K8

57 40 49
                                    

Karmina's POV

Isang linggo na ang lumipas at sinadya ko talagang hindi na mag pakita pa kay Clyde. Ewan ko din, hindi naman nya ako hinahanap kaya hindi na din ako nag hahanap pa.

'Bakit ba parang palagi ang disappointed pag si Clyde na yung usapan?', asar na saad ko sa sarili ko. Aaminin kong nasaktan ako sa naging reaksyon niya last time kaya ayun, napaka-madamdamin ko pa manding tao.

Nakita kong papalapit sa gawi ko si Krystal at ngiting tagumpay ang bungad nito sa akin. Hindi ko pa din nakakalimutan ang ginawa nya sa akin nung huli naming pagki-kita ni Clyde.


Flashback

Nalulungkot pa din ako sa naging reaksyon ni Clyde kanina pero kahit ganoon ang nangyari, ini-intay ko pa din ang pag dating niya.

"Sana naman nakuntento kana" agad akong napa-balikwas at napa-tingin sa nag salita, si Krystal.

"A-anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ko dito.

"Talagang pumasok ka pa sa school para lang landiin si Clyde? Sa pagkaka-alam ko eh wala tayong klase ngayong araw" mataray na saad nito.

"Hindi ko nilalandi si Clyde!" inis na sagot ko dito.

"Ahhh? At ngayon maalam ka nang sumagot?" matapang na tanong nito na siyang lalo kong ikina-takot. Agad niya akong nilapitan at hindi agad ako naka-galaw. Tinitigan niya muna ako na para bang kinikilatis nito ang bawat anggulo ng mukha ko. Saglit akong nahugutan ng hininga dahil sa pag lalagay niya ng mga laylay kong buhok sa gilid ng tenga ko. Matapos niyang gawin iyon ay agad naman niyang inilapit ang mukha niya para may ibinulong.

"Back off or i'll ruin your life instead" saad nito bago iwinagay-way sa harapan ko yung brown envelop na iniwan ko sa guard.

"Amina yan!" agaw ko sa kaniya na agad ko namang nakuha.

"Go! Ayaw mo naman sigurong may gawin pa ako sayo like, baka gusto mong pwersahin pa kita palabas?" pag babanta nito. Hindi na ako nag-atubili pa at agad lumabas ng room 001.

Present Day


"Hi Karmina, goodluck sa performance mo bukas. Nasaan na ba yung ka-partner mo? Ano ba yan lahat nalang iniwan ka" pangungutya ni Krystal sakin.

"Tabi makiki-daan" singit ni Kyle sa pagitan namin ni Krystal.

"Ano ba? Ang laki laki nang daanan, dito pa talaga sa gitna namin? Kita mo namang may nag uusap eh" iritang saad nito kay Kyle.

"Sino ka para sabihan ako kung saan dadaan?" parang nag hahamon na tanong ni Kyle kay Krystal, napa-urong naman ito sa itinuran ni Kyle.

"Sino bang kinakausap mo? Sarili mo?. Saka sayo ba 'tong daanan?" dugtong pa nito.

"S-sige na! P-pwede ka nang dumaan. A-ang dami mo pang s-sinasabi" nauutal na sagot ni Krystal. Mabilis naman akong nilingon ni Kyle para kindatan, ginantihan ko naman siya ng ngiti at nagpa-salamat.

"Oh! Anong ngini-ngiti ngi—"

"At nga pala Karms!" putol ni Kyle sa sinasabi ni Krystal. Hindi nakaligtas sa mga mata ako ang mapang-asar na tingin ni Kyle sa naiinis na si Krystal.

"May nag hahanap sayo" dugtong ni Kyle bago umalis, napa-isip ako kung sino ang nag hahanap sakin.

"Si Clyde kaya yon?" bulong ko sa sarili ko pero hindi ko inaasahan na maririnig iyon ni Krystal

"Si Clyde?!" exaggerated na sagot ni Krystal.

"H-ha?" nauutal-utal na tanong ko dito. Naguguluhan pa din ako, bakit naman ako ipapatawag ni Clyde kay Kyle, magka-kilala ba sila?. Sandali kong tinignan si Krystal at nag taka sa naging reaksyon nito. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang masamang tingin na iginawad ni Krystal.

"Sige, mauna na ako Krystal" paalam ko kay Krystal. Tatayo na sana ako nang bigla akong pigilan nito.

"Don't you dare!" bulong nito sa akin pero tumuloy pa din ako.

"Hindi mo naman siguro mamasamain kung lalabas ako para kumain" ismid na sagot ko dito na siyang ikinagulat mismo namin parehas, pero hindi ko ipinahalata sa kanya. Agad na akong tumayo at kinuha ang bag ko, sinigurado kong pupunta talaga ako sa canteen dahil bukod sa yun yung reason ko kung bakit ako lumabas eh hindi ko na din alam yung pwede kong idahilan kay Krystal. Agad akong bumili ng pwede kong kainin dito sa Canteen at humanap ng pwesto na pwedeng ma-upuan. Sa gitna ng katahimikan ko sa pagkain ng mga binili ko, agad na may naki-upo sa harapan ko.

"I knew you would come here" gulat niya sakin.

"B-bakit ka nandidito a-akala ko—"


Krystal's POV

Agad akong nag madaling puntahan si Clyde sa room 001, paano ko nalaman na doon siya napunta? Simple lang, minsan ko na silang nakita doon ni Karmina na nagpa-practice last week, tsk!. Mabuti na lamang at hindi na iyon nasundan pa dahil sa ginawa ko. Nang masiguro kong nag punta nga si Karmina sa Canteen. Halos takbuhin ko na ang room 001 dahil sa sobrang layo nito sa department namin. Nang makarating ako doon ay agad akong nagulat dahil sa naka-bukas pala ito, walang tao.

"May tao ba dito?" nag babaka-sakaling tanong ko.


Someone's POV

I watched her all day, practicing alone. Nandito kami ngayon sa may gymnasium malapit sa building namin. Gusto ko sana siyang lapitan kaso baka ayaw naman niya akong makita. Natapos na siya sa pag pa-practice at agad na siyang pumunta sa klase. Nandidito pa din ako sa dati kong pwesto mga dalawampung metro na ang layo mula sa pinasukan niyang klase sa second floor.

"Karmina... Karmina" bulong na saad ko sa sarili ko.

"Hey! You!" tawag ko sa babaeng paakyat na sana sa hagdan, tinaasan niya lamang ako ng kilay bilang tugon.

"Pasabi kay Karmina na hinahanap ko siya" saad ko dito, napa-kibit balikat na lamang yung babae bago tumuloy sa pag akyat. Nang maka-alis na yung babae ay agad akong humiga sa pwesto ko, matagal-tagal pa akong mag-iintay kung iintayin kong matapos ang klase ni Karmina kaya naisipan ko munang matulog.

Saglit akong nakatulog dito sa kinatatayuan ko at nagising na lamang sa ingay ng mga estudyante mula sa building namin. Agad akong napa-bangon para mag ikot-ikot malapit sa building namin. Makalipas ang ilang minuto ay agad kong nakita si Karmina na papasok sa Canteen. Agad ko naman siyang sinundan papasok sa loob at hinanap kung saan naka-pwesto.

Karma KarminaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon