Karmina's POV
"Ikaw?!" sigaw nito sa harapan ko.
"Hoy! Kung maka-sigaw ka parang malayo yung kausap mo ah!" sigaw din ni Lourdes sa babaeng kaharap namin.
"K-krystal?" nauutal na saad ko.
"Ano?! Ikaw si Krystal?!" gulat na bulalas ni Lourdes.
"Oh? Hanggang dito ba naman sa University na'to sikat ako?" sarkastikong saad nito.
"Aba't—"
"Eh kaka-enroll ko palang may nakakakilala na agad sakin?" mayabang na saad nito.
"Bueno! Mauna na ako sa inyong dalawa" dugtong nito pero bago ito umalis ay tumigil ito sa tabihan ko.
"Nahawakan nanaman kita, baka malasin o karmahin ako pag uwi ko. At dahil ikaw ang una kong nakita sa school na'to, ikaw nanaman ang mapapagtripan ko be re—"
"Hoy! Anong binubulong-bulong mo sa kaibigan ko?!" sita ni Lourdes kay Krystal.
"Nagpa-paalam lang ako ng maayos sa kaibigan mo na mag iingat siya, palagi" she said as she emphasized the word 'palagi'. Napabuntong-hininga na lamang ako, mukhang hindi magiging maganda ang college days ko. Matapos ng sinabi ni Krystal ay agad na din itong umalis, ganon din kami ni Lourdes at mag hahapon na din.
"Ano na namang sinabi sayo nung si Tala nayon?" litanya agad ni Lourdes pagka-pasok na pagka-pasok namin sa loob ng boarding house.
"Wala, kinamusta nya lang ako" pag sisinungaling ko.
"Kinamusta nya lang ako" pang-gagaya nito sa tono ng pananalita ko.
"Tigil tigilan mo nga ako, Karmina!. Ang sabihin mo, pinagbantaan ka niya kamo" saad nito na siyang ikinagulat ko.
"Oh tignan mo 'to, mag sisinungaling na nga lang halatang-halata pa" inis na sambit nito sa harapan ko.
"Nagulat lang ako kase alam na alam mo yung sinabi sa akin nung tao" paliwanag ko sa kanya.
"Eh paanong hindi ko malalaman eh sa hilatsa palang ng pag mukha ng babaeng 'yon, alam mo nang may masamang balak" galit na saad nito habang nag tatanggal ng sapatos.
"Sorry na, mas nakakatakot ka pa kase kesa kay Krystal" nahihiyang paliwanag ko na siyang ikinatigil niya ng pag tatanggal ng medyas.
"Ikaw naman kase! Pag si Tala na yung usapan, mag sabi ka agad ng totoo hindi yung magagalit pa ako" medyo kalmado niyang paliwanag sa akin na siyang ikina-tango ko na lamang. Matapos namin mag usap ay nag luto na agad si Lourdes ng pang hapunan namin, habang ako naman ang nag lalaba ng mga uniporme namin para may maisuot agad kami sa isang araw.
"Karmina! Hoy babae kakain na!" hiyaw ni Lourdes.
"Oo papunta na! Isang damit nalang ang isasampay ko" tugon ko sa kaniya habang tinatapos ang isang damit na isasampay ko. Matapos kong isampay yung huling damit ay nag madali na akong pumasok at pumunta sa kusina.
"Bukas lilipat na tayo sa bagong building. Mag sisimula na yung second sem, agahan natin yung gising para mas madali natin mahanap ang bagong schedules natin" paalala ni Lourdes habang nagse-serve sya ng pagkain. Tumango na lamang ako bilang tugon at nag simula nang kumain.
•Kinaumagahan•
Gaya nang napag-usapan ay inagahan nga namin ni Lourdes ang pag pasok, kokonti pa ang mga estudyante gaya nang inaasahan. Habang nag lalakad kami papsok ng University ay agad naman naagaw nang atensyon ko ang isang classroom na halatang hindi na ginagamit.
"Karmina dalian mo, pumunta na tayo sa may bulletin board" hila sakin ni Lourdes.
Nang makarating kami sa may bulletin board ay agad ko nang nakita yung schedule ko.
"Karmina punta muna ako sa unang klase ko, ikaw ba?" saad ni Lourdes.
"Mamaya pang 10 ang klase ko, mag-iikot ikot muna ako sandali" paalam ko dito.
"Siya magkita na lamang tayo by lunch mamaya sa canteen" nag mamadaling paalam nito. Tinanguan ko na lamang siya at agad na din kaming nag hiwalay dalawa.
Wala akong ibang maisip na lugar kung hindi yung abandonadong classroom na nadaanan namin kanina malapit sa gate one. Tahimik kong pinasok ang classroom at nakita kong may mga ilang libro, isang mahabang table at ilang mga upuan dito. Baka lumang meeting room lang 'to. Nag libot-libot pa ako at may nakita akong divan na may laman na sira-sira nang walis at dustpan.
"Ano bang oras na?" takang tanong ko sa sarili ko. I immediately checked my wrist watch, 8:34 palang naman at wala din akong balak mag ikot ng sobra. So nag come-up nalang ako sa idea na imisin ang lugar na 'to para naman may matatambayan na kami ni Lourdes everytime na may vacant kami. Kinuha ko yung dustpan at walis at nagsimula nang walisin yung unahan na part ng room. Actually hindi sya ganung kadumi, yung classroom. Pero since may konti pa ding gabok at mga sapot sa ceiling, lilinisin ko na din. Nang malapit na ako sa may parteng lamesa agad akong nakarinig ng pagkaluskos mula sa ilalim nito. Nakakapag taka man pero sinilip ko kung ano yung pinanggalingan ng kaluskos.
"Pink polka dots?" saad ng isang lalaki na siyang nakatitig ngayon sa harapan ko. Agad nag sink in sa utak ko ang tinutukoy niyang pink na polka dots. Unti-unti kong naramdaman ang pag akyat ng mainit na temperatura sa mukha, kasabay nito ang siyang mabilis na pag pintig ng puso ko.
'P-pink p-polka dots?' paulit-ulit na parang sirang plaka kung tumakbo iyon sa utak ko.
"Hello there, salamat sa pag tatapon mo ng gabok sa tinutulugan —"
"YAHHHHHHHHHHHH!!!"

BINABASA MO ANG
Karma Karmina
Teen Fiction"Karmina Acubera na kilala bilang alyas 'Karma', isang babaeng may hindi pang-karaniwang awra". Ito ang pagka-kakilala sa akin ng mga tao sa paligid ko, dahil lamang sa isang insidente na nangyare noong bata palang ako. Nang dahil sa isang hindi si...