Karmina's POV
Ako si Karmina at kilala ako bilang si 'Karma'. Sabi nila kapag daw hinawakan mo ako kakarmahin ka daw. Paano ko nasabi?...
•flashback•
Grade 6 ako noon, actually tahimik lang talaga ako. Hindi ako yung tipo ng tao na bully o kaya naman ako ang binu-bully. Hindi din ako friendly at mas lalong hindi din naman nila ako gusto maging friend. Hanggang isang araw, hindi ko naman sinasadya eh.
“Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” bulyaw sa akin ng kaklase kong si Krystal.
“Sorry” mahinang saad ko.
“Sino ka ba ha?! Ang lakas namang ng loob mo na bangga-in ako?!” sigaw nito na siyang kinaagaw namin ng atensyon ng ibang tao. Funny lang kase kilala ko sila pero ako? hindi nila alam na nag-eexist ako.
“K-karmina” nauutal na sagot ko dahil sa kahihiyan na idinudulot niya.
“Ano?! Karma?!” saad nito.
“K-karmina!” pagtatama ko pero agad kong naramdaman ang sakit noong hinila niya ang buhok ko dahilan para bumagsak ang librong dala ko.
“Karma, kapag sinabi kong Karma ang pangalan mo, KARMA ang susundin mo!” gigil na saad nito sa akin bago niya bitawan ang buhok ko.
“Guys! Simula sa araw na ito, huwag na huwag ninyong lalapitan itong si KARMA dahil KAKARMAHIN talaga kayo!” saad nito na may halong takot sa boses. Narinig kong nag bulungan na ang mga tao at yung iba naman ay nag simula nang maniwala at mag takbuhan palayo.
‘Huwag kang iiyak, Karmina. Ga-graduate kana, makaka-alis ka din sa school na ’to’ bulong na saad ko sa sarili ko habang nagpipigil na huwag na huwag iiyak o gaganti.
Lumipas ang ilang araw at nag simula na silang makilala ako bilang Karma. Ang mga estudyante sa ibang baitang, takot na din sa akin pati ang mga guro dito sa paaralan. Bakit pati mga guro? Nung isang araw kase hindi ko sinasadyang mahawakan yung teacher namin sa Science dahil may i-aabot akong nagpatak sa mga dala niya pero sa kamalas-malasang pagkaka-taon nadulas siya dahil sa balat ng saging na siyang ikina-ospital pa niya. Sa hindi ko malamang dahilan ay bakit sa akin nila isinisisi ang pagka-pilay ng teacher ko na iyon.
Hindi lamang ‘yon ang insidente na nangyare sa buhay ko, matapos yung aksidente sa teacher ko sa Science nagsunod-sunod na ang lahat. Gusto na akong patalsikin sa school namin pero nag maka-awa sina Nanay at Tatay na sana daw maka-graduate manlang muna ako at ilang linggo nalang din naman daw ang ipapasok.
•Graduation Day•
Kahit noong graduation day namin akala mo may virus ako kung ihiwalay ako ng adviser ko sa iba kong kaklase, ang lakas maka-social distancing. Kahit noong mag pi-picturean na para sa class picture na naka-toga, hindi ko na 'yon sinalihan pa. Umuwi nalang kami nila Nanay at Tatay at sa bahay para doon nalang mag celebrate.
Matapos ng graduation day lumuwas kami nila Nanay at Tatay sa probinsya at doon nalang kami nanirahan. Hindi kami nag-sisi nila Nanay at Tatay na lumipat ng tirahan dito sa may probinsya, masaya naman kami at payapa lang kung mamuhay. Doon ako nag highschool at naka-graduate ng maayos. Ni minsan ay hindi ko naramdaman sa school na 'to yung diskriminasyon at kung ano-ano pang naranasan ko noong elementary ako. Nagkaroon na din ako sa wakas ng isang kaibigan, si Lourdes at parehas kaming gumaraduate ng may posisyon. Siya yung kauna-unahang tao na nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa at na i-iba sa school na 'yon at hindi din naman ako nag sisi na tinanggap ko yung alok niya na makipag-kaibigan ito sa akin.
Madami din na opportunity ang dumating sa amin ni Lourdes. Inalok kami ng Mayor ng bayan ng scholarship at opportunity na makapag-aral sa Maynila. Napaisip ako at si Lourdes dahil sa mga pinag-daanan ko sa Maynila noong bata pa lang ako. Alam ni Lourdes lahat ng nangyari sa akin at kahit siya ay napaisip din doon sa inalok sa amin ni Mayor. Agad kong kinunsulta si Nanay at Tatay tungkol doon at pumayag naman sila agad. Sinabi nila na malaki na daw ako at dapat matuto na akong makisalamuha sa iba, saka kasama ko naman daw si Lourdes kaya hindi ko na daw kailangang mag-alala pa.
Matapos kong kumunsulta kila Nanay at Tatay agad ko itong sinabi kay Lourdes na siyang ikinatuwa din nito. Isang buwan lamang kaming nag bakasyon sa probinsya bago lumuwas ng Maynila para makapag-enroll sa school na papasukan namin at maka-hanap ng boarding house na matutuluyan na malapit din sa school na papasukan namin.
•Present Day•
“Oh? Karmina, anong ginagawa mo jan? Kanina kapa ba? Maaga bang natapos ang klase mo?” sunod-sunod na tanong ni Lourdes na kalalabas lang galing sa kaniyang klase.
“Kaka-labas ko lang din at kakarating ko lang” sagot ko dito.
“Tara na?” yaya nito sa akin.
“Aray naman! Ayaw kasing titingin sa dinadaanan”
“Sorry! Sorry!” paumanhin ko habang tinutulungan siyang limutin ang mga nagpatak niyang gamit.
“Eto o—"
“Ikaw?!” sigaw nito sa harapan ko.
“Hoy! Kung maka-sigaw ka parang malayo yung kausap mo ah!” sigaw din ni Lourdes sa babaeng kaharap namin.
“K-krystal?” nauutal na saad ko.
'Please? Can someone tell me, I'm dreaming?'.

BINABASA MO ANG
Karma Karmina
Fiksi Remaja"Karmina Acubera na kilala bilang alyas 'Karma', isang babaeng may hindi pang-karaniwang awra". Ito ang pagka-kakilala sa akin ng mga tao sa paligid ko, dahil lamang sa isang insidente na nangyare noong bata palang ako. Nang dahil sa isang hindi si...