nang mag lunch time. Nag dalawang isip pa akong lumabas dahil nakatali ang buhok ko nang mababa gamit ang panyo ng ugok na yon. Para daw matakpan yung ginupitan niya. Sa huli ay nanalo ang gutom ko Kaya napagdesisyonan kong lumabas at pumunta ng canteen.

Alam ko naman kung nasaan ang canteen dahil nadaanan namin Ito kanina. Pero mukhang di lang canteen ang dapat itawag dito. Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan nito. Ang lawak. Madami dami na rin ang studyanteng kumakain nang dumating ako.

"Uyy Camille!" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot sa paningin ko si Sarry at ang isa pang babaeng at bakla na kasama niya.

"Ah! Ikaw pala!" Babaeng 'to oh. Hindi ata nauubusan ng energy sa katawan. Isang galon ata ng getorade sa isang araw ang tinutungga.

"Wala kang kasabay, Kaya tara sumabay ka na samin!" Ay ampota sure na sure. Makapulupot rin ng kamay parang pwedeng I pang twist.

"Ito nga pala si Angeli. Ang pinakamatalino kong kaibigan!" Pagharap niya sakin ng kasama niyang babae.

"Hi! Yes I'm Angeli Faith Cortez! But I'm not matalino noh! Maganda lang huahuahua!" Tanginang tawa yan. Totoo naman, maganda siya. Makakapal ang kilay at pilik mata na aakalain mong eye liner. May lahi ata dahil sa pagsasalita.

"Tapos yung mas maganda. Quinn Valdez. But call me Quinny nalang!" Agaw mung kasama nilang bakla sa kamay ko kay Angeli.

" Hoy Roberto Lurio Adellidos hindi tatalab yang pa quinny quinny mo! HAHAHHAHAHHAA!" Tawa naman ni Sarry habang nakaturo sa bakla.

13 White Lies (ONGOING)Where stories live. Discover now