K4

89 54 13
                                    

Someone’s POV

“Ms. Acubera” kauna-unahang tawag ng professor namin sa apelyido nung babaeng may weird na aura sa tabi ko.

“Present!” sagot nito. Kung titignan mo siya sa anggulo na ‘to? Masasabi mong maganda naman siya, hindi lang confident.

“Ms. Aligada?” sunod na tawag ng professor namin. Ang boring talaga umattend ng klase kapag maaga nag sisimula, nakaka-antok.

“Present, Sir!” napapitlag ako nung bigla bigla nalang nag panic yung katabi kong weird. Agad kong tinignan yung babaeng tinawag nung professor namin kanina. Papunta sya ngayon sa gawi nung babaeng weird, napansin kong may ibinulong ito dito na siyang ikinatigil nung babaeng weird. Napakunot na lamang ako ng noo sa tinuran nung babaeng lumapit kay weird.

Matapos ng unang klase ay napag-pasyahan kong sundan yung weird na babae kung saan man siya mag punta. Tutal mamaya pang tanghali ang sunod na klase namin at wala din naman akong magawa, mas mabuti pang sundan ko nalang ang babaeng ito.

Agad ko siyang nakita na pumasok sa dating room 001 na malapit sa gate one. Nakakapag-taka man pero pumasok din na ako na siyang ikinagulat naman niya.

Krystal’s POV

Tahimik lang akong naka-upo sa isa sa mga bench dito sa may open area ng school.

‘There you are’ bulong ko sa sarili ko nang makita ko na ang hinihintay ko.

“Hi!” masayang bati ko sa kanya pero hindi siya tumugon.

“Clyde Miller, right?” tanong ko dito na siyang ikinatigil niya na siyang ikinatigil ko din sa pag-lalakad.

“May piso ka ba?” he randomly asked, I just nod. Nabigla ako nang bigla niyang inilahad sa harapan ko ang palad niyang. I looked at him like ‘anong-gagawin-ko-sa-kamay-mo?’.

“Piso” he blurted out, agad naman akong napakuha sa wallet ko ng bariya para i-abot sa kanya iyon. After kong maibigay ang bariya sa kanya ay madali ako nitong tinalikuran na parang walang nangyare.

“Hey! Saan ka pupunta?” takang tanong ko dito pero kinawayan nya lamang ako habang nag lalakad siya palayo, weird. Napakibit-balikat na lamang ako sa nangyare at nag simula ng mag lakad palabas ng school, sa gate one ako ngayon dadaan kase may bibilhin pa akong supply ng pagkain ko para ngayong linggo.

Habang nag lalakad ako papuntang gate one, hindi ko sinasadyang makita si Karmina na lumabas galing sa lumang classroom na may kasamang iba at hindi ito yung kaibigan niyang mabunganga.

‘Hmmm, I see something off here’ bulong ko sa sarili ko.

Karmina’s POV

Agad akong lumabas ng room 001 dahil sa natanggap kong text mula kay Lourdes na kanina pa daw ako nitong iniintay.

“Teka lang! Intayin mo ako!” paki-usap ni Kyle sa akin.

“Pasensya na Kyle pero nag mamadali ako eh, iniintay na ako nung kaibigan ko” pag mamadali kong paalam dito.

“Yung sinabi ko sayo ha! Wag mong kakalimutan!” pahabol nito. Tumango muna ako bago ko siya talikuran.

Madali kong tinakbo ang kahabaan ng hallway ng building ng Engineering department. Labasan na din kase at hassle kung makikipag-patintero pa ako sa mga estudyanteng dumadaan ngayon sa open area. Napa-iling na lamang ako bigla at—

“A-aray ko!” nauutal na saad ko nang may mabangga ako dito sa hallway.

*cough* *cough*

“Hala! Pasensya na po!” paumanhin ko agad dito at agad na hinimas ang ulo kong tumama sa likuran niya. Tatakbo na sana ako pero bigla nya akong sinita.

“Sandali *cough* nga lang!” pigil nito sa akin, agad ko naman siyang nilingon at laking gulat ko kung sino yung nabangga ko. Siya yung lalaki na nambokya sakin tungkol sa pang-ilalim ko na pink at polka dots.

“Hala sorry!” nahihiyang paumanhin ko rito.

“Hindi ko talaga sinasadya na mabangga ka, ano kase hindi lang kita nakita sa daan kanina kaya ayon nag—“ napatigil ako sa pag sasalita nang bigla niyang nilahad ang kaliwang kamay niya na nakatiklop, takang tinignan ko ito.

“Buksan mo” utos niya sakin. Agad naman akong lumapit sa kanya at dahan dahan kong binubuksan ang kaliwang kamay nito. Kaso parang kailangan ng pwersa para mag bukas ng maayos kaya nilaksan ko yung pag bubukas, pero wala talaga.

“Hindi ko mabuksan” malungkot na saad ko, bukod sa nag tatagal na ako dito dahil sa kasalanan ko sa kanya, alam kong inip na din si Lourdes kakaintay sakin.

“Look at me” utos niya na siyang ginawa ko agad para mapuntahan ko na din si Lourdes.

“A-ano, alam mo naman sigurong naka-lollipop ako nung mabangga mo ako at nasamid ako diba?” tumango ako ng madaming beses bilang tugon.

“Kung mag sasabi ka ng sorry, sabihin mo mismo sa pag mumukha nung pagsa-sabihan mo hindi yung naka-talikod ka na nga tatakbuhan mo pa” pangongonsensya nito. Agad naman akong tinamaan ng guilt sa mga ginawa ko. Wala sa sariling tinitigan ko siya sa mga mata niyang minsan ko nang napansin sa sobrang ganda.

“Patawad” I sincerely said with my tears ready to fall. Ang bigat kase sa pakiramdam, mali na nga yung ginawa ko tapos tatakbuhan ko pa, napaka-engot ko lang.

“H-hey! No need to cry, here!” natatarantang saad nito sabay bukas ng kaliwa niyang palad, I saw a candy.

“Nag mamadali ka ata kanina, sorry kung nasayang ko pa ang oras mo” saad nito na agad kong ikinagulat.

“Hindi! Wag mo isiping sinayang mo ang oras ko, ako dapat yung humingi ng sorry kase muntik ka nang mabilaukan dahil sakin, pero babawi ako sayo kapag nag kita ulit tayo sa susunod. Nag mamadali lang ako ngayon gawa nang kanina pa akong iniintay ng kaibigan ko sa department namin, so pasensya na talaga. Mauna na ako, ingat ka!” nag mamadali kong paliwanag dito.

“CLYDE!” sigaw niya na siyang ikinatigil ko ulit sa pag-takbo, nilingon ko siya saglit.

“Clyde ang pangalan ko” nakangiting sambit nito, hindi na ako nag atubili pa at ginantihan ko din siya ng isang matamis na ngiti.

“Karmina naman yung sakin!” pakilala ko din sa kanya bago ko tuluyang nilisan ang building nila.

Agad kong narating ang department namin at doon ko nakita si Lourdes na dala-dala pa ang bag ko.

“You owe me a story for this!” patungkol ni Lourdes sa bag ko na bitbit niya.

“Madami! Madami akong ikukwento sayo, pambawi ko manlang sa pagiging late at pag dadala mo ng bag ko” masayang saad ko na siyang ikina-ngiti namin parehas.

***

I would like to dedicate this part to Ms.superduperluckyme. Hi gurl! Thank you for reading my story, Iloveyousomuch!

Karma KarminaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon