Third Person's POV
"Sige pumapayag na ako" pag sang-ayon ni Clyde sa dalaga.
"Talag--"
"Pero sa isang kundisyon" putol ni Clyde sa dapat na sasabihin ni Karmina.
"Ha? Bakit may kundisyon" takang tanong ni Karmina sa binata.
"Ayaw mong maka-pasa?" mapang-asar na tanong nito.
"Gusto syempre!" desididong sagot ni Karmina.
"Kapag hindi ikaw ang may pinaka-mataas na record sa sayaw na 'to, you will give this place to me" seryosong saad ni Clyde. Agad gumuhit ang gulat at lungkot sa mga mata ni Karmina sa nalaman.
"H-hindi ko alam kung k-kaya ko" nauutal na sagot ni Karmina.
"Then, okay lang sayo na i-give up ang lugar na 'to" saad ni Clyde na siyang lalong ikinalungkot ni Karmina.
"Wala na bang ibang choice?" nag babaka-sakaling tanong ni Karmina kay Clyde.
"Take it or Leave it" hamon nito sa dalaga. Hindi naka-ligtas sa mga mata ni Clyde ang pag kuyom ng kamao ni Karmina, palihim itong napa-ngiti dahil sa reaksyon ng dalaga.
"Take it!" matapang na sagot ni Karmina. Agad na tumayo sa kinauupan niya si Karmina at ibinaba nito ang sling bag niya sa mono block.
"Anong ginagawa mo?" nag-tatakang tanong ni Clyde dito.
"Tutal nandito nalang din naman tayo, P.E ang subject nyo ngayon diba?. Wala akong pasok ngayon at tamang-tama ang pag punta ko sa school para sa practice na ito" sagot ni Karmina dito kahit wala siyang alam kung tunay nga bang maalam sumayaw ng Waltz ang binata. Napa-iling na lamang ang binata sa ideyang naisip ng dalaga.
"Tulungan mo akong itabi lahat ng mga upuan at lamesa para maging spacious naman yung pag pa-praktisan natin" sinuggest ni Karmina kay Clyde na siyang ikinakibit-balikat na lamang nito. Pinag-tulungan nilang iipod ang mga upuan at lamesa gaya ng napag-kasunduan.
"So ayan, okay na. Anong first step?" tanong ni Karmina.
"Okay, lapit ka sakin" aya ng binata sa dalaga, agad naman itong lumapit. Ipinuwesto ni Clyde ang kanang kamay niya sa likuran ni Karmina at yung kaliwang kamay naman nito ang sa kanang kamay ni Karmina.
"I'll step forward with my Left foot while you step back with your right foot" saad ni Clyde kay Karmina at agad naman itong tumango bilang tugon.
"on the count of three. One, two, three step"
"ARAY!" agad na reklamo ni Clyde.Kauna-unahang step pa lamang ang naituturo nito sa dalaga pero nag ka-mali na agad ito.
"Hala sorry!" agad na paumanhin ni Karmina dito.
"Sabi ko forward left ako at ikaw ang back right, bakit ka nag forward right?!" inis na saad ng binata. Napatungo na lamang ang dalaga dahil sa kahihiyang nagawa nito.
"Pasensya na, hindi na mauulit" malungkot na sagot ni Karmina. Agad na nawala ang inis ni Clyde at agad na napalitan ng gulat, nasigawan niya ang dalaga.
"Fine, come here simulan ulit natin sa umpisa" aya ng binata kay Karmina.
Nagsimula ulit sila sa umpisa gaya ng napag-usapan, unti-unting natuto si Karmina sa mga basic steps na itinuro sa kanya ni Clyde.
Karmina's POV
"Waahhhh nakakapagod naman 'yon" saad ko sa katabi ko.
"Ikaw pa talaga ang napagod?. Kung pagod ka na ng lagay na yan, ano namang tawag mo sakin na pagod na kaka-turo at kaka-tanggap ng yapak?" bored na sagot ni Clyde habang hinihilot nito ang mga paa nito.
"Hehehe. Bibili muna ako ng pagkain sa labas ng school" paalam ko dito at tinanguan nalamang niya ako bilang tugon.
Mabilis lamang akong naka-bili ng pagkain dito sa labas ng school kase malapit lang ang mga tindahan lalo na dito sa may gate one.
"Clyde eto na ang...pagkain mo" agad kong nilapitan ang mahimbing na natutulog na si Clyde. Tinabihan ko ito at saka pinunasan ang pawis nito, sobrang napagod nga ata.
Napahikab na lamang ako dahil siguro sa pagod din, napa-tingin na lamang ako sa mga pagkain na binili ko. Hindi masayang kumain ng walang kasabay kaya siguro aantayin ko nalang si Clyde magising.
Clyde's POV
Naalimpungatan ako dahil sa init na meron sa loob ng classroom. Agad akong napalingon sa babaeng natutulog sa tabi ko, tinitigan ko siya sandali pero hindi ko inaasahan na bigla siyang lilingon sa gawi ko sanhi para mapasandal siya sa balikat ko. I tried not to move an inch at baka magising pa siya. Lumipas pa ang ilang minuto nang ganoon pa din ang posisyon naming dalawa.
"KABAYO!" sigaw ni Karmina na ikina-gulat ko din ng sobra. Hingal na hingal ito pag ka-gising, agad naman akong nag tulog-tulugan.
"Hala! Tulog pa pala si Clyde, napaka-ingay ko talaga" bulong na saad nito at narinig ko pa siyang tinapik ang sarili niyang bibig.
"Gigisingin ko ba siya?" tanong nito sa sarili. Agad kong narinig na kumalam ang tiyan niya.
'pfft!' pigil na tawa ko.
"Gutom na ako eh, gi-gisingin ko na ba siya?" kausap nanaman niya sa sarili niya. Kumalam nanaman ang tiyan niya sa ikalawang pagka-kataon at malapit na talaga akong matawa ng sobra, kaya naisipan ko nang mag kunyaring kaka-gising ko lang.
"H-hi? Nagising ka ba dahil sa ingay ko?" tanong agad nito sa akin, pasimple kong kinusot ang mga mata ko. Para saan pa at naging best actor ako last year sa theater play namin?.
"Gutom na ako, kanina pa kitang iniintay" pag si-sinungaling ko dito.
"A-asan nga ba? Ah! Eto oh, pasensya na at yan lang ang nakayanan ng budget ko. Masyado kasing biglaan itong practice natin eh pamasahe at extrang pera lang yung dala ko" paliwanag niya. Akmang tatayo na sana ako nang bigla niya akong pigilan.
"S-saan ka pupunta?" takang tanong nito.
"Bibili ng pagkain, hindi ako mabubusog diyan sa binili mo" walang ganang saad ko dito.
"A-ah ganun ba? Sige, i-ingat ka" saad nito sabay tago sa likuran niya ng mga chi-chiryang binili niya.
Agad kong nilisan ang lugar at nag tungo sa naka-parada kong kotse sa parking lot sa labas ng gate one. Agad akong pumunta sa isa sa mga fast-food chain na malapit dito sa school para bumili ng makakain naming dalawa. Matapos kong makabili ng pagkain ay agad na akong nag tungo sa may school para balikan si Karmina.
"Karmina..." naputol na lamang ang sasabihin ko dahil wala na akong na-abutang Karmina sa loob ng room 001.
"Nasaan na 'yon?" bulong ko, agad namang nahagip ng mata ko ang isang scratch na may naka-patong na bote ng softdrinks.
Hi kung nababasa mo na 'to sa mga oras na 'to ibig sabihin lang nun na wala na ako.
Pasensya na sa abala, hindi ka tuloy naka-pasok sa sunod mong klase.
Salamat din sa pag-tuturo mo sakin ng basic steps, nag-enjoy ako.Agad akong napa-sabunot sa buhok ko dahil nag sink in na sakin yung nangyari kanina. Tsk! Clyde naman, minsan kase gamitin ang puso at damdamin wag palagi ang utak!.
![](https://img.wattpad.com/cover/221251894-288-k487161.jpg)
BINABASA MO ANG
Karma Karmina
Teen Fiction"Karmina Acubera na kilala bilang alyas 'Karma', isang babaeng may hindi pang-karaniwang awra". Ito ang pagka-kakilala sa akin ng mga tao sa paligid ko, dahil lamang sa isang insidente na nangyare noong bata palang ako. Nang dahil sa isang hindi si...