K6

68 47 25
                                    

Karmina's POV

•Kinaumagahan•

"Ey!" tawag sakin ni Kyle, oo nga pala kaklase ko nga pala siya.

"Hi" walang ganang bati ko din dito.

"May problema ba?" takang tanong niya.

"P.E kase, hindi ako nag e-excell sa subject na ganito" paliwanag ko sa kanya na siyang ikina-tango na lamang niya.

Yep! P.E nga yung una naming klase at eto yung subject na hindi ko gusto in a way na mababanat ang buto ko. Don't get me wrong, hindi naman sa tamad ako, lampa lang. Pag ganito yung klase mas nag e-excell ako sa written works at periodic exams. Napabuntong hininga na lamang ako sa ideya na mas malaki daw ang sakop ng performance kaysa sa written works.

"Okay class! Rhythmic dance ang topic natin for this sem. Waltz yung una sa list natin na gagawin at ipeperform nyo next week. Yes! Next week, more like two weeks lang kayo mag pa-practice with your partners. If your performance is great wag kayong mag-alala sa magiging grades nyo. So let me pair you at walang mag rereklamo girls kung babae din ang makaka-partner ninyo, alam nyo namang napaka-dami ng population nyo. So, please proceed in front Ms. Acubera together with Mr. Buenafuerte" anunsyo ni Ma'am. Agad akong lumakad sa unahan at inintay ang partner ko, pero walang dumating.

"Absent nanaman si Buenafuerte sa klase ko?" dismayadong saad ni Ma'am.

"Ms. Acubera, I'm afraid na kailangan mo munang mag practice ng solo or mag patulong ka muna sa iba habang wala pa si Mr. Buenafuerte. Kapag wala pa din siya the day after tomorrow? Papalitan natin siya tapos ayun nga, for the mean time mag practice ka muna para hindi kana mahirapan just incase na mapalitan ko ang partner mo" mahabang paliwanag ni Ma'am na siyang ikina-tango ko na lamang. Agad na akong bumalik sa pwesto ko kanina, sa tabi ni Kyle.

"Malas mo, yung repeater ang naka-partner mo" bulong ni Kyle sakin, baka nga. Napakibit-balikat na lamang ako.

"Ms. Aligada to Mr. Bueno" sunod na tawag ni Ma'am kay Krystal at sa pair nya. Minsan ko nang nakita si Krystal na sumayaw nung elementary at talagang masasabi kong magaling sya sa ganung forte.

Natapos ang klase namin sa pag tatawag ng magkaka-pair at sa konting topic na idiniscuss about sa Waltz. Pagka-tapos ng klase namin ay agad na akong nag palit ng P.E uniform at pumunta sa susunod kong klase.

fast forward

Matapos ng araw, ikinuwento ko agad kay Lourdes ang problema ko sa P.E subject namin. Kasalukuyan kaming nag lalakad ngayon papasok sa boarding house namin.

"Eh paano 'yon? Hindi din kita matutulungan at alam mo naman na ayoko din sa subject nayan" saad nito at sabay kaming napabuntong-hininga.

Lumipas ang gabi at iniisip ko pa rin kung paano ako makaka-pag practice mag-isa.

Kinaumagahan

Wala akong pasok, si Lourdes naman hanggang mamaya lang lunch ang klase. Kailangan ko pa din pumunta sa school dahil hinihingi ni Ms. Fontelara ang copy ng grades ko nung first sem. Agad kong inihanda ang mga gamit na kailangan kong dalhin bago umalis ng bahay.

Pagka-dating na pagka-dating ko sa school ay agad akong dumiretso sa office ni Mrs. Figuracin. Kumatok ako pero wala namang sumasagot, baka wala sila. Iniwan ko na lamang sa guard ng gate two ang requirements na kailangan ni Ms. Fontelara. Malapit lang kasi yung office ng Principal sa gate two.

Malayo-layo pa ang nilakad ko papunta sa gate one kaya nang makarating ako doon ay tumigil muna ako sandali sa room 001 para mamahinga ng konti. Pero sa hindi ko inaasahang may bisita sa loob nito.

"Clyde!" masayang tawag ko dito kaso hindi niya ako nilingon. Nag taka akong lumapit sa pwesto niya at nakitang mapayapa itong natutulog. Tahimik akong kumuha ng mono block at umupo sa harapan niya at mataman itong tinitigan.

"I'm melting" agad tumalon ang puso ko sa gulat ng bigla siyang nag salita.

"H-hi, bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya, agad naman siyang umayos ng upo.

"Nakikitulog lang, nakaka-tamad kasing umattend sa P.E subject namin" sagot naman nito sakin na siyang ikinagulat ko.

"Rhythmic dance din ba yung sa inyo?" pag-kumpirma ko na siyang ikina-tango naman niya bilang tugon. Agad akong natahimik at pinag iisipan kung itutuloy ko pa ba ang sasabihin ko.

"Spill" walang ganang saad nito.

"A-ano kase, marunong ka bang sumayaw?" nahihiyang tanong ko dito.

"Why?" tanong din nito.

"Mag pa-paturo sana ako sayo, kung pwede" nahihiyang sagot ko sa kanya.

Karma KarminaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon