Kyle's POV
Marahil, ito na ata ang pinaka-malungkot kong kaarawan. 'Di ko pa rin lubos maisip ang sinapit ng buong pamilya ni Jake.
"Happy birthday, Kyle!" Wika ni Mama. Hindi ko alam kung anong nais iparating ni Mama sa kaniyang mga salita. Alam naman nilang malungkot ako pero siguro ay gusto rin nila ako pasayahin dahil kaarawan ko ngayon.
"Thank you, Ma." Sagot ko na may halong lungkot at saya. Lungkot dahil wala na si Jake at ang kaniyang magulang, saya dahil araw ito ng aking kapakanakan.
Agad ko namang hinipan ang hawak na cake ni Mama sabay diretso sa aking kwarto.
Bukas ay maghahanap na ako dorm para sa bago kong papasukang eskwelahan. Hindi tulad ng dati, wala na akong kasama ngayon dahil wala na si Jake.
"Andaya mo talaga, Jake. Nakakainis ka! Paano na ako ngayon?" Bigla na lamang lumabas sa aking mga labi habang nakahilata sa aking higaan ang mga katagang iyan.
Pinilit ko naman na makatulog ngayong gabi ngunit 'di ko kayang labanan ang aking isipan. Patuloy pa rin sa pag-alala nang maaksidente si Jake.
Pasado alas-tres na nang madaling araw pero 'di pa rin ako nakakatulog. Napag-isipan ko na lamang na magtimpla ng gatas upang makatulog.
Habang bumababa ako ay may narinig akong kaluskos. Hindi ko mawari kung saan ito nanggaling.
"Sino ang nandiyan?" Matapang na pagsigaw ko. Batid kong si Mama at Papa ay tulog na sa sandaling ito dahil pagod ang dalawang iyon sa trabaho.
Hindi ko na lang ito pinansin marahil ay pusa lamang iyon. Sa takot na dinadala, minabilis ko na lang mag-timpla ng gatas upang 'di na ulit marinig ang mga kaluskos.
Habang paakyat ng mabilis patungo sa aking kwarto ay napansin kong bukas ang pinto. Alam kong sinara ko ito bago ako bumaba pero bakit nakabukas ito ngayon?
"Siguro, binuksan lang ito ni Papa para i-check kung tulog na ba ako." Sa isip ko.
Papasok na sana ako ng aking kwarto ng bigla namang may humawak sa aking mga braso.
Biglang tumalbog ang puso ko nang hawakan ni Papa ang aking mga braso at sa gulat na aking nadama ay natapon ng bahagya ang aking dala-dalang gatas. "Anong oras na, 'nak. 'Di ka pa rin makatulog?" Tanong ni Papa.
"Ah, iniisip ko lang po kung anong mangyayari bukas, Pa." Pagsagot ko naman. Hindi ko naman mawari kung bakit gising din ito si Papa.
"Ah, ganoon ba? Sige, matutulog na ako. Matulog ka na rin." Saad naman ni Papa.
'Di ko na lamang ito sinagot pang muli at dumiretso na sa aking kama. Habang iniinom ko ang gatas ko, napansin kong nakabukas ang notebook ko. Sinira ko nalang ito muli para makatulog na.
"Sinara ko na ito kanina ah? Bakit pa 'to bukas?" Tanong ko sa aking sarili nang makitang bukas ang bintana. Ano ba ang nangyari?
Sinira ko na lang ito at humiga na.
• • •
Maaga akong nagising. Sa ganap na alas-otso ay agad na akong kumilos upang maghanda sa aking pag-alis upang maghanap ng dorm na aking tutuluyan habang ako ay pumapasok.
"Pa, bumaba po ba kayo kagabi?" Tanong ko kay Papa habang kumakain ng agahan.
"Hindi 'nak, bakit?" Sagot naman ni Papa.
"Ah." Sagot ko na lamang. Tama nga ang aking hinala. Marahil isa lamang iyong pusa.
"Eh kagabi, Pa. Pumasok ka ba sa kwarto ko?" Tanong kong muli. Gusto ko kasing malaman kung siya 'yung nagbukas ng notebook at bintana ko.
"Hindi rin, nak. Bakit ba? Kanina ka pa nagtatanong di mo naman ako sinasagot." Sagot ni Papa.
Kung hindi si Papa 'yon? Sino nagbukas ng bintana 'ko? Sino nagbukas ng notebook ko?
"Wala po, Pa. Sige po, una na po ako." Agad na akong tumayo at nag-ayos na nang gamit.
"Bye, Ma. Bye, Pa. Hanap lang po ako ng dorm." Pamamaalam ko kina Mama at Papa.
Habang naglalakad ako palabas ng village ay 'di pa rin maalis sa aking isipan kung sino yung nagbukas ng pinto, notebook, at bintana ko.
Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ko binabanggit ang aking notebook 'no? Doon kasi nakasulat ang address ng school at nang mga posibleng malalapit na dorm na p'wede kong tuluyan habang pumapasok.
Nagsimula na akong maglakbay papunta sa aking destinasyon-- ang paghahanap ng dorm.
• • •
Matapos ang ilang oras ay may nahanap na ako na dorm.
Ngayon, nandito na ako sa bahay para maghanda ng gamit para bukas ay mailagay ko na agad ito sa dorm.
"Nak, kain na muna. Mamaya na 'yan. Tutulong na lang kami sa'yo bukas na ilagay 'yan sa dorm mo." Wika ni Mama.
'Di na ako nagpa-pilit dahil gutom rin naman ako matapos ang ilang oras nang paghahanap.
Habang kumakain ay tinanong ako nila Mama at Papa kung maayos ang tutuluyan ko. Sinabi ko naman na ayos lang at 'di siya ganoon kagarbo.
Actually, this fast few days, iba na ang turing sa'kin nila Mama at Papa. 'Di naman sila ganito dati. But, i'm happy with this. Na-ganito sila. Atleast, I do know that they have care for me na. Hindi naman kasi sila ganoon ka-showy sa ganitong bagay dati.
Nakahilata na ako ngayon dito sa kama ko. Nag-iisip. Kung nandito pa sana si Jake, siya ang kasama ko sa dorm at hindi na ako mangangapa sa ugali ng magiging roommate ko.
Habang palalim ng palalim ang gabi ay siya namang pabigat ng pabigat sa aking talukap.
• • •
Bandang alas-nuwebe na ako nang umaga nagising. Pag-gising ko ay wala na sila Mama at Papa. Ang sabi pa naman nila ay tutulungan nila ako para sa paglipat ko sa dorm. Hay, kahit kailan talaga. Napaka-workaholic talaga ni Mama at Papa na pati ako nakalimutan.
Inayos ko na ang lahat ng mga bagay na aking dadalhin palipat sa dorm. Ngayong araw na ako lilipat 'don para bukas ay hindi na ako maghabol dahil sa lunes ay pasukan na.
Sabado ngayon, pero 'yung ambiance ng araw ko ay parang linggo.
Nag-grab na ako papunta doon sa dorm dahil bahagyang may karamihan ang dala kong gamit. Nag-text na rin ako kay Mama at Papa na aalis na ako ng bahay.
"I'm here!" Pasigaw kong sambit. Finally, 'di na magiging bored ang buhay ko. Since, nung mawala si Jake ay nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. Pwera na lamang sa pag-aaral. Jake taught me that I must study first. Kahit na kami pa noon ay mas gusto niyang inu-una ko ang pag-aaral kaysa sakan'ya.
"Sana nandito ka nalang, Jake." Pabulong kong sambit. Hanggang ngayon, nangungulila pa rin ako kay Jake.
Papasok na ako ng kwarto ng dorm ng biglang may nakita akong tao sa loob nito. Marahil, siya ang roommate ko.
"Andito ka na pala." Wika nito nang may matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.
Nginitian ko lang ito dahil 'di ko pa naman siya kilala. Katahimikan ang namayani sa buong sulok ng kwarto namin.
"Ako nga pala si Jonathan, and you?" Pagbasag nito sa katahimikan. Sinabayan pa ng pagbagsak nito ng kamay sa paraan ng pormal na pagpapakilala.
"I'm Kyle. Kyle Mallari."
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Blood of Love
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Kyle pakiramdam niya ay malas siya sa lahat ng bagay. Nawala lahat ng mga taong nag-mamahal sakaniya. Ngunit, limit sa kaniyang kaalaman na may isang taong nagna-nais umangkin sa kayamanan ng pamilya nila. Matagal na itong nagmamasid...