K9

62 38 30
                                    

Karmina's POV

"B-bakit ka nandidito, a-akala ko -- Teka, sino ka nga ulit?" takang tanong ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Agad kaming nagulat lahat sa malakas niyang pag halakhak, as in ume-echo yung tawa niya sa buong Canteen.

'Sino ba 'to?' takang tanong ko sa sarili ko.

"h-huy tama na, nakaka-agaw tayo ng atensyon ng ibang tao" suway ko dito, agad namang humupa ang pag tawa niya at agad akong nginitian.

"Akala ko kilala mo na ako" dismayadong saad nito, napa-'huh' na lamang ako at wala talaga akong nai-intindihan sa nangyayare.

"I'm Winston. Winston Buenafuerte, partner mo sa P.E rhythmic dance" pakilala nito sabay abot ng kamay niya. Agad ko namang tinanggap 'yon at hinila siya papalapit sa akin at marahang sinapok sa ulo. Matapos kong gawin yon ay agad ko namang binitawan ang kamay niya, umayos ulit ako sa pagkaka-upo at bahagyang tumungo.

"Saan ka ba nanggaling?" naluluhang tanong ko dito habang pinipigilan ang sarili na wag mag-crack ang boses.

"T-teka! u-umiiyak ka ba?" kinakabahang tanong nito, agad naman akong umiling bilang tugon pero hindi ko na namamalayan na sunod-sunod na ang luha na pumapatak sa mga mata ko.

"Hey, I'm sorry. Hindi naman intentional yung hindi ko pag-papakita sayo or kahit yung sa hindi ko pag-attend ng klase" paliwanag nito na siyang tango lamang ang nai-tugon ko. I immediately wiped my tears away and smile in front of him.

"Okay lang, gusto mo bang mag practice tayo mamaya?" alok ko dito na siyang ikina-tango naman niya.

"Kumain kana ba? Gusto mo share tayo?" alok ko ulit dito, tanging ngiti lamang ang iginanti nito sa akin sabay tayo at lipat ng pwesto sa tabihan ko.

"Kanina pa talaga akong nagugutom, hehehe. Salamat sa pagkain" saad nito na siyang ikina-iling at ikina-ngiti ko.


*Fast Forward*

Nandito kami ngayon ni Winston sa gymnasium, wala namang tao tapos malapit din naman sa building namin kaya dito nalang namin maisipan mag practice.

"Turuan mo nga ako kung paano ang simula" saad ni Winston. Agad nag balik sa ala-ala ko yung araw na ganitong-ganito din ako kay Clyde.

'Iniisip mo nanaman yung tao! Focus Karmina or else para kana din nag-patalo kay Krystal at para mo na din isinuko yung grades at room 001 kay Clyde' kausap ko sa sarili ko. I shooed my thoughts away and start teaching Winston the basic steps.

"So, first step yung left foot mo ang ifo-forward mo while step back naman yung right foot ko, game?" tumango naman agad siya bilang tugon.

"On the count of three. One, two, three go" I stepped back using my right foot and he stepped forward with his left foot. Titigil na sana kamipara sa next step pero itinuloy-tuloy nya lamang ang pag sasayaw, mabuti na lamang at nasusundan ko yung pag sayaw niya.

"Hey? Akala ko ba mag papaturo ka?. How come na alam mo na yung step?" bulong na tanong ko dito dahil malapit na yung mukha ko sa kaliwang balikat niya.

"Just dance, Karmina. Just dance" malumanay na saad nito sa akin at sinunod ko nga ang sinabi niya.

"Close your eyes and let me guide your steps" utos nito sa akin na siyang ginawa ko agad. Hindi ako maka-paniwalang napaka-dali palang sayawin ng waltz kapag medyo kabisado mo na at kapag may nag gu-guide sayo sa susunod na step.

Tumigil na kami sa pag sasayaw at saka ko lang din iminulat ang mga mata ko. Doon ko nakita ang naka-ngiti niyang mukha, I smiled back at him. Agad akong napa-pitlag nang mapansin kong maraming tao ang nanunuod sa amin at lahat sila'y biglang nag palakpakan na para bang iniintay talaga nilang matapos ang sayaw. 

"Nakakahiya" bulong na saad ko sa kuma-kaway na si Winston.

"At least na-enjoy mo to the point na hindi mo namalayan na may tao na palang nakiki-nuod sa atin and take note, tumagal 'yon ng five minutes" saad nito na siyang ikina-nganga ko, nakaka-hiya at may pag-pikit pa akong nalalaman. Di naman nag tagal at nagsi-alisan na din ang mga tao sa gymnasium.

"Baka kung ano pa yung isipin nila" nahihiya ko pa ding saad.

"Ha? paanong iisipin?" takang tanong  ni Winston.

"Ikaw kase!" inis na sagot ko dito.

"Anong ako?" gulat na tanong nito.

"May pa-pikit pikit ka pang nalalaman sakin, baka kung anong isipin nila" naka-sibangot na paliwanag ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala" saad nito sabay akbay nito sa akin. Napa-buntong hininga na lamang ako at agad na nilimot ang bag ko, wala naman siyang bag na dala kanina. Pero isusukbit ko na sana ang bag ko nang bigla niya iyon agawin sakin.

"May utang pa ako sayo, remember?" saad ni Winston na siyang pinag-taka ko.

"Yung libreng pagkain, hindi pag sipot sa practice, hindi ka samahan, hindi ka turuan, at papikitin ka sa harap ng maraming tao habang nag sasayaw" paliwanag nito na siyang ikina-kunot ng noo ko.

"Hindi baliw, okay lang 'yon. Amina yung bag ko" pamimilit ko dito.

"I insist, maka-bawi manlang ako diba?" pamimilit nito, wala naman akong laban kaya nagkibit-balikat na lamang ako bilang tugon.

"Ano pa nga ba?" sagot ko dito at sabay kaming tumawa.

Karma KarminaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon