K3

82 53 20
                                    

Karmina’s POV

“Pink polka dots?” saad ng isang lalaki na siyang nakatitig ngayon sa harapan ko. Agad nag sink in sa utak ko ang tinutukoy niyang pink na polka dots. Unti-unti kong naramdaman ang pag akyat ng mainit na temperatura sa mukha, kasabay nito ang siyang mabilis na pag pintig ng puso ko.

‘P-pink p-polka dots?’ paulit-ulit na parang sirang plaka kung tumakbo iyon sa utak ko.

“Hello there, salamat sa pag tatapon mo ng gabok sa tinutulugan —“

“YAHHHHHHHHHHHH!!!”

“Hey Miss!” tawag nito sa akin na siyang ikinatigil ko naman sa pag sigaw.

“M-m-manyak ka!” kinakabahang akusa ko dito.

“Miss pwede bang kumalma ka muna sandali?, pakinggan mo muna yung sasabihin ko” naiinis na paki-usap nito na siyang lalo ko pang ikinabahala pero sinunod ko din naman ang gusto niya. Napa-urong ako nang makita ko siyang lumalabas mula sa ilalim ng lamesa. Pero matapos niyang lumabas ay umupo lamang siya ng prente sa harapan ko at nag tanggal ng gabok na napunta sa buhok niya. Agad ko naman siyang nilapitan para tulungan mag tanggal dahil nakokonsensya din naman ako kahit papaano.

“Anong ginagawa mo?” sita niya na siyang ikina-gulat ko. Hindi ko alam pero doon ko lamang napansin yung mga bilugan niyang mata na nakakalunod dahil sa sobrang itim ng kulay.

“Hey” sita ulit nito na siyang ikinagulat ko nanaman. Napatingin ako sa posisyon naming dalawa at agad ko na namang naramdaman ang init ng mga pisngi ko. This is so awkward!.

“Ah eh ano —“ bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla nalang siyang tumayo sanhi para mapa-urong ako ng konti.

“About the pink polka dots, don’t worry about it” saad nito habang pinapag-pagan ang likuran niya.

“H-ha?” nauutal-utal na tanong ko.

“Hindi ka naman nga siguro naka-pink na polka dots diba? Saka wala naman talaga akong nakita, not unless tama yung hula ko. Ciao!” matapos niyang pag-pagan ang sarili niya ay agad na din nitong nilisan ang lugar.

Pasimple kong tinignan ang suot kong shorts at hindi nga ito pink at polka dots, napa-buntong hininga na lamang ako sa inasal ko kanina. Napatingin na din ako sa relo ko, malapit na palang mag 9. Agad ko munang dinakot ang mga gabok na naipon ko bago ko nilisan ang lugar.

fast forward

Hapon at labasan nang mapag-pasyahan kong ikwento kay Lourdes ang nangyare kaninang umaga. Kahit siya ay tawang-tawa din sa kahihiyang ginawa ko.

“Eh sino kaya yung guy?” patungkol niya sa lalaking naka-usap ko kanina. Napa-kibit balikat na lamang ako bilang tugon.

Bago kami lumabas ng school ni Lourdes ay dumaan muna kami saglit sa classroom na nakita ko kanina. Kahit siya ay nagulat dahil napaka-imposible nga naman na wala nang gumagamit ng classroom na iyon. Bago namin nilisan ang school, sakto namang dumaan ang personal assistant ng school principal na siyang nag aasikaso ng mga scholarship requirements para sa mga katulad namin. Hindi na din kami nag aksaya ni Lourdes ng oras at agad na din kaming nag tanong kung may gumagamit pa ba ng classroom na iyon.

“Wala nang gumagamit ng classroom na ‘yon simula nung matapos ang huling school festival five years ago” sagot ni Ms. Fontelara.

“Pwede po ba kaming maka-hingi ng permiso na magamit yung classroom?” lakas-loob na tanong ko.

“I’m afraid we need to continue this tomorrow, nag mamadali kase ako and i’ll try to get a permission to the principal whatever your reason is” masayang sagot ni Ms. Fontelara.

Inintay muna namin na maka-alis si Ms. Fontelara sa school bago namin naisipan na umalis na din. Napag-desisyunan din namin ni Lourdes na bilhan ang classroom na yon ng pang dekorasyon at padlock bago umuwi ng bahay.

kinaumagahan

Maaga akong pumasok at agad kong tinungo ang (principal’s) office ni Mrs. Figuracin, naro-roon din kase ang desk ni Ms. Fontelara. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

“Yes?” tugon ni Ms. Fontelara habang busy ito sa pag ti-tipa sa kanyang laptop.

“Good morning, Ms. Fontelara and Mrs. Figuracin” bati ko sa mga ito.

“Oh! Ikaw pala yan, Karmina” gulat na sad ni Mrs. Figuracin, agad naman na napatingin sa gawi ko si Ms. Fontelara para siguro kumpirmahin kung sinong pumasok.

“Ay! Yes, Ma’am. Yun pong nabanggit ko sa inyo kahapon about sa dating room 001 na idi-discuss sa inyo ni Karmina” saad ni Ms. Fontelara kay Mrs. Figuracin.

“Ohh, sige upo ka” naka-ngiting paanyaya nito sa akin. Agad naman akong umupo sa upuan na nasa harapan niya.

“Anong balak mong gawin sa room 001?” panimulang tanong ni Mrs. Figuracin.

“Sayang po kase kung hahayaan at iintayin nalang din po natin itong masira for demolish” sagot ko na siyang ikina-tango ni Mrs. Figuracin.

“Why not make a better use of it po. Like, gagawa or sasali po kami sa club para po kapag may mga activities or events ang school na kailangan ng participation ng clubs, willing po kaming sumali bilang bagong club” paliwanag ko kay Mrs. Figuracin. Sandali akong kinabahan at napa-isip kung tama ba ang mga pinag sasabi ko sa harap ng principal.

“What would be the name of your club then?” masayang tanong ni Mrs. Figuracin na siyang ikinagulat ko, so ibig sabihin pumapayag na si Ma’am?.

“Pag-iisipan po muna namin—“

“Wait! namin?, sino pa yung isa?” putol sa akin ni Mrs. Figuracin.

“Yung isa nyo pang scholar Ma’am, si Lourdes” masayang tugon ni Ms. Fontelara na siyang ikina-tango naman ni Mrs. Figuracin.

“Very well then, saka nalng natin ipo-post sa bulletin board ang magiging club ninyo kapag natapos ka nang mag-recruit ng atleast 10 members” saad ni Mrs. Figuracin na siyang ikinatuwa ko.

“Maraming salamat po!” masayang tugon ko.

Matapos nang pag punta ko sa office ay agad na akong dumiretso sa unang klase ko ngayong araw. Nang makarating ako sa una kong klase ay agad akong umupo sa gitnang likod na parte ng classroom. Tahimik lang napuno ang classroom bago dumating ang professor namin.

“Ms. Acubera” kauna-unahang tawag ng professor namin sa apelyido ko.

“Present!” nahihiyang sambit ko.

“Ms. Aligada?” sunod na tawag ng professor namin na siyang ikinatigil ko.

“Present, Sir!” agad na sambit ng isang pamilyar na boses na siyang hinanap ko kung saan nanggaling.

‘Looking for me?’ bulong na saad ng isang babae na dumaan sa tabihan ko. Agad kong nilingon kung sino yung nag salita at hindi ako nag kamali, si Krystal nanaman.

Karma KarminaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon